Healthy and Growing Ministry

1.8K 9 1
                                    

                                    Healthy and Growing Ministry

Verse: Isaiah 51:15, 1 Corinthians 3:6, Colossians 2:19 

Isaiah 51:15

I am the LORD your God, who churns up the sea so that its wave roar

1 Corinthians 3:6

 “I planted the seed, Apollos watered it, but GOD made it grow.

Colossians 2:19

“ It is from him that all the parts of the body are cared for and help  together. So it grows in the way God wants it to grow.”

Kapag sinabi ang Binuangan United Methodist Church mula sa barangay ng Binuangan, Obando, Bulacan, ano ang ating unang maiisip? At bakit?

-isa marahil sa ating naiisip ay isang isla o isang barangay na napapaligiran ng tubig. Maaaring isipin na ikaw ay magaling lumangoy at pagnakita ka ng iyong kaibigan na sa ibang lugar nakatira ay nais magpaturo sayong lumangoy.

-isang Iglesia na napapaligiran ng tubig. Marami ng tao tayong naringgan na takot pumunta ng Binuangan sapagkat takot sumakay sa Bangka o kaya naman ay takot sa alon na dala ng ilog.

Ngayong araw na ito ating pagsasalusaluhan ang tungkol sa WAVES o ALON, Healthy Ministry at Growing Faith.

Ano ba ang waves o alon para sayo?

Paano mo irerelate ang alon sa iyong buhay? (Alon noong panahon na ang Panginoon ay hindi mo pa tinatanggap sa buhay mo at alon na ngayong ikaw ay isa nang lingkod ng ating Panginoon.)

Sa iyong spiritual life, paano ka nagiging alon?

Game: HIT 10

Isipin ninyo na ako ay isang waves o alon, kailangan nyong matalo ako upang malampasan ang mga pagsubok ng buhay na kakaharapin natin o talunin ang waves upang mas lalong lumago tayo.

-Ang gagamitin lang nating number ay 1, 2 o 3. Ang tao na makakakuha sa huli ng 10 ang siyang panalo.

Huwag nating katakutan ang waves sapagkat ito ay handog ng Lord sa bawat isa sa atin. Tanging ang ating Panginoon ang may kakayahang gumawa ng alon, wala sinuman sa atin ang maaring makagawa ng alon na mas mataas pa sa bundok, alon na mas malaki pa sa ating barangay o alon na walang patid habang buhay.

Growth and Waves cannot be produced by man! Tanging ang Panginoon lang ang makapagpapalago sa atin. Tanging ang Panginoon lamang ang maaaring gumawa ng WAVES OF REVIVAL sa ating buhay.

Tulad ng sinabi ni Pablo, “I planted the seed, Apollos watered it, but GOD made it grow.” 1 Cor. 3:6

-Lahat tayo ay binigyan ng Panginoon na kakayahan na humipo ng puso ng maraming tao, maishare ang kabutihan Niya sa ating buhay ngunit tanging ang Panginoon lamang ang makapagpapalago sa ating buhay.

Spiritual Waves- bilang anak ng ating Panginoon, dapat alam natin at handa tayong harapin ang mga waves na pagdadaanan natin at ang mga waves na ito ay ating sasakyan upang mas mapabuti at mapaganda ang ating buhay, sapagkat higit na mapagpala tayo kapag nalampasan natin ang mga waves na ito.

-Madaling harapin kung ating titingnan ang mga waves sa ilog, ngunit kung ating lalakbayin ito kailangan natin ng matinding balanse. Kailangan natin ng patience, faith, insight, skill at balanse.

-Sa pagharap natin sa waves ng ating buhay kailangan natin ng tamang equipment upang sakyan ang waves at makita natin ang importansya ng balance. (school, church, devotion, ministry, friends and family)

Madalas may mga taong nagtatanong ng, “Ano ba ang gagawin natin para mapalago ang ating ministeryo sa Lord?”  o “Paano ba tayo gagawa ng Waves o Alon?”  ito ang ilan sa katanungan na madalas ay nagiging misunderstanding natin, tandaan natin na pagtayo ay nasa Lord na Siya ang magpapalago nito, natural na paglago sa ating buhay. Ang pagiging matured ng isang tao ay hindi pinipilit dahil gusto mo lang na maging mature, ang Lord ang magbibigay sayo ng  Bilang anak Niya, ito ang dapat nating itanong sa ating mga sarili, “Paano natin mapapanatiling malago ang ating ministeryo sa Lord?” o “Ano ang humahadlang sa ating buhay kung bakit hindi tayo lumalago?”

Tulad ng sinabi ko noong nakaraang linggo, “ALL LIVING THINGS GROW” – natural sa lahat ng may buhay sa ating mundo na lumago at lumaki lalo na kung ito ay malusog. Hindi mo kailangan sabihin sa ating sarili na kailangan kong lumago, o kaya naman ay sabihin natin sa iba na dapat silang lumago. Natural ang paglago, basta’t matanggal natin ang mga bagay na humahadlang sa atin upang maging Healthy ang ating Spiritual Life. Ang Lord ang bahala sa ating paglago.

madalas nasasabi natin,,,

“Pasensiya na di ako nakapagdevotion ngayon?”

“Mamaya ko nalang susundin ang nanay ko, pagkatapos ng pinapanood ko?”

“Pasensiya na late akong pumasok, nagmovie marathon kasi kami kagabi?”

-yan ang ilan lamang sa mga tanong at pangyayari sa ating buhay kung bakit hindi tayo lumalago, may mga bagay na humahadlang sa atin upang mas higit na Papurihan ang ating Panginoon. Kapag “Kapag kulang ang iyong paglago?” ibigsabihin ‘may mali sayo’ na di mo pa na BREAKTHROUGH! At nale LET GO!

Tandaan natin, Ang UMYF is an organization pero higit sa lahat it is an ORGANISM. It is alive!

Kapag ang people ng Lord ay healthy ang faith, sila ay lalago sa nais ng Lord para sa kanila.

“ It is from him that all the parts of the body are cared for and help  together. So it grows in the way God wants it to grow.” Col. 2:19

Nais ng Lord na malusog at lumago tayo para sa Kanya. Kung ang ministry mo at ang iyong sarili ay malusog, wala kang dapat ipangamba sapagkat ang Lord bahala sa paglago nito.

Humanda tayo sa SPIRITUAL WAVES ng LORD sa ating buhay.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon