Eighteen

3.3K 85 17
                                    

LYING, cheating, son of a—

Halos umusok ang mga butas ng ilong ni Bryce habang naka-upo siya sa isang silya sa gitna ng isang barong-barong, nakapiring at may bandana sa pagitan ng mga labi. Malagkit sa “dugo” ang mukha niya at ang harap ng battle dress uniform niya dahil ang scenario sa training exercise na ito, apparently, ay rescue mission ng isang non-ambulatory hostage.

Siya ang hostage na iyon.

Iyon ang dahilan kung bakit binaril siya ng mahal niyang fiancé sa tuhod at sinabihan ng magaling na SEAL sa pamamagitan ng earbud niya na tinorture din pala siya.

Nanggigigil siya sa inis. This was a training exercise at narito siya. Hostage.

Kaninong magaling na ideya kaya ito?

Natigilan siya nang mag-iba ang pakiramdam ng hangin. Hindi na siya nag-iisa. Nag-angat siya ng ulo patungo sa kung saan niya naaalala ang pintuan.

“Athena,” bulong ng isang lalaki. “It’s Phoebus.”

Si Apollo!

Lumunok siya at tumango. God, did they have a chance of winning this time?

Nadama niyang tahimik na lumapit si Pol at ang kamay nitong inaalis ang piring niya. Pero hindi si Pol ang una niyang nakita nang matangal ang takip sa mga mata niya kundi si Mac na nasa likuran ni Apollo. Marumi at may camouflage paint ang mukha nito at malaki ang ngisi. Nanlaki ang mga mata niya. Pero bago pa niya mabalaan ang swim buddy, pinalibot na ni Mac ang isang maskuladong braso sa leeg nito.

“I just broke your neck,” sabi ni Mac kay Pol.

Nilingon ito ng binata, inirapan bago ito padabog na bumagsak sa sahig.

“Phoebus is dead,” anunsyo ni Mac sa throat mike nito. Narinig din ni Bryce ang tinig nito mula sa earbud niya.

Shoot. Si Derrick na lang ang natitirang “buhay” sa team nila—

“Ace is dead,” sabi ng isang frustrated na tinig mula sa earbud niya nang ipaalam ni Derrick ang sariling pagkamatay.

Idinantay ni Mac ang isang palad sa balikat niya. Pinalis niya ang kamay nito na hindi naman napansin ng lalaki dahil masyado itong busy sa pagiging si Commander Herrera.

“Ghost Team Alpha report.”

Lalo pang nagngalit si Bryce nang marinig na mag-report ang lahat ng miyembro ng Ghost Team Alpha aka Senior Sentinels. Lahat nang ito ay buhay at walang galos.

“Training exercise finished. Senior Sentinels win.”

Dumaing si Pol. “Talo na naman kami!”

“Kaunting training pa, bud,” tukso ni Mac bago siya nito binalikan, hinila paalis ang bandanang nakatali sa bibig niya at mabilis siyang hinalikan. Gusto niya itong kagatin.

“Kulang ba kami sa training?” ma-dramang tanong ni Pol mula sa sahig habang nakatingin sa kisame. “Ano’ng ginagawa naming mali?”

Dumagdag pa iyon sa mga iniisip ni Bryce. Ano nga ba ang ginagawa nilang mali at four training scenarios out of four training scenarios ay namatay silang lahat?

“Magaling lang talaga kami,” sabi ng Kuya Cam mula sa pinto. Katulad ng mas damuho nitong pinsan, naka-full battle gear din ito at marumi ang mukha.

“One of these days,” madilim na banta ni Bryce. “Matatalo rin namin kayo.”

At ako mismo ang babaril sa buset na ‘to, sabi niya tungkol sa lalaking nagtatanggal ng mga tali sa mga pupulsuhan niya. Nang makatayo siya, inakbayan siya nito.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon