BOODLE FIGHT ang lunch. Nakalatag sa mahahabang mga mesa ang mga dahon ng saging na puno ng kanin, inihaw na pork chops, pusit, pritong isda, hilabos na hipon, mga palayok ng adobo, at manggang hilaw at bagoong. Naghugas lang sila ng kamay bago nagsimulang kumain. Maingay silang lahat. Sabay-sabay na nagkukwentuhan, nagtatawanan, nakikipag-unahan sa pagkuha ng pagkain. Lahat sila ay nagkakamay, kahit pa ang mommy ni Mac na Amerikana.
Si Apollo lang ang naka-upo dahil binendahan ni Dave ang paa nito pero kahit na, may sarili itong mesa dahil defensive eater ito at tinutukso nilang nangangagat kapag naagawan ng pagkain. Pero kahit na ano pa yata ang gusto ni Pol, ibibigay iyon ni Mac. Hindi lang si Bryce ang pinanood niya noong training, maging ang binata. At hindi nakaligtaan ni Mac kung paano alagaan ni Pol si Bryce.
Nakatayo sa tabi niya ang fiancée ngayon, nakikipagtawanan sa kanyang ina habang kumakain. Hindi marunong magkamay si Bryce pero game itong kumakagat sa isang tipak ng kaning hawak nito pagkasubo ng ulam.
Ipinagbabalat niya ito ng hipon at ipinaghihimay ng ulam. Ito kasi ang unang beses sa loob ng isang linggong nakita ni Mac na kumakain ang babae dahil ine-enjoy nito ang pagkain at hindi dahil sa ikamamatay nito kapag hindi nito kainin ang huling kagat ng pagkain sa pinggan nito.
Magulo ang buhok nito at mabuhangin. Madilim ang paligid ng mga mata nito at may galos ito sa isang pisnging tinapalan na ni Dave ng butterfly bandage. Mabuhangin rin ang uniporme nito at halos manigas na iyon dala ng tubig-alat. Para itong kinaladkad sa buhanginan ng apat na kabayo pero ito pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita ni Mac.
Nang matapos ang tanghalian, inabisuhan ni Senior Chief Elliot ang mga trainees na matulog muna. Huwag daw mahiya kung makatulog ng twenty-four hours ang mga ito. Overnight naman daw na mananatili ang kanilang mga kamag-anak sa Laiya kaya pag-gising nila, naroon pa rin ang mga mahal nila sa buhay.
“Boys, magdala na kayo ng bote,” payo ni Riley. “I’m sure kapag magising kayo para dyuminggel, iiyak kayo bago kayo makabangon. Kung p’wede naman, marami naman tayong mga kasamang babies dito. Hingi na lang kayo ng Pampers.”
Nagpaalam si Bryce na maliligo na muna bago matulog. Si Mommy Laurel ang nagpresintang maghanda ng tulugan ng dalaga.
Pinanood ni Mac na magtungo si Bryce sa banyo dala ang isang tuwalya, roba at isang malaking bag ng toiletries. Nang magsara ang pinto, isang saglit lang siyang nag-isip bago siya tumayo.
Nagtama ang kanilang mga paningin ni Matt. Nakangisi ang kapatid, alam ang kanyang iniisip.
“Suspended congress,” he mouthed at tumirik ang mga mata ni Mac bago ito iniwan.
Mabilis niyang hinablot ang sariling mga toiletries bago nagtungo sa banyo. Kumatok siya. “Bryce?”
Medyo natagalan bago bumukas ang pinto. Nakatingala sa kanya ang fiancée. Nakabalot na ito ng tuwalya at basa na ang buhok pero halatang hindi pa ito nakakapagsabon dahil may buhangin pa rin sa leeg nito at sa mga balikat.
Tinaasan siya nito ng kilay.
“Need help?” pilyo niyang tanong.
She groaned and opened the door wider. Pumasok siya sa banyo.
Siya na ang nagsara at nag-lock ng pinto habang mabagal na bumabalik sa shower stall si Bryce. Inapakan na lang nito ang unipormeng hinubad nito bago nakabalik sa paliguan. Muli nitong inalis ang nakataping tuwalya at isinabit iyon sa towel rack.
Mac winced when he saw her naked body, hindi dahil sa pumangit iyon sa paningin niya pero dahil napuna niya na napakalaki pala talaga ng ipinayat nito. At may malaki itong pasa sa kaliwang balakang na hanggang sa panlabas na bahagi ng hita nito.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...