3D: Dream, Desire, Disciples

4K 48 4
                                    

Theme: “Ang Magaling na Pinuno ay may Pangitain”

                    3D: Dream, Desire, Disciples

Verse: Genesis 37:1-11

            God calls people to assume leadership position at all times. (The Judges, the prophets, the apostles and now the pastor, deaconesses, lay leader and even today’s youth leader are part of God’s plan to move His Kingdom Agenda.)

God “called” them for a “special purpose.” (Ano ba yung special purpose na yun?) “To make Christ Known.” Maipakilala natin ang Lord na nagligtas sa buong mundo at nagtubos sa ating mga kasalanan.

            One of the great leaders in our history was Joseph the Dreamer, the son of Jacob. He followed God’s calling in him. He does great things to glorify our Lord. He is a good servant of God.

We are the leader of all leaders! Wow ganyan kasarap magmahal ang Lord sa buhay ng bawat isa. Hindi Nya tayo ginawang leader ng isa o dalawang tao lang kundi leader ng lahat ng mga leader.

            When God called you for His mission, grabe di ka makakahindi, God has a plan for every one of us. He knows the best and what is right for us.

 “Calling”, yan ang pagmamahal ng iyong Ama na nais Nyang ipagawa sa Kanyang anak.

Ano ba ang calling? The word calling came from the Latin word “vocare” which means “summon”. The summon in present day world means “to subpoena”.

Saan ba natin madalas marinig ang salitang subpoena? Diba sa korte, kapag pinapatawag ang nasasakdal. It means you are required to appear with God’s calling. We are required to appear in His presence to hear His instructions and do what is being told.

We are the “deacon” and “deaconess” of God meaning servant.

3D: DREAM, DESIRE, DISCIPLE

DREAM: “With God all things are possible” –Mark 10:27

            Ang lahat ng ating mga pangarap ay ating makakamtan kung ang Lord ang sentro ng ating buhay. I claimed na natin ang ating mga pangarap, panghawakan natin ito.

Tulad ni Joseph the Dreamer ang tauhan sa ating teksto ngayon ay tunay nga na kumilos sa kanyang buhay ang Lord.

Gen. 37:5-8       Kapatid

Gen. 37:9-10     Ama

Gen.39:2-3        Fotipar

Gen. 40:9-14     Pangitain sa Tagapangasiwa ng inumin

Gen.40:16-19    Pangitain sa Punong Panadero

May mga pangyayari sa kwento na hindi tanggap ang kanyang mga panaginip tulad ng kanyang kapatid at ama ngunit dahil ang Lord ang nangusap sa kanyang buhay patuloy nyang ipinagpatuloy ang nais ng Lord sa kanya.

DESIRE: Dahil tayo ay may dream na, ito naman ang panahon na dapat ay may desire ang heart natin, dapat ay may aksyon na, hindi na kailangan ng papetiks petiks. Anak tayo ni Lord dapat nageexcel tayo sa lahat ng ating ginagawa.

            Tulad ni Joseph tunay nga  na ang desire ng heart nya ay dalisay. Nag excel sya sa lahat ng kanyang mga ginagawa maging ito man ay maliit na Gawain ginagawa nyang mahusay ang kanyang tungkulin.

            Gen.39:3           Katiwala ng bahay at ari-arian ni Fotipar

            Gen.39:22         Tagapamahala ng Bilangguan

            Gen.41:37-40    Tagapamahala ng Egipto

DISCIPLES: Kamusta ka ba bilang isang disciple ng ating Ultimate Discipler? Nababahagi ba natin Si God sa iba, nagiging buhay na testimonya ba tayo sa ating kapwa, nasheshare ba natin ang mga aral ng Lord sa ating pamilya, kamag-aral, anak, at katrabaho, nakikita ba sa ating mga gawa ang Lord. Nawa maging tulad tayo ni Joseph, kahit na pinagbenta sya ng kanyang mga kapatid sa mga mangangalakal, ang mga ito ay kanya paring pinatawad. Sinunod nya parin ang nais ng Lord sa kanyang buhay, naging masunuring tagasunod sya ng ating Panginoon.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon