Three

6.1K 116 20
                                        

“BABE, may gagawin ka bukas?” tanong ni Mac kinabukasan habang naka-upo siya sa isang stool sa kitchen counter ni Bryce, naghahabol sa pagbabasa at pagsagot ng mga e-mail.

Nilingon siya ng nobyang nakatayo sa tapat ng kalan, nag-pi-prito ng spam para sa almusal nila. “Wala naman. Bakit?”

“Gusto mong magpunta ng Maryland?”

Nagulat ito. “Maryland? Ano’ng gagawin natin d’un?”

Hinango nito ang slices ng spam at inilagay sa mga pinggan nila kasama ng pritong itlong. Hindi marunong magluto si Bryce at aminado ito, pero kaya naman nitong mag-prito at magsaing kung kaya’t ito ang tagaluto ng almusal. Dinala ng babae ang mga pinggan sa island at ibinaba ang isa sa tapat ni Mac bago naupo. Automatic na nilagyan ni Mac ng fried rice ang pinggan ng fiancée.

“Nag-e-mail sa ‘kin ‘yung chief of staff ni Mr. President. Nasa Camp David daw sila nitong linggo. P’wede daw niya tayong isingit sa schedule bukas para makilala ka na niya.” Hindi sumagot si Bryce kung kaya’t nilingon ito ni Mac. Namimilog ang mga mata nito na nakatingin lang sa kanya. “I did tell you that the President wanted to meet you, remember?”

Bumuga ito ng hangin. “Oo, pero hindi ko alam na ngayon na,” anito, nag-aalala. “Akala ko next year pa or something.”

Sarili naman ang ikinuha ni Mac ng kanin. “The sooner the better kasi. Para wala na tayong problema bago pa natin simulang planuhin ang kasal.”

“Kinakabahan ako.”

Ngumiti siya rito. “Don’t worry. Sabi ko nga, he’ll like you.”

“Alam naman niyang palaki ako ni Fuentes, di ba?”

Tumango ang lalaki. “Which is why he wants to meet you.”

“Is he crazy?” bulalas ni Bryce. “I’m a threat to national security!”

“Babe,” pasensiyosong saad ni Mac. “Unless sleeper spy ka ng Russia, I don’t think banta ka sa national security.”

“At paano mo nalamang hindi?” hamon ni Bryce.

Muli niya itong nilingon. “Are you?”

“Hmp.” Sumubo ito ng kanin at spam, ngumuya at lumunok.

Nagsimula na ring kumain si Mac pero alam niyang hindi pa tapos ang usapan. Ninanamnam niya ang spam nang muling magtanong si Bryce. “Mac, paano nga kung gan’un? Kung sleeper agent ako ng terrorist organization? Ano’ng gagawin mo?”

“Then I’m going to have to kill you,” agad at seryoso niyang sagot.

Nakatingin na siya rito bago pa lumipad sa kanya ang mga namimilog na mata ni Bryce. Kumunot ang noo nito at lumabi. “But you love me,” she pointed out.

“Yeah, I do. Pero isipin mo rin kung totoo ‘yun, at mahal mo ako. Ano’ng gagawin mo? Ipapagpatuloy mo ang misyon mo o ako na lang ang pipiliin mo?”

“Bilang hindi naman ako sleeper agent ni Fuentes, pipiliin na lang kita.”

Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. “I trust you,” bulong niya rito. “With my life. Honestly, if it turns out that I was wrong about you and it ended up that you really are a terrorist... I don’t know what I’d do.”

“Aww.” Mapanuksong ngumiti si Bryce. “Hindi mo alam ang gagawin mo. Kung hindi mo talaga ako mahal, hindi ka mahihirapang mag-isip kung ano ang gagawin mo. You’ll kill me, no questions asked. So flattered ako na pag-iisipan mo pa kung papatayin mo ako o hindi.”

Tumawa si Mac. “Again, alam mo namang hindi ako ang pinaka-romantic na lalaki sa mundo.”

“No," she sighed. "But I love you anyway.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon