HALOS wala pang isang oras ang ceremony na dinaluhan nila. Nag-speech lang ang admiral na bumisita sa CFAY, at ni-welcome ang mga civilian na napayagang pumasok sa base nang araw na iyon. Matapos ang ceremony, agad na hinanap ni Mac si Bryce na una pang nahanap ng mga tauhan niya.
Kung paano nangyari iyon gay'ung magkakasama sila sa formation kanina lang, hindi niya alam.
O baka alam niya. These men were SEALs. His SEALs. Enough said.
Napapagitnaan nina Dan at Dave ang babae habang kinakausap ito ni Sanderson na malaki ang ngisi. Biglang nangati ang trigger finger ni Mac. Talagang totodasin niya ang loko kapag mangiti ito nang mali. Pero nanatiling good boy si Sanderson at hindi nagtangkang hawakan si Bryce.
Purong Amerikano si Mark Jethro “Mage” Sanderson na may dark brown hair at berdeng mga mata. He was about an inch short of six feet and leanly built, with the body of a long distance runner. He was also the team's resident computer genius. I-de-deny ito ng binata hanggang sa hukay pero minsan na nitong ni-hack ang system ng Pentagon. He was that good. Iyon ang dahilan, maliban sa pangalan nito, kung bakit Mage ang field handle ng lalaki. Magikero ito pagdating sa electronics.
Mikey, on the other hand, was Filipino-Irish-American, 6’1” with a muscled build that was similar to Mac's. Isa itong bagong promote na lieutenant at isa sa mga pinakabata sa team. Isang bumbero at isang police detective sa New York ang mga kuya ng binata. Lumaki itong gustong maging bumbero hanggang sa masubukan nitong magpasabog ng isang gusali sa training at na-realize na mas gusto nitong magsimula ng sunog kaysa pumatay niyon. Kaya sa isang team ng mga explosives experts, si Mikey ang pinakamagaling.
Kasing magka-iba ng kanilang mga hilig ang mga ugali ng dalawang batang SEALs. Pilyo si Jethro; may pagkamahiyain si Mikey. Siguro ang pagkaka-iba nila ng personalidad ang naging tulay para maging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Lumapit si Mac sa grupo. Nagtama ang kanilang mga paningin ni Bryce pero parang hindi siya nakita ng babae. Nanatili itong nakikipagkwentuhan kay Jethro.
Okay, so hindi pa pala nito nakakalimutan ang nangyari kanina.
Nilapitan niya ito at agad niyang inakbayan ang fiancée. Sinulyapan siya nito pero hindi ito ngumiti. At least hindi nito pinalis ang braso niya.
“Hey, Commander,” nakangiting bati ni Mikey. Tinapik niya ang balikat ng lalaki.
“How are your brothers?”
“They’re doing great, sir. My mom asked about you the last time we talked. She wanted to know when you’ll be in New York.”
“Tonight, actually,” nakangiting sagot ni Mac. “I’ll drop by to visit her.”
“I’ll let her know! She’d love that.”
“You’ll be in New York tonight?” tanong ni Jethro. “Seriously? Aren’t you going to stay for dinner? We’re having a barbecue at one of the off-base housings.”
Nadama niyang natigilan si Bryce at naalala niyang nag-aya si Allison kanina na sumama siya sa isang party sa isang off-base housing. O kung ayaw niya, ay mag-“hang out” na lang sila.
God, he was going to have to explain that comment.
And he wanted to shoot Sanderson again for opening his big mouth.
“Bryce and I have a flight to catch tonight,” aniya. “And we still have to drive to Narita.”
“You’re driving? You could just take the shuttle,” sabi ni Dave.
He lifted a hand to gesture towards the direction of the parking lot with a thumb. “We have a rental.”
Lumapit ang iba pa nilang mga teammates at nagkapaalaman na sila. Muling niyakap ni Bryce sina Matt, Roarke, Dave at Dan. Akmang yayakap din si Jethro pero hinawakan ni Dave ang likod ng uniporme nito at hinila pabalik sa kinatatayuan ang tumatawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...