Thirteen

4.2K 93 8
                                    

HER wrists were bound behind her. Her ankles were bound as well. She was in the water, nine-feet-deep, kicking from the floor to reach the surface before sinking down to the bottom.

Bryce loved it.

Muli siyang sumipa, exhaling, before taking a huge breath when she reached the surface.

Day One ng Phase 2 ng training ng mga bagong recruits at nasa evolution sila na kung tawagin ay drown-proofing. Sa totoong Navy SEAL training, ang drown-proofing ay ginagawa tuwing basic conditioning. Pero dahil limitado ang oras ng training, napagkasunduan na lahat ng advanced pool competency training ay gagawin sa Phase 2. In other words, ngayon.

“Five minutes!” tawag ni Senior Chief Elliot mula sa gilid ng pool. Matapos ang five minutes ng paakyat-baba sa tubig, o bobbing, kailangan naman nilang limang minutong mag-float. Nahiga si Bryce sa tubig at hinayaan ang sariling lumutang.

“Anak ng teteng,” sabi ni Pol sa tabi niya bago ito muling lumubog. Sa kanilang lahat, si Apollo na galing sa Air Force ang hindi masyadong masaya sa tubig. Bago pa maisip ni Bryce na tulungan ang swim buddy (at paano naman gayong nakatali ang mga kamay niya?), nalapitan na ito ni Lt. Daniel Tremaine, ang isa sa mga tauhan ni Mac, at hinila ito paahon.

“I got you,” sabi ni Lt. Tremaine na nakabalot ang braso sa balikat ni Pol at inilangoy ang lalaki pabalik sa gilid ng pool kung saan ito inangat ni Lt. Commander Riley at ni Senior Chief para maupo.

Contest ang unang sabak nila sa drown-proofing ngayong araw. Ang premiyo? Half-day lang sa training ng araw na iyon kung sino man ang perpektong makatapos ng seven steps ng drown-proofing.

Okay lang naman kay Bryce kung buong araw siyang nasa training. Masaya naman siya sa pool. Pero sabi nga ng kanyang Ate Mallory nang sabihin sa kanila ang mga patakaran ng contest, siya na ang mananalo rito. Noong una nilang ginawa ang evolution na ito bilang trial noong basic conditioning, si Bryce lang ang matagumpay na na-“drown proof”.

Nalampasan nilang lahat ang five minutes ng floating pero nahirapan pareho sina Gage at Derrick sa 100 meter swim. Kung hindi mo nga naman ma-imagine na ikaw si Dyesebel na nahuli sa lambat, mahirap tapusin ang 100 meters.

Nagka-untugan ang dalawa nang magkasalubong dahil sabay na lumihis sa kani-kanilang mga linya at kinailangang ibalik nina Lt. Tremaine at ni Francis ang mga ito sa gilid ng pool.

Matapos ang 100 meters swim, sumenyas si Ate Mal na pinupulikat siya at muling bumalik si Lt. Tremaine para ito naman ang iligtas. Si Bryce at si Baste na galing ng Philippine Coast Guard na lang ang naiwan.

Nag-bob sila ulit nang dalawang minuto, pagkatapos ay nag-forward at backward flips sa ilalim ng tubig. Nagkatinginan sila at pareho silang nakangisi.

Matapos ang flips, kailangan nilang kuhanin ang tig-isang face masks sa sahig ng swimming pool gamit ang kanilang mga ngipin. Kinagat ni Bryce ang strap ng facemask niya bago muling sumipa pataas.

Dito natalo si Baste dahil muntik na itong humithit ng tubig nang malimutang ngipin at hindi kamay ang kailangan nitong gamitin para kunin ang facemask. Nahuli ng mga eagle-eyes ni Lt. Tremaine ang pagdadalawang-isip na iyon ni Baste kaya hinawakan nito ang braso ng lalaki at dinala ito sa surface ng tubig.

Last sa seven steps ng evolution ang limang beses pang muling mag-bob. Habang muling pataas-baba si Bryce sa tubig—inhale, lubog hanggang sahig, exhale habang paakyat—masaya nang naghihiyawan ang mga teammates niyang naka-upo sa gilid ng pool, malakas na tinatawag ang pangalan niya.

Matapos ang ika-limang bob, tumatawa siyang umahon at sinalo siya ni Lt. Tremaine. “I feel fine,” sabi niya rito bilang hudyat na okay siya matapos ang evolution.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon