VISION AND MISSION
Verse: Kawikaan 29:18, Isaiah 65:1
Ano ba ang ibig sabihin ng Vision? Ang Vision ay ang “Pangitain” natin, ito yung mga bagay na iniisip natin na mangyayari sa atin. Ikaw ano ba ang Vision mo sa buhay? Sa sarili mo, sa family mo, sa studies mo, sa friends mo, sa church mo, sa community na kinabibilangan mo. Ang sarap isipin yung mga pangarap natin sa buhay na nais nating makamit, pero alam ba natin na kapag may vision tayo kasunod nito ang Mission.
Ano ba ang Mission? Ang mission ay ang panahon kung paano o anong hakbang ang gagawin mo upang makamit mo ang ninanais mo sa buhay.
5 Parts of Vision/Mission
1. Prepares you- If you have a vision/mission, it prepares you for a better future.
Dapat pineprepare natin yung sarili natin, gusto ba natin na ganito nalang tayo hanggang pagtanda natin o mayroon tayong gusting makamit sa buhay.
2. Lead and Guide you- Vision/Mission can lead and guide you in the right directions.
Kung tayo ay may vision/mission may patutunguhan ang buhay natin. Tulad sa isang samahan kailangan may mission/vision tayo dahil kung wala, walang mangyayari sa ating ginagawa.
3. Inspires you- It inspires you a lot to start and continue the journey of your life.
Masarap kapag inspirado ka, lalo na kapag ang Vision/Mission mo ay alam mo sa sarili mo na dadating ang time na makakamit mo ito. Positive lang, ito ang kailangan natin, magpapalakas ito ng loob natin na ipagpatuloy ang misyon natin sa buhay.
4. Challenge you- It challenges you to become stronger in facing all the struggles and obstacles that you’ve encounter.
Ganyan tayo kamahal ng LORD binibigyan Nya tayo ng mga bagay na mabibigat kaharapin upang maging matatag tayo sa hamon ng buhay. Walang binigay ang Lord na di natin kaya. If you feel na yung vision/mission mo ay imposibleng mangyari lagi mong tandaan. “With GOD all things are possible” –Mark 10:27
5. Molded you- It moulded you in what you are and what God wants’ you to be.
Dahil sa vision/mission mo mas nakikilala mo ang iyong sarili at nakikita mo kung ano ang gusto ng Lord sa buhay mo. Ang paghulma mo sa iyong mga pangarap ay ang paghulma ng LORD sa iyong buhay.
Maaari ba tayong magkaroon ng Vision kahit walang Mission? May patutunguhan kaya ang vision natin?
Maaari ba tayong magkaroon ng Mission kahit wala tayong Vision? Ano kaya ang mangyayari sa atin?
Ikaw ano ba ang Vision at Mission mo ngayong taon?
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19