Thirty-Eight

6.6K 161 95
                                        

NICK MET Bryce at the door. Akma siya nitong yayakapin pero instinctively, humakbang siya paatras at tumawa ito.

"Come on in," sabi lang nito na inaabot ang bag niya.

Sa likuran ng binata, may isang magandang babae na may edad na. Nakasuot ito ng itim na bestida. She had dark circles under her eyes at medyo maputla, siguro dahil sa puyat at sa lungkot na rin sa pagkawala ng bunso nito. Gayunpaman, ngumiti ito sa kanya.

"Mom, this is Bryce O'Connor. Bryce, this is my mother."

"Good evening po, ma'am."

"Good evening, hija," sabi ng babae na inaabot ang mga kamay sa kanya. She took them.

"My condolences po for your loss."

"Thank you," sabi ng matanda na pinipisil ang mga kamay niya. "Nick tells me that you're going to help us?"

Nilingon niya si Nick, hindi alam kung ano ang sinabi nito sa ina tungkol sa kanya.

"She knows," sabi ng binata.

Binalingan niya si Mrs. Carbonel. "I'm going to do my best, ma'am."

Tumango ito na may maliit na ngiti pa rin sa mga labi. "Have you eaten? I can ask Cora to prepare something for you."

"Ay, okay na po ako, ma'am. Kumain na po ako. Thank you po."

"Then let me show you to your room."

Nasa ibaba lang 'yun, isang malaking guest room na may sariling banyo. Malaki ang kama at komportable. She could also see the swimming pool from her window.

"Okay ka na ba sa kuwartong ito?" tanong ni Mrs. Carbonel.

"Yes, ma'am. Thank you."

Tumango ang babae. "Sige, I'll leave you and Nick alone. Salamat ulit sa pagtulong mo, hija."

Ngumiti rin si Bryce. "You're welcome, ma'am."

"Good night. Good night, hijo." Nick bent down to kiss his mother's cheek before she left them alone.

Pinagmasdan siya si Nick at tiningnan niya ito nang mapagtanong. He only grinned.

"What?" tanong niya.

"You're here."

Umiling si Bryce. "Nandito ako para magtrabaho. It doesn't mean anything."

"I'm not saying anything," he said defensively although he was fighting a smile.

She rolled her eyes. "Anong oras tayo aalis?"

"Mga one." Naupo ito sa kama niya.

"And you're going to stay here all that time?" she asked with a raised eyebrow.

"Baka kailangan mo ng tulong."

"No. Go."

"You sure?" Nick asked.

Itinuro lang ni Bryce ang pinto. Tumawa ang lalaki at tumayo. "Fine. I'll knock kapag aalis na tayo."

Tumango siya at sinundan ito hanggang sa makalabas ang binata at ni-lock niya ang pinto. Gumala ang paningin niya sa kuwarto. Okay, paranoid na kung paranoid but she wasn't going to sleep in an unfamiliar room na hindi tinitingnan kung may listening devices or hidden cameras na nakatago sa paligid.

She opened her giant backpack and pulled out a small pouch of CIA-grade tools to check kung may mga gan'un nga sa silid. Then she went to work.

Sa loob ng sampung minuto, natapos nang i-sweep ni Bryce ang silid. The room didn't have any cameras or bugs. Noon lang siya naka-relax.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon