Nineteen

3.4K 83 9
                                        

BRYCE happily burrowed beneath the blankets on her narrow cot. Siniksik niya ang matigas at mainit na katawang nakabalot sa kanya at ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito. Huminga nang malalim si Mac, niyakap siya bago muling nakatulog.

Kulay gray ang paligid. Madilim pa rin pero may sapat nang liwanag para makita ni Bryce ang nahihimbing na mukha ng nobyo. Sa kabilang kama, alam niyang natutulog pa rin ang Ate Mal niya at Kuya Cam. Nakatalikod sa kanila si Cam at tinatakpan ng malapad nitong likod si Mallory. Ang kita lamang ni Bryce sa kapatid ay ang braso nitong nakabalot sa baywang ng sariling fiancé. Nang sulyapan ni Bryce ang relo sa pupulsuhan ni Mac, nakita niyang lampas alas-cinco pa lang. Himala at tulog pa si Mac. Kadalasan ganitong oras, nakatakbo na ito ng ilang kilometro.

Pero hindi siya nagreklamo. Bihira siyang mauna nang gising kay Mac kaya ninamnam niya ang pagkakataong mapagmasdan ito habang natutulog.

Bumuntong-hininga siya na parang lovesick heroine sa isang romance novel. Dahil kung may gusto man siyang basahing nobela, gusto niya ng hero na kamukhang-kamukha ni Mac.

Well, na katulad na katulad ni Mac.

Mahina siyang tumawa nang mapagtantong bakit pa siya maghahanap ng romance novel na may hero na tulad nito ngayong nasa mga bisig niya ang totoong romance novel hero niya?

Ipinatong niya ang isang hita sa mga hita nito. In his sleep, he lifted his knee to give her enough space to slide her thigh between his. Pagkatapos ay pilya niyang ikinilos iyon para haplusin ang isa sa mga pinakasensitibong bahagi ng katawan ng lalaki.

He let out a low moan between parted lips and she did it again. His eyes flickered bago nagmulat. His eyes were blurry hazel for a heartbeat before he turned to her and they heated into a blazing emerald in the early morning light.

Kinagat ni Bryce ang pang-ibabang labi at ngumiti rito. “Good morning,” bulong niya habang patuloy na ikinikilos ang hita sa pagitan ng mga hita ni Mac.

Umungol ito, pumikit at idinikit ang noo sa noo niya.

“Not here,” mababa nitong saad, isang bulong na para sa kanya lang.

“Quiet lang tayo,” bulong din niya.

Tila ba nasasaktan na si Mac. “Nakakarinig si Cam ng nahuhulog na bunga galing sa puno na nasa kabilang baranggay,” sabi nito. “And I can only be that quiet when I’m on a mission.”

Agad na naalala ni Bryce ang mga sexy na tunog na ginagawa ni Mac habang nasa kama sila, mga singhap, mababang ungol at ang paghingal nito. She wanted to hear those sounds right now.

“Hindi lang si Cam ang malakas ang pandinig. Si Mallory rin,” garalgal na tinig ni Ate Mal mula sa kabilang kama at natigilan si Bryce. Nag-angat ng ulo si Mac para sulyapan ang kabilang cot kung saan nakasilip na sa kanila si Mallory mula sa ibabaw ng balikat ni Cam. Nakabaling din sa direksyon nila ang lalaki bago nito muling ibinaba ang ulo ang nagtakip ng unan sa mukha.

“Get a room,” anito mula sa ilalim ng unan.

“This happens to be a room,” balik ni Mac habang sumesenyas sa paligid.

Humagikgik si Mallory bago muling nahiga sa tabi ni Cam.

Nang bumaling sa kanya si Mac, pulang-pula na ang mukha ni Bryce at mahinang tumawa ang lalaki. Inabot nito ang kumot sa may paanan nila bago sila tinabingan.

“Mackenzie, get your mouth away from my baby sister!” tawag ni Mallory mula sa kabilang kama. “Kung makarinig ako ng heavy breathing, I swear, I’m going to shoot your ass!”

Tumawa si Mac. “Mind your own ass,” malakas nitong saad. “And I mean Cam's.” Muli itong tumawa nang may nalaglag na unan sa mga ulo nila dahil binato sila ni Cam.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon