Four

5.4K 107 7
                                    

SINALUBONG si Mac ng init ng Maynila nang sandaling lumabas siya ng eroplano. Pasimple siyang huminga nang malalim at napangiti. Manila, with the sometimes oppressive heat, overwhelming pollution, both air and noise, and the unbelievable traffic, was home.

Hawak niya ang kamay ni Bryce habang nakikipagkwentuhan ito sa kanyang ina na naglalakad sa tabi nito. He coulnd’t help but squeeze her fingers dahil minsan na niyang naisip na hindi niya ito muling makakasamang umuwi ng Manila. Ngayon, dito pa mag-pa-Pasko ang fiancée at ang mga magulang nito na susunod sa kanila sa makalawa.

Dumaan sila ng Immigration at kinuha ang mga bagahe. Nagpasundo si Mac kung kaya’t hindi na siya namroblema kung paano sila makakauwi. Paglabas na paglabas pa lang ng terminal, agad niyang nakita ang dalawang naatasang sundo nila, sina Russel Manalo at Jacob Villareal na parehong may dalang mga placard na may nakasulat na “Admiral and Mrs. Herrera” at “Commander and Future Mrs. Herrera”.

Masayang tumawa si Bryce bago siya binitawan para tumakbo papalapit sa dalawang lalaki. Nilundang ng fiancée ang mga ito at mahigpit na niyakap.

“Nabilhan mo ‘ko ng rubber shoes?” nakangising tanong ni Russ.

“Oo!” tawa ni Bryce. “Pink na may rhinestones! Medyo mahirap siyang hanapin sa size mo ha!”

“Eh ‘yung spam ko?” tanong ni Jacob.

“May corned beef pa. Magsawa kayo.”

“Boss Mac,” tawag ni Russ bago ito lumapit para kunin ang itinutulak niyang trolley. Makahulugan ang ngiti nito at alam niyang dahil kasama niyang umuwi si Bryce. “Welcome back.”

“Salamat.”

“Sir, ma’am,” tango nito sa kanyang mga magulang.

Lumapit si Mrs. Herrera sa lalaki at hinalikan si Russ sa pisngi. “May placard ka pa talaga ha!”

“Baka hindi po namin kayo makilala eh.”

Tumatawang kinuha ng ina ni Mac ang placard at pinagmasdan iyon. “Thank you, but it’s actually Admiral and Lt. Commander Herrera.”

Nanlaki ang mga mata ni Russ. “Lt. Commander din kayo ma’am? Hindi namin alam ‘yun ah.”

Kumindat si Laurel. “Oo, I was a pilot with the Naval Reserves. Nag-retire akong LCDR.”

Siniko ni Russ si Mac. “Astig, boss ah! Dapat si Bryce, mag-Navy na rin para lahat kayo may naval rank.”

Tumawa lang siya pero sa likod ng isip niya, hindi malabo iyon. Magsisimulang mag-training si Bryce bilang Sentinel kasabay ng batch II ng recruits at itatanong niya kung maaari na iyong i-count ng US Navy bilang boot camp ng dalaga. Habang gusto niyang ipagmalaki ang katapangan at kagitingan ng nobya, hindi pa rin niya mapigil ang takot na pabugso-bugsong nadarama sa tuwing maiisip na sasabak sa isang mapanganib na landas ang babaeng pinakamamahal.

For the love of God! Gusto nitong mag-EOD!

Si Russel ang nagmaneho pabalik sa kampo, ang tinatawag nilang Sentinels Base, ang unofficial Camp General Joseph Herrera. Pinisil ni Bryce ang kamay niya at nilingon niya ito.

“Na-miss ko ‘to,” sabi ng nobya.

Ngumiti siya. “Na-miss ka rin ng base.”

“Gusto mo ng isang ikot sa O Course?” mapanghamong tanong ni Bryce na may mapanuksong ngiti sa mga labi.

“Wala ka kayang practice.”

Namilog ang mga mata nito. “Excuuuuse me?” tumatawa nitong tanong. “Ako, walang practice? Baka magulat ka at talunin ko ang four minutes and seventeen seconds mong record!”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon