Seven

4.5K 99 24
                                        

KABADO si Bryce habang magkahawak-kamay sila ni Mac na naglakad patungo sa kabilang unit nang alas-nuebe ng umaga. Sa kauna-unahang pagkakataon, makikilala niya ang kapatid ni Mac na si Matt at ang isa pa nilang kaibigang si Roarke.

“Hey,” mahinang tawag ni Mac at nilingon niya ito. “Tahimik ka.”

“Kinakabahan kasi ako,” amin ng dalaga. “Parang ‘yung first time na makilala ko ang parents mo.”

“As I recall, my parents loved you the first time they met you,” he pointed out.

“Oo, pero iba pa rin kasi. Halos magiba ko ‘yung kotse ni Tito John sa sobrang panginginig ko bago ko makilala si Tita Laurel.”

“Iba pa rin ‘yun kasi mommy ko ‘yun. Kabado rin kaya ako n’ung nakilala ko ang mommy mo. Pero si Matt lang ‘to.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “He’s your brother.”

Ngumisi ang nobyo. “Exactly.”

Bumuga ng hangin si Bryce nang marating nila ang pinto ng kabilang unit. Kinakabahan talaga siya. Iba kasi ang mga magulang ni Mac. Of course she wanted them to love her, pero si Matt... si Matt ‘yung kasama ni Mackenzie mula pa n’ung bata ito. Si Matt malamang ang may alam ng buong kwento ni Mac at ng mga naging girlfriends nito, ni Janice. Paano kung ikumpara siya nito sa yumaong girlfriend ng fiancé niya? And then find her lacking?

Kumatok si Mac sa pinto at nalunok yata ni Bryce ang dila niya. Hindi pa siya handa... hindi pa siya handa... hindi pa siya handa!

Pagkatapos ay nagbukas ang pinto at bumungad ang isang matangkad at malaking lalaking nakangisi sa kanya. Tulad ni Mac, dark brown din ang buhok nito at matingkad na green ang mga mata. He was about an inch shorter than Mac but was bulkier with muscles heavier than her boyfriend’s.

Guwapo rin si Lt. Commander Riley at may palakaibigang kapilyuhan sa ngiti nito na naghimok sa kanyang ngumiti na rin.

“Hey!” tawag nito bago napa-igik si Bryce nang mahigpit siya nitong niyakap.

“Hi,” tumatawa niyang sagot habang tinatapik-tapik ito sa likod. Tumikhim si Mac nang mukhang hindi siya bibitawan ng kapatid nito. Muli siyang ibinaba sa lupa ni Commander Riley bago siya hinawakan sa mga braso at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

Namula si Bryce.

“I’m Matt,” sabi nito bago siya hinalikan sa pisngi.

“I’m Bryce,” nakangiti niyang saad, naaaliw, bago siya hinila palayo ni Mac sa kapatid.

“O, tama na,” babala nito kay Matt.

Tumawa ang lalaki at pinapasok sila. Doon niya napansin ang isa pang lalaking nakatayo sa living room. He was probably as tall as Mac, with the same leanly muscled body. Kumukulot ang maiksi nitong buhok at asul na asul ang magaganda nitong mga mata. Sanay si Bryce sa mga guwapong lalaki, pero may kakaiba rito kay Senior Chief Roarke Elliot. He was... predatory, kahit pa relaxed ang tindig nito at may maliit na ngiti sa mga labi. Bryce loved Mac with all her heart, pero hindi naman siya bulag at manhid para hindi ma-appreciate ang kakisigan ni Senior Chief. Sigurado siyang nag-blush siya nang ngumiti ito sa kanya.

“This is Senior Chief Roarke Elliot,” sabi ni Mac sa kanya at humakbang palapit ang lalaki. Inabot niya ang palad rito at nakipagkamay dito.

“Siya ang pinakaguwapo sa team namin,” dagdag ni Matt at hindi napigilan ni Bryce ang matawa.

“It’s a pleasure to meet you, Senior Chief.”

“Likewise, ma’am,” anito na tumango nang minsan. “Nagluto kami ng breakfast, sir. Kumain muna tayo.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon