Keys On How To Be Blessed

7.7K 61 11
                                    

Title: Keys on How to be blessed

Text: Ex. 23:25, Mal. 3:10, Mt. 6:23, Mt. 25:15, Dt. 23:5, 1King 3:13

Ano ang paraan na dapat nating gawin upang tayo ay pagpalain ng Panginoon. Bilang mananampalataya at anak ng ating Panginoon maraming bagay sa ating buhay ang dapat nating isaalang alang at sundin upang ang Panginoon ay pagkalooban tayo ng nag-uumapaw at walang hanggang pagpapala mula sa Kanya.

1. Worshipping God

Exodus 23:25 Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Kung magkagayon, pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.

-Paano ba tayo sasamba sa ating Panginoon? Sabi sa ating teksto mula sa Exodus 23:25, hwag nating sambahin o yukaran ang mga diyus-diyosan na gawa ng tao, sapagkat wala itong magandang maidudulot sa ating buhay. Pasasaganain ng Panginoon ang ating pamumuhay ng sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya ng buong puso at kaluluwa. Maglingkod tayo sa ating Diyos na buhay.

2. Tithing

Malakias 3:10 Ibigay ninyo buung buo ang inyong mga ikapu upang matugunan ang pangangailangan sa aking templo. Subukin ninyong gawin ito, kung hindi ko buksan ang mga durungawan ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.

-Ano ba ang tithes o ikapu? Ang ikapu ay ang 10% ng ating pera, kita man natin ito sa trabaho o baon sa eskwela.

-Bakit nga ba kailangang mag tithes o mag-ikapu? Sa usapin ng pera maraming tao ang nagkakasala, dyan natin nakikita ang tiwala ng Diyos sa ating mga tao, kung paano ihandog ng mga tao ang kanilang ikapu sa Kanya. Dahil sa pera maraming tao ang nag-aaway, dahil sa pera maraming tao ang nagiging sakim, dahil sa pera maraming tao ang nakakapandaya at maraming tao ang corrupt.

Sa pagbibigay ng ikapu ay ang pagbibigay natin sa ating Panginoon, kung paano tayo pinagpapala ng ating Panginoon, ganun din natin Siya pagpapalain sa pamamagitan ng ating pagkakaloob. Ang ating ikapu ang ginagamit sa mga pagawain ng ating Iglesya upang ipagpatuloy nito ang pag-abot sa pangangailangan ng mga tao. Sa pamamagitan ng ikapu nakikita kung gaano tayo mapagkakatiwalaan ng Panginoon sa maliit sa bagay. Sabi nga "Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay". Magbigay ng bukal sa kalooban. Ganyan tayo pagpapalain ng ating Panginoon kung susundin natin ang nais Niya para sa atin. Papasaganain ng Panginoon ang buhay ng bawat isa na tunay at tapat sa kanyang paglilingkod.

3. Seek Him

Mateo 6:33 Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.

-Paano natin mapaghahari ang Panginoon sa ating buhay? Mapaghahari natin ang ating Panginoon sa ating buhay kung mamumuhay tayo ayon sa Kanyang kalooban. Lagi nating unahin ang ating Panginoon sa lahat ng hakbang na ating gagawin at Siya ang maging sentro ng ating buhay. Maging mabuting lingkod Niya at lagi nating sundin ang anumang naisin Niya para sa bawat isa at Kanyang ipagkakaloob ang lahat ng ating pangangailangan. Hindi pa man natin hinihingi ang Panginoon ibinibigay Niya na.

4. Obey Him

Mateo 25:15 Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng 5,000, ang isa nama'y 2,000, at isa pa'y 1,000 pagkatapos, siya'y umalis.

-Paano natin susundin ang ating Panginoon? Bilang kabataan dapat maunawaan natin ang tamang pagsunod sa ating Panginoon. Ang "will" o nais ng Lord ang masunod hindi ang sarili nating naisin. Ang pagsunod ang pinakamahalagang bagay na binigay ng Panginoon sa lahat ng Kanyang tinawag. "OBEDIENCE IS BETTER THAN SACRIFICE". Tama, ang pagsunod ay higit kaysa sa nagsasakripisyo. Mayroong tao na nagsasakripisyo ngunit di marunong sumunod ngunit ang sumusunod sa Panginoon ay marunong magsakripisyo.

Tulad ng DISCIPLESHIP, ang Panginoon tumawag Siya ng mga leaders para ipagkatiwala ang Kanyang mga people. Ang ating leader/discipler ay pagpapala ng Lord sa bawat isa, ang lahat ng nais sabihin ng Lord sa Kanyang people ay Kanyang binibigay sa mga leaders na Kanyang pinili. Tandaan natin, ang pagsunod sa ating leader ay hindi dahilan na siya na ang iyong sasambahin, ang ating leader ay kasangkapan lamang ng Lord para ipaunawa ang lahat ng bagay na ating ginagawa sa buhay tama man ito o mali. Kaya't sundin ang ating leader.

Sa teksto natin, ang tao na binigyan ng 5,000 ay tumubo ng 5,000, ang isa naman ay binigyan ng 2,000 at ito ay tumubo ng 2,000 samantalang ang binigyan ng 1,000 na humukay ng lupa at itinago ang kanyang salapi kaya't ang ginawa ng kanyang panginoon ay binigay ang 1,000 sa tao na mayroong 10,000. Sa bawat binibigay ng Lord sa atin ay ating pagyamanin at sundin ang Kanyang mga utos.

5. Love the Lord your God

Deuteronomy 23:5 Gayunpaman, hindi siya dininig ni Yahweh. Sa halip, pinagpala niya kayo pagkat mahal niya kayo.

Alam mo ba kung gaano kalaki ang pagmamahal ng Panginoon sa iyo? Ang pagmamahal ng Lord sa bawat isa ay hindi masusukat ninuman, walang hanggan ang Kanyang pagmamahal sa ating lahat. Kahit marami tayong mga pagkukulang at kasalanan sa Kanya ay patuloy Niya paring ipinagkakaloob ang ating mga pangangailangan. Kaya't bilang Kanyang anak, ating suklian ang lahat ng Kanyang binibigay sa atin sa pamamagitan ng ating bukas na pagkakaloob para sa Kanya, buong puso na paglilingkod sa lahat ng ating gagawin.

6. Trusting God

1 King 3:13 At bibigyan pa kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi: kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.

Nagtitiwala ka ba sa ating Panginoon? Opo, dapat tayong magtiwala sa ating Panginoon sapagkat lahat ng mga nangyayari sa atin ay Kanyang kaloob. Ipagkatiwala natin ang ating buhay upang maranasan natin ang buhay na nais niya para sa atin. Ang lahat ng kayamanan at karangalan na mayroon tayo ngayon ay galing sa Kanya at wala ng iba pa.

Mahirap i-earn ang tiwala ngunit sa Lord ang tiwala Niya sa atin ay walang patid. Pagka't pagnagtiwala tayo sa Lord ay hindi tayo mapapahamak kundi magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

BE A CHANNEL OF BLESSINGS AND GOD WILL BLESS US ABUNDANTLY...

BLESSED THIS NATION!

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon