“SA LETRANG B,” tawag ni Matt. “Katorse!”
Sinilip ni Bryce ang bingo card niya at nakitang may number 14 sa ilalim ng letter B.
“Target acquired,” sabi niya. “Permission to shoot, Instructor Tremaine.”
Sa tabi niya, sinipat din ni Dan ang bingo card bago tumango. “Target confirmed. Take the shot.”
Humugot ng isang malalim na hininga si Bryce at mabagal iyong pinakawalan. Sa gitna ng pagbuga niya ng hangin, kinalabit niya ang gatilyo ng hawak na M4 rifle at pinanood na nabutas ang B14.
“Hit,” sabi ni Dan na nakasilip sa hawak na binoculars. “Good job.”
Ngumisi siya, proud sa sarili.
Patapos na ang Phase 3 ng training, ang land warfare. Dahil marunog—magaling!—na silang lahat bumaril, karagdagang training na lang ang ibinigay sa kanila ng mga instructors. Two hundred yards mula sa kung saan sila lahat kasalukuyang nakadapa, tig-iisa silang bingo cards. Kasing laki ng 1/8 na illustration board ang bawat card na may mga letra at numero na isinulat gamit ang permanent marker. Blackout ang laro at disqualified ang magmimintis ng tira. Disqualified, at ito rin ang mamumulot ng lahat ng basyo ng baril na magagamit nila nang tanghali na iyon. Dinner buffet for two ang premyo. Napaghalataang mahilig silang lahat kumain dahil wala pang nagmimintis sa kanilang anim. Pero namumuro na si Apollo. Akalain mong kahit sa bingo, basta pagkain ang premyo, makikipagpatayan ito?
“Sa letrang O,” muling tawag ni Matt. “Seventy-four!”
“Woohoo! Bingo!” malakas na tawa ni Pol na sinundan ng kantyawan at pambubuyo para magmintis ang binata. “Target acquired! Permission to shoot, Instructor Quintana.”
“Target confirmed,” nakangising saad ni Francis. “Take the shot.”
“Wala ‘yan! Mintis ‘yan!” sigaw ni Gage pero tinamaan ni Pol sa pinakasentro ng square sa bingo card ang O 74.
“Hit,” anunsyo ni Francis.
Nag-high five sila bago tumayo ang dalawa. Tumawa si Bryce habang pinapanood na mag-happy dance si Apollo.
“Take the rest of the numbers, O’Connor,” utos ni Dan at muling sinipat ni Bryce ang bingo cards. May anim pa siyang numero sa card. Inisa-isa niya ang mga iyon at tinamaan lahat. Gayundin ang ginawa ng iba pa niyang mga teammates.
Nang matapos ang bingo, naupo silang lahat sa mga bangko sa ilalim ng isang jungle-camouflaged pattern na tolda para makinig kay Senior Chief Elliot. Sinulyapan nito ang relo bago sila tiningnan. “Okay, this is what’s going to happen after lunch. You’re going to go on another training mission in preparation for your finals over the weekend.”
Training mission. Pang-apat na itong training mission nina Bryce nitong linggo na ito. At sa loob ng isang linggo, apat na beses nang namamatay ang dalaga dahil hindi nila matalo-talo ang anim na senior Sentinels.
“You’re going to be given five hours to plan and execute a rescue mission. Again, myself, Lt. Tremaine and Petty Officer Carter,”—nagmuwestra ito sa mga SEALs na nakatayo sa likuran nila—“will act as observers. Your future Sentinel teammates, including Commander Herrera, will be the terrorists.
“Mission specifics will be given at the briefing later pero gusto lang naming ibigay ang mga detalye ng training kasi bago ito,” patuloy ni Senior Chief. Inangat nito baril na kamukha ng M4 rifle na gamit nila pero hindi. Itinuro nito ang tag sa gilid ng rifle. “This is the first time we’ll be using this. This is a training rifle. Hindi ito magpapaputok ng bala or blanks but it will send out a signal to these. It's like laser tag.” Inangat nito ang isang itim na uniform jacket at helmet. “May sensors ang mga ‘to. It’s going to register as a hit kung halimbawa, tamaan kayo ng signal which will act as the bullet. This strip,” ipinakita nito ang kulay pulang strip sa manggas ng jacket, “will turn black if you’re dead. Naka-program ito para sa iba’t ibang scenario.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomansaON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...