Twenty

3.5K 93 15
                                        

EKSAKTONG 1800 hours, nagkita-kita sila sa bull pen para makipag-meeting muli kay Senior Chief Elliot. Sandaling nakatulog si Bryce matapos magtanghalian pero maya’t maya siyang nagigising. Una, wala si Mac sa tabi niya. Nakikipag-meeting ito sa CO ng mga taga-Special Action Force ng PNP, na una nilang haharapin, sa kabilang banda ng isla. Ikalawa, excited siya na kinakabahan para sa mangyayari. Gusto niyang bumawi para sa pagkakamali niya noong nakaraang training mission. Kaya habang nasa briefing sila, nagdarasal si Bryce na siya ang mapiling unang hostage. May plano siya kung sakali.

Nakita niyang pumasok ang mga SEAL. Naka-upo siya sa bangko at umakyat ng mesa sa likuran niya si Mac para maupo roon. Sumiksik siya sa pagitan ng mga binti nito at sumandal sa fiancé niya. Ipinatong niya sa mga hita nito ang mga braso.

“Let’s get on with it,” ani Senior Chief na kinikiskis pa ang mga palad. “First mission is a simple personnel recovery. Habang kausap nina Commander Herrera ang CO ng mga SAF, pinapili nila ‘yung team kung sino ang gusto nilang hostage and they chose you, Bryce.”

Napangisi si Bryce at naghiyawan ang mga teammates niya, pumapalakpak sa tuwa.

Oh, those guys didn’t know what they were asking for.

“Your identities are to remain secret so hindi sila nagpakita ng mga pictures but they gave the guys your general descriptions. I guess they wanted the challenge kaya si Bryce ang pinili nila,” sabi ni Senior at tumawa silang muli.

“Okay, these are the mission specs...”

Ibinigay sa kanila ni Senior Chief Elliot ang mga detalye na dapat nilang malaman tungkol sa misyon.

Bryce was going to play a US Navy EOD tech na nag-MIA nang ma-ambush ang team nito sa isla. The trainees will then have to rescue her mula doon mismo sa barong-barong kung saan siya sinubukang i-rescue ni Pol noong nakaraang gabi as well as retrieve a laptop. Nasa laptop na iyon ang mga detalye ng susunod nilang misyon.

Binigay sa kanila ang lokasyon kung nasaan ang unang kuta ng mga SAF na tatayong terorista, estimated number of tangoes at iba pang mga basic information na maaaring ibigay ng Intelligence sa isang team ng mga sundalo sa isang tunay na misyon. At para gawing mas challenging ito, dalawang oras lang ang ibibigay sa kanila para makapagplano para sa unang misyon.

Kapag successful ang misyon at ma-recover nila si Bryce, maaari na itong sumama sa kanila sa susunod na misyon bilang sundalo rin. Ang SEALs na kanilang mare-rescue, however, ay sasali sa team bilang mga sibilyang kailangan nilang protektahan at dalhin muli sa base camp nang buhay at walang galos. Sila man ay kailangang maka-uwi nang buhay dahil iyon naman ang ultimate prize sa mga ganitong scenario, hindi ba? Kundi, bagsak sila sa misyon at, well, ayaw na nilang malaman kung ano ang mangyayari kung ibagsak nila ang finals nila.

“Galingan n'yo!” sabi ni Matt bago matapos ang briefing. “Pride ang pinag-uusapan dito. Ang alam ng mga pulis at sundalo, Navy SEALs na nakiki-train sa Balikatan ang mga makakalaban nila ngayong training mission. Kung hindi niyo ‘to matapos, sira ang reputasyon namin.”

“Sino naman ang nagsabi sa kanila n’un?” tanong ni Mal.

Umismid si Matt. “Ako. Kaya galingan niyo. Yayabang ang mga ‘yun kapag natalo nila kayo. Motivate! Hooyah!”

“Hooyah!” sigaw-tawa nila bago tumayo.

Nilapitan ng kanyang mga teammates si Bryce at niyakap.

“Same plan?” tanong ni Derrick habang nakatingala siya rito.

“Same plan. Give me an hour at most. Kung wala pa ako noon dito, saka niyo na ako puntahan.”

Tumango ito at nakangising kinuskos ang tuktok ng ulo niya na para bang nakababata siya nitong kapatid. Napangiti siya nang ma-realize na matapos ang lahat ng oras na ito, iyon na mismo si Derrick at ang iba pang mga kasamahan niya sa training team na ito, mga kapatid.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon