Theme: Bakit ako naririto ngayon?
Verse:1 Samuel 1:1-20
This day allowed God to use all of us. (ALL)
God used one woman to make a difference today. (HANNAH)
One person can make a difference. (YOU)
One church can make a difference in this community. (Binuangan United Methodist Church/ Name of your church)
· Nang ikaw ay dumating dito ikaw ba ay may pinagdaraanan?
· Paano ka nakarating sa Tahanan ng Panginoon/Church ngayong umagang ito?
1 Samuel 1:1-9 Hannah came to the House of God
Kung makikita natin si Hannah kasama ang kanyang pamilya patungo sa Tahanan ng ating Panginoon siya ay…
1. Barren –(Wala siyang anak at desperado siyang magkaroon ng anak.)
Ikaw ay naririto ngayon sa tahanan ng ating Panginoon dahil ikaw ngayon ay “empty” ibig sabihin walang laman. Feeling mo na ang mundo ay iyong pasan pasan at wala kang karamay .
Tulad ni Hannah feeling nya ay empty sya dahil di nya mabigyan ang asawa nyang si Elkanah ng anak. Tapos minamaliit pa sya ng isa pang asawa ni Elkanah dahil si Hannah ay di mabigyan ito ng anak.
2. Burden – 1 Samuel 1:10 (may malaking sagabal sa kanyang puso.)
Ikaw ba ngayon ay naririto sa tahanan ng ating Panginoon na ang iyong puso ay punong puno ng burden o alalahanin sa anak, pera, trabaho, asawa at pag-aaral.
Tulad ni Hannah, burden nya na di nya mabigyan ang kanyang asawa ng anak. Tayo mayroon ba tayong bagay o damdamin na hindi natin maibigay sa mga taong mahal natin sa buhay.
3. Believing – 1 Samuel 1:11-16 (Pinagdarasal niya sa Panginoon na bigyan siya ng anak at ibibigay niya ang kanyang anak sa Panginoon.)
Inakala ni Eli na si Hannah ay lasing dahil gumagalaw ang kanyang labi ngunit wala namang maririnig na tunog sa kanyang bibig. Si Hannah ay mataimtim na nagdarasal sa ating Panginoon na kalugdan Nya ang panalangin nito na magkaroon ng anak.
Huwag lang nating “isipin” kung paano nga ba pumasok at kung ano ang ginawa ni Hannah sa tahanan ng ating Panginoon kundi “makita” natin kung papaano ba ang kanyang ginawa upang masumpungan nya ang kagalakan sa kanyang puso ng magtungo sya sa tahanan ng Panginoon.
4. Altered by God – 1 Samuel 1:17-18 (Siya ay punong puno ng suliranin sa buhay, pero pinuno ng Panginoon ng ligaya at kapayaan ang kanyang puso.)
Kung ikaw ngayon ay nagtungo sa tahanan ng ating Panginoon na empty di ka lalabas ng tahanan Nya na empty parin, pupuspusin at pag-aapawin ka Nya ng pagpapala, pupunuin at pag-aalabin ka Nya ng kaligayahan sa iyong puso at sa iyong pag-alis sa Kanyang Tahanan dala-dala mo ang masarap na buhay na naghihintay sayo.
5. Abiding in God – 1 Samuel 1:19 (Bago siya umuwi ng kanilang tahanan, nagbigay siya ng oras upang sumamba sa Panginoon. Kahit na hindi agad na nakamtan ni Hannah ang kasagutan ng Panginoon sa kanyang panalangin, siya ay nanatiling nananampalataya sa Panginoon.)
Hindi dahil umalis ka na sa Tahanan ng Panginoon ay tapos na ang pagsamba mo sa ating Panginoon. Si Hannah kahit na sya ay nasa kanyang tahanan ay nanalangin parin sya, ganyan sya sumusunod sa ating Panginoon.
6. God’s fulfillment – 1 Samuel 1:20 (Hindi alam ni Hannah kung kailan siya bibigyan ng anak ng Panginoon; ngunit alam niya na bibigyan siya ng Panginoon ng anak sa tamang panahon.)
Lagi lang tayong manalig at maniwala sa ating Panginoon na ang lahat ng ating Panalangin ay kanyang ipagkakaloob sa bawat isa sa panahon na Kanyang itinakda. Tulad ni Hannah maging devoted tayo sa pananalangin na lahat ay mangyayari dahil ito ay kaloob ng ating Panginoon. Huwag tayong magsawa kahit na maraming tao ang nais sirain ang ating paniniwala sa Lord.
Ikaw ba ay empty? Ikaw ba ay maraming problema o suliranin?Ngayon kamusta ka na?
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19