HINDI akalain ni Bryce na kaya pala niya ang ganitong hirap at ang ganitong pagod. Halos gumapang na siya para makayanan ang mga training evolutions nang araw ng Huwebes.
Sa loob ng apat na araw, ilang oras pa lang ang tulog nila. Natuto na siyang kumain nang marami at mabilis. Halos singhutin na niya ang pagkain bago siya muling lalabas ng kusina para tumulong buhatin ang IBS o kaya ang 150-pound na troso sa kung saan magaganap ang susunod nilang evolution.
Bawal sa Hell Week ang maglakad. Hindi na yata siya marunong maglakad ngayon dahil takbo rito, takbo roon sila. Bawal din ang wala silang dalang IBS o troso kung tatakbo sila. Wala rin yatang oras na tuyo siya at hindi nababalutan ng buhangin. Sigurado siyang kapag alisin niya ang elastic na nagtatali sa buhok niya, hindi maghihiwalay ang mga hibla.
Hindi na gumagana ang utak niya at madalas na hindi na niya alam kung nasaan siya. Nakakatulog siya habang tumatakbo, habang nagsasagwan, habang lumalangoy.
Nang takbuhin nila ang O Course, nagulat na lang si Bryce dahil alam niyang nagsimula siya sa starting point pero hindi niya maalala kung paano siya nakarating sa harapan ni Senior Chief Elliot dahil tapos na pala niyang takbuhin ang O Course.
0500 ng Biyernes, sa kabila ng pagod at puyat, nakita nila ang sariling na-break ang team record nila sa rock portage. Ang premyo, thirty minutes na pag-upo sa buhangin palibot sa bonfire sa beach habang umiinom ng mainit na kape at kumakain ng mga sandwiches.
Inisa-isa muli silang tiningnan ni Petty Officer Carter. May mga sugat itong ginamot, mga ni-check na joints, binigyan ng Ibuprofen para sa muscle pain. Tiningala niya ang guwapong hospital corpsman at nginitian. Ngumiti rin ito at naupo sa tabi niya sa buhangin.
“How are you feeling?” tanong nito nang inilawan nito ang mga mata niya.
“Like shit,” tawa niya. “Physically. But if I think about it, I’m pretty proud of myself for still being here.”
“As you should,” sabi nito. Kinuha nito ang kamay niya, nilagay ang cap ng pang-check ng blood pressure sa isa niyang daliri at ni-check siya. “During my own BUD/S training, we’ve already lost about 70% of the class that made it to Hell Week.”
“Was your own Hell Week like this?” tanong ni Bryce.
“Pretty much,” anito. "But don't quote me in that since I don't really remember anything from my Hell Week except for the pain and cold and exhaustion."
Mahinang tumawa si Bryce bago muling kinuha ang ibinaba niyang paper cup ng kape. “It’s not so bad... I think. David... Is it okay if I call you, David?”
Ngumiti ang corpsman. “You can call me David. Everyone does. Well, everyone who doesn’t call me Doc.”
Tumawa si Bryce. “Okay, Dave.” Huminga siya nang malalim. “I know you were there when I got the wound that gave me this scar on my thigh. Mac said you were the one who sealed my artery until I could be brought to the hospital. You saved my life.”
He blushed, adorably. “I’m going to say that it was my job but I know what you’d say so I’d just say you’re welcome.”
Ngumiti si Bryce at tinapik ang braso nito.
Napatingin siya sa direksyon kung saan alam niyang naroon si Mac at nakitang naglalakad ito palapit sa kanila, kasama si Matt.
“What are you going to specialize in when you join the Navy?” tanong ni David.
“EOD.”
“Really! That’s badass. Almost as good as a SEAL,” biro nito.
Tumawa rin si Bryce.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...