DALAWANG araw na silang nasa California and Bryce was still excited to be there. Kaninang umaga, hinatid nila ni Mac ang mga magulang nito sa airport para sa flight ng mga ito patungong Italy kung saan halos isang linggong mag-se-second (second thousandth daw sabi ni Mac) honeymoon ang dalawa. Nakangising kumindat ang ama ng lalaki at sinabihan ang anak na huwag magulat kung pag-uwi ng mga ito, hindi na ito ang bunso.
"Utang na loob," ani Mac na malakas na ikinatawa ng ina nito at ni Bryce.
Pagkatapos niyon, umuwi na lang sila sa bahay para makabawi ng tulog after lunch (na si Mac ang nagluto). Nang makatulog si Mac, naiwang gising si Bryce sa tabi nito.
She smiled softly, watching her fiancé's face as he slept. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi bago siya marahang bumangon. She dressed up in the T-shirt he had taken off and nothing else bago siya nagtungo sa banyo para maglinis ng sarili. Pagkatapos ay bumaba siya sa kusina. Medyo ginutom siya kay Mac.
May dala na siyang ham sandwich at juice nang maisipang sa library manatili. Maybe she could read or something. Ah! 'Yung mga photo albums na ipinakita sa kanya ni Mommy n'ung huli siyang natulog dito.
Pumasok siya sa library at ibinaba ang pinggan at basong dala niya sa mesa sa tabi ng sofa bago nagtungo sa shelves. Nasa pinaka-ibaba niyon ang mga photo albums. She picked the first album that caught her attention at kinuha niya iyon bago nagtungo sa sofa. She sat down and opened the book.
And stared...
The first picture was of a teenaged Mackenzie with a beautiful woman hugging him from behind. Magkadikit ang kanilang mga pisngi at hawak ni Mac ang mga kamay ng babae. They were both smiling widely at the camera, obviously very happy.
The woman was gorgeous, beautiful in a way that Bryce knew she wasn't, with blond hair that curled at the ends and brilliant blue eyes. Guwapo rin si Mac sa larawan, mas payat lang kaysa ngayon, but Bryce was pretty sure na pinag-aagawan na rin ito ng mga babae sa edad nitong iyon. No wonder Janice—and she was sure it was Janice in the picture—who was older, also fell for him.
Natulala si Bryce, hindi alam kung kaya ba niyang ilipat ang pahina, kinakabahan, nilalamig, natatakot sa magiging reaksyon niya sa iba pa niyang makikita. Kaya ba niya, ang possessive, selosang siya?
But then, Mac was already hers.
She turned the page. And the next, and the next, and the next... Mga larawan ng dalawa on a date night; at Janice's graduation kung saan buhat-buhat ng binata ang dalaga na naka-toga habang masaya silang nakangiti; sa prom ni Mac kung saan naka-coat and tie ang lalaki at nakayakap si Janice sa leeg nito, may suot na corsage ng kulay puting orchids sa isang pupulsuhan, hinahalikan ang pisngi ni Mac; another picture kung saan naka-uniform na ng USNA midshipman si Mac at magkayakap muli ang dalawa; another date night, a picture at the beach...
Puno ng mga larawan ang album at pinagaralan ni Bryce ang bawat isa. Imbis na magselos o sumama ang loob, na-realize niyang masakit ang puso niya hindi dahil nakatingin siya sa larawan ng lalaking mahal niya na may kasamang ibang babae pero dahil napakasaya ng dalawa sa mga larawan at alam niyang hindi magtatagal, kukunin ng kamatayan si Janice at iiwan nito ang lalaking halatang lubos na nagmamahal dito. She knew how much it had hurt Mac when Janice was killed, and anything that hurt him destroyed her. Even if it meant it was because of his love for another woman.
Bumalik siya sa unang larawan, at pinagmasdan ang mukha ni Mac doon. She wondered if he’d ever been that happy with her. She’d like to think he had been, that he was. Hinaplos niya ang mukha ni Mac doon bago mabagal na nag-angat ng mukha nang maramdamang nakatayo na ito sa pintuan ng opisina. He was half-naked, nakasuot lang ng maluwag na drawstring sweatpants at nakayapak. Nakasandal ito sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, pinapanood siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11777046-288-k726615.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomantizmON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...