Thirty-Two

2.8K 91 42
                                        

MAAGANG nagising si Bryce kinabukasan. Excited siya na hindi niya maintindihan dahil mamayang hapon na ang first “party” nila ni Mac bilang couple. Kinakabahan din siya kasi makikilala niya ang iba pang mga teammates ng fiancé.

Sa tuwing nasa ganitong sitwasyon siya, inaatake siya ng insecurity. Paano kung hindi siya magustuhan ng mga teammates ni Mac? Importante pa naman sa isang grupong tulad nito na magkasundo ang lahat ng mga miyembro. 

Tulog pa si Mac sa tabi niya, nakadapa, nakabaling sa kanya ang guwapong mukhang kalahati ay nakikita niya at kalahating nakabaon sa unan. Hinalikan niya ito sa balikat bago siya nagtungo sa banyo para mag-shower.

Naghahanda na siya ng almusal nang bumaba ang lalaki. She didn’t hear him. She rarely heard him unless he wanted her to hear him, pero alam niyang naroon na ito. Nakangiti na siya bago pa man niya madama ang pagbalot ng mga braso nito sa baywang niya.

“Good morning,” sabi ni Mac habang hinahalikan ang kurba ng leeg niya.

"Good morning." Tiningala niya ang lalaki para salubungin ang halik nito. Noon niya napuna na sweatpants lang ang suot nito. His eyes still looked sleepy, but she could smell the minty toothpaste on his breath when he hooked his chin over her shoulder.

“What are you making? Need help?”

Umiling si Bryce. “No, but I need you to get out of the kitchen and put a shirt on. You’re distracting me.”

He laughed and kissed her again, then he ambled out of the kitchen when she gave him a push, hopefully, to get a shirt. Hindi na itinago ni Bryce ang ngiti bago ipinagpatuloy ang pagluluto. Simple lang naman itong French toasts. Kaya ‘to ng powers niya.

Inihahanda na niya ang pagkain sa counter nang marinig niya ang musika mula sa labas.

Ibinaba ni Bryce ang pinggan bago siya lumabas ng kusina at nagtungo sa living room ng bahay. Nakita niya si Mac. Nakasuot na ito ng T-shirt pero nakayapak pa rin. Naka-upo ito sa bangko sa harapan ng kulay puting baby grand piano sa kanto ng sala, tumutugtog. Nakilala ni Bryce ang kanta, River Flows in You by Yiruma.

Lumapit siya sa lalaki at tahimik na naupo sa tabi nito. Nilingon siya ni Mac na hindi humihinto sa pagtugtog, and he smiled. Ngumiti rin siya at pinanood ang mga kamay ng lalaki.

She loved watching his fingers move over the keys. Kung tutuusin, it was a little odd that those same hands that were coaxing the keyboard to create beautiful music were the same hands that create explosives.

“Wow,” she breathed when he finished the song. “Ang galing mo talaga.” At sinabi niya iyon nang walang biro.

Namula ang mga tainga ni Mac at mahiyain itong ngumiti. “Matagal na ‘kong di tumutugtog.”

“It's beautiful,” natatawa niyang tanong. “Chopsticks lang ang alam kong tugtugin sa piano eh.” Inabot niya ang isang kamay sa piano keys at idinemo ang talent niya gamit ang dalawang daliri imbis na ang dalawang kamay ayon sa nararapat para sa musika.

Tumawa si Mac at sinabayan siya. Duet kasi ang Chopsticks. Maaari iyong tugtugin ng dalawang tao sa iisang piano.

Napatili si Bryce nang magkamali siya ng pindot at naging sintunado ang musika at malakas siyang tumawa.

“’Yun na ‘yun! ‘Yun na ang extent ng talents ko sa piano,” sabi niya. “Ikaw ba? Ano pang alam mong tugtugin?”

“Depende. Nag-aral ako ng classical pero hindi ko masyadong napanindigan.” Nagsimula itong tumugtog ng ibang piyesa.

Alam ni Bryce ang piece dahil napag-aralan nila iyon n’ung high school. It was called Flight of the Bumblebees ni Rimsky-Korsakov. It was a fast and complicated piece the she figured was hard go master, but Mac played it flawlessly.

Pagkatapos ay sinundan iyon ng opening chords ng Für Elise ni Beethoven. Kahit walang alam sa classical music ang makakarinig, madali iyong makilala. Pagkatapos ay nag-segue si Mac sa Clair de Lune ni Debussy, pagkatapos sa Canon in D Major ni Pachebel.

 “Uy, favorite ko ‘yan! Ituloy mo,” sabi ni Bryce nang huminto si Mac.

Pinagbigyan siya ng fiancé niya. Kung hindi pa siya in love kay Mac bago niyon, sigurado niyang dito mismo sa punto na ito, nahulog siya para sa lalaki.

The guy knew Pachebel. The Navy SEAL knew Pachebel. By heart dahil tinutugtog nito ang isa sa mga classical pieces na gusto ni Bryce nang walang sheet music.

Nang matapos ng lalaki ang pag-tugtog, nilingon siya nito at nahihiyang ngumiti. “’Yun,” tawa nito, hindi alam ang sasabihin.

 Isinilid niya ang kamay sa ilalim ng palad ng lalaki. “God, you’re perfect,” she whispered. “How can you be mine?”

Tumawa ito at idinikit ang noo sa noo niya. “Thank God for that.”

She kissed him softly, then pulled back. “Gaano kabilis mo matutunan tugtugin ang isang kanta?”

He shrugged. “Depende kung gaano kahirap.”

“Naisip ko lang... can you play something for me sa wedding natin?”

Tumango ito. “Of course.”

“Kahit i-record mo lang siya kasi ang weird naman kung naka-upo ka sa piano habang naglalakad ako papunta sa ‘yo.”

He grinned. “Sure. Ano’ng gusto mo?”

“Gusto ko talaga ‘yung Rebel Heart ng The Corrs.”

“Sige,” sabi ni Mac bago siya muling hinalikan. “Hahanapin ko ‘yung kanta.” He pulled back to smile at her pero kumunot ang noo nito nang mapansing nakatitig lang siya rito. “Bakit?”

“The first time I heard that song, I was seventeen,” amin niya  na naninikip ang dibdib. She said it quietly, as if embarrassed to be telling him that. At bakit hindi? Iyon na yata ang pinakamatagal na hiling ng puso niya. “Sa tuwing maririnig ko siya, naiisip ko ‘yung future wedding ko. I would be walking down the aisle while that song plays in the background.” She lifted Mac’s hand and pressed his palm over her heart. “And you know what? I was always walking towards a guy who was wearing Navy dress whites. And he had your eyes.”

“Bryce,” Mac whispered.

“I was always walking towards you, Mac,” she said softly. “It has always been you even when I didn’t know you.”

He hissed out a breath, slid his hand over the nape of her neck and pulled her to him for a kiss that reassured her that her teenage dreams were now her adult realities. 

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon