Ten

3.9K 88 22
                                    

0600 pa lang but they were already six hours into Hell Week.

Hindi na maalala ni Mac ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nang sarili niyang Hell Week. Ang naaalala lang niya nang malinaw ay ang katapusan mismo ng linggo nang sabihan sila ng pinuno mismo ng Naval Special Warfare Command ng panahon na iyon na secured na sila. Iyon at ang matinding kagustuhan ni Mac na mawalan na lang ng malay sa kinatatayuan niya dahil sa matinding dehydration na hindi niya alam ay magpapadala na pala sa kanya sa ospital nang hapon na iyon.

Sabi ni Matt, para raw ‘yung amnesia. Hindi na nila maalala ang karamihan sa mga kaganapan dahil pinoprotektahan sila ng utak nila sa trauma.

Pero ngayon, malinaw na nakatatak sa utak niya ang bawat pangyayari habang pinapanood si Bryce. Ang tunay na BUD/S training ng mga Navy SEALs ay tumatagal ng twenty-six weeks. Ang modified training ng mga Sentinels ay tatagal lamang ng anim na linggo. Ang hindi lamang magbabago ay ang haba at ang intensidad ng kanilang Hell Week.

Nakahalukipkip si Mac. Tulad ng ibang mga naroon, nakasuot siya ng cap at ng shades habang pinapanood ang ikalawang batch ng mga Sentinels na tumakbo paroo’t parito habang bitbit ang isang halos two hundred pounds na troso.

Kung sa BUD/S ito sa Coronado, baka lampas sampu na ang sumuko sa kasalukuyang klase. Sa Sentinels batch 2, wala pang natitinag. At iyon naman ang inaasahan nila. Hindi sila nag-re-recruit ng mga taong alam nilang hindi kakayanin ito, both physically and mentally. Ni hindi lalampas sa computer ni Cameron ang pangalan ng isang sundalo o pulis o agent kung hindi 100% na kombinsido si Cam na hindi susuko ang taong i-re-recruit nito. Sa ngayon, mukhang 10 for 10 ang record ng pinsan.  Hindi pa ito nagkakamali.

May isang oras pang pinanood ni Mac ang mga kaganapan. Pinilit niya ang sariling manood kahit pa alam niyang may posibilidad na matuloy na ang take niya sa puso dahil sa kaba para sa fiancée. Pero so far, kaya nitong dalhin ang sarili gaya sa pagtulong nito sa pagdadala ng IBS—inflatable boat, small—sa ulo nito.

Tumatakbo pa rin ang anim habang sinisigawan ni Russel nang lumapit sa kanya at nilingon niya si Petty Officer First Class David Carter. Isa ito sa mga karagdagang SEALs mula sa Team One na ni-request ni Mac na tumulong sa training na ito. Hospital corpsman ito at tumatayong doktor nila sa field. Ito ang field medic nila ngayon dahil ang sariling medic ng mga Sentinels na si Edward Cabrera ay kasalukuyang kumukuha ng karagdagang training sa America. Isa rin si Dave sa mga sumagip kay Bryce nang araw na iligtas nila ito mula kay Fuentes.

“Hey, Commander,” bati nito. Twenty-five years old ito, dark blonde ang buhok at matingkad na berde ang mga mata. He was also 5-feet, 9-inches tall with a lean, wiry body. Sa kabila ng mura nitong edad, isa ito sa pinaka-solid at pinaka-maaasahang miyembro ng team ni Mac.

“Hey, Dave”

“I’d like to see the medical records for these guys, sir,” anito habang kasama niyang pinapanood ang pagtakbo ng mga trainee. “Just to cover my bases if anything happens.”

Tumango si Mac. “Sure, I’ll get them to you.” Sinulyapan niya ito. “How was your trip here?”

“Uneventful,” nakangisi nitong saad. “A lot of the other guys wanted to be here, too. Especially the ones who haven’t met the future Mrs. Commander Herrera.”

Natawa si Mac. “Actually, she’s the future Ensign Herrera.” Muli silang tahimik na nanood sa torture ni Russ sa mga ito bago niya binalingan ang lalaki. “I don’t think I’ve thanked you yet for helping save her life,” tahimik niyang saad.

Nagkibit-balikat si Dave, namumula ang mga pisngi. “No need, sir. I was just doing my job. Besides, Edward did most of the work.”

Umiling si Mac. “You did what you had to do, Dave. And you did it well. It doesn’t matter if that was your job. You saved her life and I will always owe you.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon