Impress or Influence

3.5K 24 2
                                    

Impress or Influence

Verse:1 Corinthians 12:18-22

 

          Tayong lahat ay nilikha ng ating Panginoon na kanyang kawangis.

Ang ating katawan ay binubuo ng ibat-ibang parte, nilikha ito ng ating Panginoon na may iba’t-ibang gampanin. Tulad ng bawat isa sa atin tayong lahat ay nilikha ng Diyos upang mag-isa para Papurihan Siya. Hindi mabubuo ang isang Iglesia at hindi mabubuo ang isang organisasyon para Kay Kristo kung tayo ay kulang.

Tayo naririto ngayon sa ating mundo dahil may misyon na nais ipagawa ang ating Panginoon. Anong misyon ang nais ipagawa ng ating Panginoon sa bawat isa ito ang ipalaganap ang mga Salita ng Lord sa ating kapwa.

May Dalawang Uri ng Tao sa isang Misyon

IMPRESS- Ikaw ba ang tao na mahilig magpa-impress? May mga tao sa misyon na ang nais lang ay magpa impress. Mapakita kung gaano siya kagaling, kung ano ang talent na mayroon siya at kung ano ang kanyang maibibigay.

         

INFLUENCE- Ikaw ba ay nasa misyon na ikaw ay nakakainpluwensiya ng iyong kapwa. Maka inpluwensiya ng mabubuting bagay at makapagpabago ng buhay ng bawat isa. Tandaan nating lagi na tayong lahat ay nilikha ng Lord upang makapag inpluwensiya sa iba, ito ay nasa atin kung sa mabuti natin ito gagamitin.

·         Nawa kung tayo man ay nagpapaimpress, ang Lord ang ating naitataas sa ating ginagawa at hindi ang mga tao. “Be a GOD Pleaser, not a man pleaser.” Sa lahat ng bagay na ating gagawin ang Lord ang unang inaalayan natin nito, talent man, katagumpayan sa buhay, kayamanan na mayroon tayo at anumang mayroon tayo ngayon.

·         Nawa makainpluwensiya tayo ng magagandang bagay sa ating kapwa, maishare natin ang Lord sa kanila at hindi makainpluwensiya ng mga makamundong bagay.

Isipin nating lagi na tayong lahat ay iisa, lahat ay importante. Walang nilikha ang Lord na hindi mahalaga, lahat ng likha ng Lord ay mahalaga. Ikaw, ako, siya ay mahalaga at nilikha ng Diyos ang mundo upang pag-isahin ang lahat ng kanyang mga likha.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon