HERE and HEAR

1.7K 25 2
                                    

HERE and HEAR

 

Ang ating tema na pagbubulay-bulayan ngayon ay ang katagang “Here and Hear”.

May dalawang bagay tayong dapat malaman patungkol sa Here and Hear.

HERE-Narito                   HEAR-Narinig

HERE: Bakit nga ba tayo naririto ngayon sa tahanan ng ating Panginoon, bakit nga ba tayo naririto ngayon sa activity ng Lord. Alam mo bang hindi aksidente na ngayon ay narito ka, ako at tayong lahat.

Naririto ka ngayon upang masumpungan ang pagpapala ng Lord sa bawat isa. Naririto ka ngayon upang maging buhay na patotoo sa iyong kapwa. Naririto ka ngayon hindi dahil sa kaibigan mo, hindi dahil sa crush mo, hindi dahil naaya ka lang, kundi narito ka ngayon upang pagpalain at maging pagpapala sa ibang tao. (Marahil ginamit ng Lord ang iyong kaibigan upang ikaw ay makarating sa Kanyang presensiya ngayon.)

Alam mo ba na ang ating Lord ay buhay, Siya ay naririto ngayon kasama natin sa ating activity. Ang Lord ay kasama natin saan man tayo magtungo, ang Diyos natin ay hindi natin naiiwan lang sa bahay sambahan kundi kasama natin saan man tayo magpunta (sa bahay, paaralan, pagbibiyahe at kahit saan pa). Ngayong araw na ito tuwang tuwa ang Lord sayo dahil ikaw ngayon ay naririto sa Kanyang tahanan.

HEAR: Alam mo bang naririto ka ngayon upang makapakinig ng Salita ng Lord. Naririto ka ngayon upang makilala mo pa ng lubusan ang Lord, ang Panginoon na nagbigay sa atin ng buhay, ang ating Panginoon na nagpapako sa Krus upang iligtas tayong lahat dahil sa ating mga kasalanan. Nais ng Lord na marinig mo ang Mensahe Nya ngayong araw na ito. Naniniwala ka ba na ngayong araw na ito, babaguhin ka ng Lord, naniniwala ka ba na ngayong araw na ito ay may malaking pagbabago na mangyayari sayo. (Maniwala ka! Ipagkatiwala mo sa Lord ang buhay mo, walang mawawala sayo kung ikaw ay makikinig ngayon at kasama na rin ang pagsasagawa.)

Alam mo bang nais ng Lord na marinig Nya kung gaano mo Siya kamahal, kung anong pagpapala ang ginawa Niya para sayo ngayong araw na ito. Ang Lord hindi Siya nagsasawang pakinggan ka, ang nais ng Lord ngayong araw na ito ay pakinggan mo ang Mensahe na ihahatid Nya.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon