Sixteen

3.8K 101 19
                                    

HINDI man magaling sa kusina si Bryce, nakakapagluto naman siya ng matinong pasta. Spaghetti, lasagna, macaroni... kahit mag-eksperimento siya, kinakain naman iyon ni Mac at nagugustuhan pa nga. Ganoon siya nito kamahal.

Nang maluto ang lasagna, iniwan niya iyon sa oven para manatili iyong mainit habang wala pa ang fiancé. Nag-text kasi ito na nagsasabing baka matagalan pa ito dahil naha-high blood pa ang isa sa mga admiral.

Para punan ang oras, kinuha niya ang bago niyang bow, isang quiver ng arrows at lumabas siya ng unit nila para magtungo sa indoor firing range kung saan naroon din ang ilang target faces na inilagay roon ni Mac nang malaman nitong archer siya. Excited siya. Matagal na siyang hindi nag-shu-shoot.

Nang maayos ang set-up, tumayo siya nang tatlumpung talapakan mula sa target face. She looked at the center of the concentric circles, nocked an arrow and lifted the bow. Hinila niya ang string at pinakiramdaman ang bow. God, it feels good. Perfect.

And then, she let the arrow loose.

Muntik na siyang napabuntong-hininga sa kilig sa tunog na ginawa ng string nang mabilis nitong na-displace ang hangin at lumipad ang arrow patungo sa target.

It hit a little off-center, pero kailangan lang niyang i-adjust ang sight at...

Tumingin siya sa likod nang may marinig na tinig ng mga lalaking papasok sa firing range. Huminto sa pintuan sina Lieutenant Commander Riley, Lieutenant Tremaine at Petty Officer Carter. May dalang mga rifle at protective gear ang tatlo.

“Uy!” puna ni Matt nang makita siya. Nakatingin ito sa hawak niyang pana.

“Regalo ni Mac,” sabi ni Bryce, inaangat ang recurve bow.

“May archer din kami sa team, si Harley. Kaya pala napatawag si Mac sa kanya last week. Magaling ‘yun! Magkakasundo kayo n’un. Inis na inis kapag Legolas ang tawag namin sa kanya.” Inilahad nito ang palad. “May I?”

Tumango si Bryce at inabot kay Matt ang bow. Lumapit na rin sina Dave at Dan.

“Kung mag-shu-shoot kayo, okay lang ha. Don’t let me interrupt.”

“Naku, hindi,” ani Dave, nakatingin din sa bow. “Kung mag-shu-shoot ka, go ahead. Napag-tripan lang naman namin. Wala kasi kaming mga date.”

Tumawa siya at nanood habang maingat na pinagpasa-pasahan ng tatlo ang bago niyang baby.

“I’ve never shot a bow before,” sabi ni LT Dan.

Nakahanap ng oportunidad si Bryce na magka-moment sila ng tinyente. Sa mga SEALs kasi ni Mac na narito sa Maynila ngayon, ito lang ang hindi niya masyadong nakaka-usap. Intimidated kasi siya rito.

Sa apat kasi, si Lt. Daniel Tremaine ang seryoso at tahimik. Mas intense pa ito kay Senior Chief. O dahil ba kahit paano naging “close” na sila ni Senior. Si Dan, hi’s at hello’s lang ang interaction nila sa labas ng training.

“Gusto mong subukan?” alok niya. “Madali lang siya. Saka masaya.”

“Uy, ako rin!” sabi ni Matt na sinisiko sa itang tabi si Dave. Siniko rin ito ng petty officer. “Kung may lesson si Danny Boy, kami rin dapat ni Doc.”

“May mga bows sa storage,” sabi ni Bryce. “Gusto niyong kunin? Para ma-try ninyong tatlo. Pero compound bows sila. Medyo mukhang mas komplikado pero madali lang din namang gamitin.”

“No problem. Kunin namin.” Sinenyasan ni Matt si Dave at umalis ang dalawa.

Naiwan sila ni Dan. Okay, ano’ng maaaring sabihin para hindi awkward?

“Hindi kasama sa training ninyo ang bow and arrow?” tanong niya.

Sinubukang hilahin ni Dan ang string pero imbis na pakawalan iyon, marahan iyong ibinalik ng binata sa dating lugar. “Not necessarily. Puwede naman, and as SEALs, the more weapons we know how to use the better. Hindi pa lang talaga ako nakagamit ng bow.” Tiningnan siya nito, may maliit na ngiting naglalaro sa mga labi. “Although I’ve use weirder weapons.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon