P.O.W.E.R
Verse:Josue 1:8-9 (Relate the verse to your life. How God used you and molded you in different ways)
Ano ba ang POWER para sa atin? Sino ba ang Superhero natin na nagbibigay sa ating lakas, sigla at kakayahan na gawin ang lahat ng bagay? Sino ang Superhero natin na ibinigay Nya ang Kanyang buhay at nagpapako sa krus upang iligtas ang bawat-isa?Ano nga ba kailangan natin upang masuklian ang kabutihan ng Lord?
WE NEED POWER!!! Yan ang kailangan natin upang mapanatili nating buhay ang LORD sa buhay natin.
P-Pray Kailangan natin ng communication sa Lord thorough prayer.3 Sagot ng Lord sa ating Prayer
1. Yes – May mga prayer tayo na sinasagot agad ng Lord.
2. No – May mga prayer tayo na hindi binibigay ng Lord dahil may ibang plano siya na mas best para sa bawat-isa.
3. Wait – May mga prayer tayo na kailangan nating maghintay may binigay ang Lord na panahon para dinggin ang ating panalangin dahil nais ng Lord na handa na tayo sa kanyang ibibigay sa atin.
O-Obey Kailangan nating mag obey o sumunod sa ating Lord. “Obedience is better than Sacrifice.” At sundin ang nais ng LORD na ipagawa sa atin. H’wag tayong matakot lagi nating tandaan na kasama natin ang Lord sa lahat ng ating gagawin.
W-Worship Kailangan nating magworship o sumamba sa ating Panginoon, Siya ang maging priority natin bago ang ibang bagay. Hindi tayo maaaring sumamba sa dalawang Diyos. Kailangan nating magfocus sa Lord upang makita natin ang malaking plano Nya para sa bawat isa.
E-Evangelize Kailangan nating mag evangelize, kailangan natin ipamalita ang kabutihan ng Lord sa ating buhay. I-share natin ito sa ating kapwa upang masumpungan din nila ang pagmamahal ng Lord sa atin.
R-Read and Revive Kailangan nating magbasa ng banal na kasulatan, magbulaybulay sa nais ng Lord na ipagawa sa atin. (Share about your Devotion- ipakita kung gaano kasarap maging devoted sa Lord –MPCWA) Dahil sa devotion marerevive ang puso’t kaluluwa natin at marerealize natin ang magandang buhay na naghihintay sa atin kasama ang Lord at marerealize natin ang mga pagkakamali nating ginawa noong nakaraan na di pa natin nakikilala ang LORD.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19