MACKENZIE and Mallory had three apartments to check out. Maganda 'yung una na one-bedroom apartment, malinis at maganda ang lugar. Bagay na bagay sana sa tulad nilang "bagong mag-asawa". Mas malapit iyon sa Manila at sa pinangyarihan ng unang krimen.
Mas maliit ang ikalawang apartment at malapit sa ikatlong crime scene. Ang ikatlo ay halos barong-barong na pero malapit iyon sa pinaghihinalaan nila kung saan nakatira ang suspect.
Ang lugar na iyon ay halos nasa gitna ng lahat ng mga pinangyarihan ng mga krimen. While they were taking a chance and speculating, it was a logical choice. Sa magkakalapit na baranggay, iyon na lang ang wala pang nabibiktima. Gusto rin nilang bigyan ng "bibiktimahin" ang lalaki kung sakali. At si Mallory nga iyon.
Buti na lang at iniwan ni Mac ang kotse nila sa Naval Base Cavite kundi hindi sila magmumukhang papayag na tumira sa ganito. Masyadong magara ang kotseng dala nila.
"Gaano katagal na ba kayong mag-asawa?" usisa ni Aling Flora habang tinitingnan nila ang kuwartong 'sing laki lang yata ng cubicle sa banyo nila sa base.
"Bagong kasal lang po kami," sabi ni Mallory na sa harapan mismo ni Mac ay nag-transform pagbaba nila ng jeep. Naging mahiyain at matatakuting babae itong nakasiksik sa tagiliran niya. Kung magtaas ito ng paningin, hindi nito tinitingnan nang derecho si Aling Flora. Nagbago talaga ang personalidad nito. At kung hindi lang din magaling umarte si Mackenzie napangisi na siya dahil talagang nabura ang strong personality ni Mal. "Nagtanan po kasi kami."
"Ay, bakit?" tanong ni Aling Flora. "Ayaw ng mga magulang ninyo na magpakasal kayo?"
Inakbayan ni Mac si Mallory at sumandal ito sa dibdib niya bago siya sumagot. "Ayaw po sa 'kin ng mga magulang niya."
"Bakit naman?" pangungulit ng matanda pero mapagbiro itong nakatingin sa kanila. "Eh ang gwapo mo naman?"
"Ayaw po kasi nila ng sundalo. Mababa raw po kasi ang kita, maaga pang mamamatay."
"Ay, sundalo ka pala."
"Nasa Navy po actually. Na-reassign po ako sa Cavite Naval Base. Magsisimula po ako sa Lunes."
"Taga-saan ba kayo?"
"Cebuano po ako. Taga-Maynila po si Marie."
Ang pakilala kasi nila kanina, sila ang mag-asawang sina John at Marie Lopez.
Naramdaman niyang natensyon ang mga balikat ni Mallory nang matuwa si Aling Flora at kinausap si Mac ng Cebuano. He squeezed her reassuringly and replied... in Cebuano.
"Ay, naku, eh kababayan ko naman pala kayo!"
Ngumiti si Mac. "Gusto na po namin ito, Ate Flora. Pwede na po naming pagsimulaan."
"Ay, mabuti! Sige." Lumabas ito ng silid papunta sa living room/dining room/kitchen. Kailangang bahagyang tumungo ni Mac para hindi mauntog sa hamba ng pinto o sa kisame, and he made a mental note to fix the windows na plywood lang ang takip kung gusto nila ng privacy sa loob ng bahay. Napaisip siya na mas malaki pa ang barong-barong sa base na ginagamit nila para sa personnel recovery training. Magkaka-stiff neck siya kung madalas siyang tatayo but there were worse things on a mission. Basta mahuli nila ni Mal ang tarantadong serial rapist na 'yun.
Nagbigay siya ng pera, sapat para sa sinasabing one month advance, one month deposit ni Aling Flora. Tinanong sila nito kung kailan sila lilipat. Hindi na ito nakatingin sa kanila kasi binibilang na nito ang perang inabot niya.
"Sa Sabado na po."
"Sige po, sir."
"John na lang po."
Nag-angat ito ng paningin at ngumiti sa kanila. "John," ulit nito.
"Pwede po bang mag-usap muna kami ni Misis dito? Sandali lang po?"
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...