Twenty-Five

2.8K 75 39
                                        

PARANG batang hindi mapakali si Bryce habang naglalakad sila ni Mac patungo sa hilera ng mga kotse sa mahabang garahe. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng fiancé habang naghahanap ng pamilyar na mukha sa mga nagtatrabaho roon. Nakita niya ang isang lalaking tumawag sa atensyon ng isang babaeng nakasuot ng kulay orange na cover-alls. Tumango sa direksyon nila ang lalaki at lumingon ang babae sa kanila.

Sabay silang masayang tumili nang makilala ang isa’t isa. Binitawan ni Bryce ang kamay ni Mac at tumakbo para salubungin ng yakap ang babae.

“Bryce!” anito habang hawak ang mga braso niya at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “You’re so beautiful!” dagdag nito in Japanese.

“Thank you!” tumatawang sagot ni Bryce. Hindi siya masaya dahil sinabihan siyang maganda siya pero dahil natuwa siyang makita itong muli.

Isa sa mga naging malapit na kaibigan ni Bryce si Mariko noong sa Japan pa siya nakatira. Isa itong half-Japanese, half-American drift driver-slash-mekaniko na laging tumutulong sa kanya kapag may problema siya sa kotse.

Mas matangkad ang babae kay Bryce pero tulad niya, itim din ang buhok nito. Maganda ito, mas mukhang Haponesa kaysa Amerikana bukod sa singkitin nitong light brown na mga mata.

“How are you?” sabay nilang tanong sa Nihongo bago muling sabay na tumawa.

“I’m great! Still working here. How about you? I haven’t seen you in a long time? Where have you been? I haven’t heard from you in ages!”

“It’s a long, boring story. I’m here until tomorrow night. Oh,” binalingan nito si Mac at hinatak ito palapit. “This is my fiancé, Mackenzie. He’s with the US Navy. He speaks Japanese, too. This is my friend, Mariko. She’s a mechanic! We used to drive together.”

Si Mac naman ang kinumusta ni Mariko sa Nihongo na sinagot naman ni Mac sa parehong lenguwahe.

“Are you here to drive?” tanong ni Mariko sa kanila.

"I spoke to Ken Saito," ani Mac. "We don't have a car of our own so he said he'd have someone set Bryce up so she could drive."

"Kinausp mo si Ken?" nagulat na tanong ni Bryce. "Paano mo siya nakilala?"

Ngumisi lang ang nobyo sa kanya.

It doesn't matter kung paano nakilala ni Mac ang isa sa mga maaaring gumawa ng paraan para makapagmaneho si Bryce nang oras na iyon. Ang mahalaga ay nagawa nito. Niyakap niya ito. "You're amazing," bulong niya rito.

"I know," sagot ni Mac bago ito tumawa. "Now, go. Enjoy yourself. Mauupo lang ako d'yan sa tabi-tabi. I'm sure I'll find something to do while you're driving."

Hinalikan ito ni Bryce bago siya nagpasama kay Mariko sa opisina ni Ken kung saan sila sinalubong ng assistant nito at sinabihang mamili lang si Bryce ng gusto nitong kotse. The track was hers.

"Do we have any instructors around today?" tanong niya kay Mariko bago sila lumabas ng opisina.

"Hiro is here. And Makoto."

"Do you think one of them would be willing to give lessons today? Just half a day."

Sinulyapan siya ni Mariko. "You don't need lessons in drifting, dear."

Ngumisi si Bryce. "No, but my fiancé does."

---

NAKIKIPAG-USAP na si Mac sa mga mekaniko sa garahe nang bumalik si Bryce kasama si Mariko at isa pang lalaki. Tumuwid ito mula sa makina ng sasakyang sinisiyasat at nakangiting sinalubong ang grupo.

“Okay na?” tanong niya kay Bryce.

“Yup! Nissan Silvia ‘yung gagamitin ko,” masaya nitong sabi sa kanya. “And, Mac, this is Kazuhiro. Hiro, this is my fiancé, Mac. Hiro will be teaching you how to drift.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon