Twenty-Four

3.5K 79 30
                                        

A/N: Rated PG. Has minor love scene. Also, never pa ako nakapunta ng Japan, much less sa Ebisu. I have no idea about their rules and regulations when it comes to allowing visitors to drive. I used a boatload of artistic license to write the following chapters. Thank you.

--- 

LAMPAS alas doce ng tanghali nang dumating ng Narita Airport sina Mac at Bryce. Kumain muna sila ng tanghalian sa isang sushi restaurant sa airport matapos dumaan ng passport control. Pagkatapos ay nagtungo sila sa service office ng Nissan para mag-renta ng kotseng maaari nilang gamitin sa tatlong araw na pamamalagi nila sa Tokyo. Hiningan ng attendant si Mac ng lisensya at ng IDP (International Driving Permit), pinapirma ng ilang mga forms bago binigyan ng susi para sa isang Nissan Skyline.

Hindi napigilan ni Bryce ang ngiti nang masaya iyong tinanggap ng nobyo. Susunod sa kanya, tied sa second place na pinakamahahalagang bagay sa buhay ng fiancé niya ang Porsche nito at ang Nissan Skyline na may makinang ni-rebuild mismo ni Mac gamit ang sariling mga kamay. Nagtungo sila sa paradahan para kunin ang kotse bago sinimulan ang halos dalawang oras na biyahe mula airport patungo sa Peninsula Hotel sa Chiyoda.

Mac got them a huge room on the 21st floor. Hindi alam ni Bryce kung paano at kailan pinlano ng fiancé niya ang bakasyon nilang ito pero walang detalyeng nakaligtaan ang lalaki.

Isang maiksing foyer ang sumalubong sa kanila nang pumasok sila ng silid. Sa kaliwa ay ang banyo, sa kanan, isang dressing room. Dumerecho si Bryce sa pinakasilid. May king-sized bed sa kaliwa at sa kanan ay ang living room na may sofang nakaharap sa isang 40" flat screen TV, isang arm chair at center table. Sa tabi niyon ay isang maliit na dining table at dalawang upuan. The view outside the floor-to-ceiling windows was of the Imperial Palace Gardens.

Lumapit si Bryce sa bintana at inilapat ang palad sa salamin. She was thrilled na hitik sa light pink cherry blossoms ang mga puno sa hardin sa ibaba.

She was in Japan. The last time she was there, she was in high school, a shy, broken, healing teenager who just came from a traumatic experience. She had loved Japan, had lived there, healed there, and had allowed her new parents to love her there. And now, she was back.

Napangiti siya dahil noong una siyang nasa Japan, in love na siya kay John Mackenzie Herrera kahit hindi pa niya alam ang itsura nito.

Narinig niyang nagsara ang pinto at mayamaya, nadama niya ang mga kamay ni Mac sa mga balikat niya at ang mga labi nito sa gilid ng kanyang leeg. She tilted her head to one side to allow his kisses then leaned back against his chest. Bumalot sa katawan niya ang mga bisig nito.

"Did you know that the first time I was here, I was already in love with you?" bulong niya habang nagsisimulang mag-init ang katawan niya.

"When was that?" tanong ng lalaki habang umaakyat sa likod ng tainga niya ang mga halik.

"The year you saved my life."

"In love na rin ako sa 'yo n'un," sabi ni Mac habang kinikiskis ang ilong sa sentido niya.

Tiningala niya ang nobyo. "Bakit hindi mo ako binalikan?"

He grinned. "Hindi ko alam na mahal na kita n'un. Isa pa, you were only sixteen. I was already twenty-four. Makakasuhan ako n'un kung binalikan kita. Mapagkamalan pa akong pedophile."

"Cradle snatcher," mapanukso niyang saad bago siya biglang napatili nang tumungo si Mac at binuhat siya sa ibabaw ng isang balikat. Tumatawa, kinagat niya ang pang-upo nito at humiyaw ang nobyo bago siya nito ibinagsak sa king-sized bed at dinaganan.

Ilang oras ding silang namalagi sa kama na walang ibang maririnig kundi mga singhap at ungol, mga bulong at mga deklarasyon ng pagmamahal.

---

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon