A/N: Mature content. Reader discretion is advised. Matagal na 'kong di nagsusulat ng love scene eh XD Also, unedited. As in.
NAGISING si Bryce sa paglandas ng mga halik patawid sa hubad niyang mga balikat. Ngumiti siya, nagmulat ng mga mata at binalingan ang fiancé, bago kumunot ang noo nang makitang naka-uniform si Mac.
"I've been called in," he said while softly raining kisses over her face.
"Been called in to base o to Afghanistan?" tanong ni Bryce at mahinang tumawa ang lalaki.
"To base. May kailangan lang akong gawin. Kailangan ko raw mag-process ng mga tao. Hanggang mga after lunch lang ako d'un, then uuwi na ako." Hindi naalis ang linya sa gitna ng mga kilay ni Bryce at ngumisi ang nobyo niya. "Ma-mi-miss mo 'ko?"
Lumabi siya at tumango. He bent over her and kissed her again. "Sandali lang ako, promise."
"What time is it?"
"Almost 8."
"Okay."
Muli siyang hinalikan ni Mac. "Mag-uuwi na lang ako ng lunch. Nandito na ako ng mga 1."
Itinaas ni Bryce ang isang kamay at sinapo ang batok ni Mac para panatiliin ito sa kinalalagyan habang binibigyan niya ito ng isang mainit na halik. He ran his tongue across her lower lip and she moaned.
“Kailangan mo ba talagang umalis?” nagmamaktol niyang tanong.
He nipped her lower lip. “Unfortunately, yes. Oh, yeah, Matt and the rest of the team are arriving tomorrow.”
“Ah talaga?”
“Yeah. And since almost complete kami bukas, as per tradition, we’re having a barbecue.”
“Saan?”
“Dito.”
Napa-awang ang mga labi ni Bryce at napabangon siya. “Dito? Wait, that means...”
Hinalikan siyang muli ng lalaki. “That means you and I are going to play host and hostess tomorrow.”
Bryce was the adopted daughter of a US ambassador. Madalas niyang tulungan ang ina na mag-organize ng iba’t ibang klase ng party, whether dinner party, brunch, lunch, formal, garden. Pero madalas may ilang linggo sila para mag-handa.
“How many members are there in your team?”
Ngumisi si Mac. “132.”
“ANO?”
Tumawa ang lalaki. “There are 132 SEALs in my team pero 'yung platoon ko lang ang nandito sa States, 'yung Sentinels ko.”
Kumurap si Bryce. “One of your platoons is also called Sentinels?”
“Yeah,” sagot ng nobyo. “So was one of dad’s. D’un galing ang pangalan ng Sentinels natin sa Manila.”
The things you learn...
“So ilang tao ang nasa Sentinels mo?”
“38. Kung darating lahat, expect double that because they’d be bringing dates.”
“So you’re expecting me to throw a party for 76 people on such short notice?” she asked dryly.
“Us,” pagtatama ni Mac. “I’m expecting us to throw a party for 76 people. Pero let’s make it 80, para sure na. And don’t worry, everyone will bring something. Pot luck naman lagi ang kainan ng team. Ang kailangan lang nating i-provide ay pagkaing i-gi-grill and drinks. So we’ll go to the grocery later and get some supplies.”
Sa dami ng sinabi ni Mac, nag-fixate si Bryce sa dami ng posibleng bisita. “80 people.”
“And, they’re coming to meet you,” dagdag ng lalaki na mas lalong nagpakaba kay Bryce. “You’re going to become my wife. You’re going to have to share mom’s duties as ‘team mom’.”
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
Любовные романыON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...