MAINIT pa rin ang mga mata ni Bryce habang nagkukuskos sa shower. Umaalingawngaw sa isip niya ang banta ni Mac.
Mula pa day 1, inisa-isa na ng mga intructors ang kakulangan niya bilang trainee, na hindi raw siya papasang Sentinel at lalo na sa US Navy. She was determined to prove them wrong so she studied herself. Alam niya ang kahinaan niya: physical strength. At alam niya kung saan siya magaling: resourcefulness. Kailangan niyang punan ang lahat ng pagkukulang niya at akala niya ginawa naman niya. Iyon pala...
I did my best but I guess my best wasn’t good enough ang drama niya ngayon. Hindi na niya alam ang gagawin. Masakit na iyon sa kanya pero ang muntik nang nagtulak sa kanya para mag-quit ay ang banta ng nobyo.
Pumikit siya at hinayaang humalo sa tubig mula sa shower ang mga luhang hinding-hindi niya ipapakita sa kahit na sino. She was never going to let anyone see her cry during this training.
Nang mapansing matagal na pala siya sa shower na walang ginagawa, nag-shampoo at conditioner na siya at nagsabon. Napuna niyang mahapdi ang mga palad niya at naisip na rope burns iyon. Mamaya na niya aasikasuhin bago matulog.
Nagtuyo siya ng tuwalya at isinuot ang bathrobe bago niya dinampot ang maruming mga damit. Ilalagay lang niya iyon sa laundry area paglabas ng banyo.
Nagtaka siya na walang tao sa living area ng beach house nang lumabas siya. Kadalasan doon na nakakumpol ang mga kasama niya sa training ng ganoong oras bago ang mess nang alas-syete ng gabi.
Lumabas siya sa likod-bahay para ilagay sa laundry area ng beach house ang maruming uniporme. Nandoon na ang isang bundok ng fatigues at maruruming puting t-shirts at medyas pero wala ring tao roon.
Muli siyang pumasok sa main area ng bahay at dumerecho sa silid nila ni Ate Mallory. Wala roon ang kanyang ate.
“Nasaan kaya ‘yun?”
Nagbihis siya ng isang maiksing summer dress para kahit paano, maramdaman naman niyang babae siya. Pagkatapos ay sinimulan niyang gamutin ang mga sugat sa kamay.
Grabe na. Daig pa ng kamay niya ang kamay ng karpintero ngayon sa kalyo. Balewala rin naman na mag-lotion siya dahil pagdating ng Lunes, Hell Week na.
So itong pinagdaraanan niya ngayon? Purgatoryo pa lang ito.
Bumuntong-hininga siya at tinanong ang sarili. Kaya pa ba niya? Did she want it bad enough?
The answer was yes.
Inipit niya sa isang clawclip ang basa pang buhok at lumabas nang muli ng silid para maghapunan pero wala pa ring tao sa living room o sa dining room. Kunot ang noo, lumabas siya sa teresa patungo sa beach at doon nagulat.
Sa baba ng balkonahe, nakatalikod sa dagat at sa papalubog na araw, nakahilera ang lima niyang teammates, apat na instructors at ang fiancé. Lahat ng mga ito ay may hawak na bulaklak na halatang pinitas lang ng mga ito sa tabi-tabi.
Nakita niyang siniko ni Mac si Apollo at pinindot ng swim buddy ni Bryce ang isang buton sa hawak nitong smartphone. Tumugtog ang isang kantang hindi pamilyar kay Bryce. Mayamaya, nagsimulang kumanta si Apollo.
I know I said it, I know I did it
Maybe I went overboard to prove a point
But sometimes my pride gets in the way
Maybe I need some time away
to get my head together.
Lumapit una si Mallory at inabot sa kanya ang bulaklak na hawak nito, isang balumbon ng kulay pulang santan. Sumunod si Matt na sampaguita ang hawak. Nakangiti nitong inabot sa kanyang ang mga bulaklak bago nag-sign of the cross. Natawa siya dahil naisip na madalas sa rebulto sa simbahan nga naman isinasabit ang sampaguita. Sampaguita rin ang inabot ni Roarke na sinundan ng bougainvilleang puti galing kay Baste at kalachuchi galing kay Gage. Santan na yellow ang inabot sa kanya ni Francis. At si Russel na huli sa pila ay nakangisi nang iabot sa kanya ang isang maliit na paso ng cactus.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
Roman d'amourON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...