PAGOD na sila, kulang sa tulog, medyo gutom at nawawala na sa focus pero buhay pa naman silang lahat pagdating ng Linggo ng hapon. Isang misyon na lang ang kailangan nilang tapusin. Pero bago iyon, binalitaan muna silang impressed na impressed na sa kanila—well, sa Navy SEALs—ang mga nakaharap nilang teams sa AFP.
Ngayon, ang huli na nilang misyon. Ang grand finale. Ang rescue ni Commander Herrera na kasalukuyang bihag sa isang gusali sa tagong arms depot ng isang “international terrorist group” na binubuo ng magkahalong puwersa ng Scout Rangers at 1st Special Forces Regiment.
Ang scenario, non-ambulatory ang hostage at napapaligiran ng hindi kukulang sa limampung lalaking may matataas na kalibre ng baril at walang awa kung pumatay.
Kailangan nilang ma-infiltrate ang base, i-rescue si Commander Herrera at pasabugin (ulit, hindi sa totoong buhay) ang mga armas ng mga kalaban. Kailangan din nilang maiuwi sa base sina Dan, Dave, Matt at Mac nang buhay at walang tama.
Kung si Dan, Dave at Mac, okay lang. Kaya lang, kasama sa scenario na si Matt ay iyong tipo ng taong hostile sa kanyang mga rescuers. Kailangan nila itong bantayan minu-minuto dahil minu-minuto nitong sinusubukang tumakas. May mga ganoon daw talagang klase ng mga ni-rescue. Pero sa tingin ni Bryce, masyadong ine-enjoy ni Matt ang role nito.
Ito na ang huli nilang misyon. Isang buong araw nang walang tulog si Bryce pero high pa rin siya. Kung ikukumpara sa Hell Week, mani lang ito. As in maning mani.
Na-infiltrate na nila ang kampo ng mga Rangers/Special Forces na tila ba wala pa ring kaalam-alam na naroon na sila. Nakadapa si Bryce sa lupa, nakasandal ang tagiliran sa pader ng isang makeshift infrastructure, nagkakabit ng explosives (actually fireworks siya na may timer) sa dingding.
May dalawang minuto siya bago muling dumaan ang sentry kaya mabilis niyang ikinabit ang "bomba" at gumapang palayo. Dalawang gusali na lang, pagkatapos derecho na siya sa sasakyang plano niyang nakawin para tumakas.
Marumi na ang uniporme niya sa putik, lupa, buhangin, damo at alikabok. May “tama” rin siya pero sa balikat lang. Maliit lang na paint spatter so napagkasunduan nilang daplis lang iyon at hindi makakaapekto sa pagkilos niya.
Sa kanilang lahat, si Baste ang may pinakamalalang tama ng paintball sa puwet pero napagkasunduan din nilang hindi malala at maaari itong kumilos nang normal. Hindi lang ito maaaring maupo.
Gayunpaman, si Baste ang naiwang bantay ni Matt sa kagubatan na may istriktong instructions na pukpukin ang lalaki ng rifle butt kung subukan nitong tumakas muli. Hindi nila alam kung biro lang ‘yun ni Derrick o hindi pero naging good boy si Matt (so far) at nanatili kung saan nila iniwan ang mga ito.
Kailangan niyang maikabit ang natitirang dalawang bomba bago magsimulang masunog ang isa sa mga gusali. Actually, smoke bomb lang iyon pero iyon ang hudyat ng pagtakas nila. Diversion habang nire-rescue nina Ate Mal, Gage at Pol si Mac. Si Derrick ang nag-booby trap sa gusaling pauusukin nila.
Nang maikabit ang huling bomba, nagsimula muling kumilos si Bryce patungo sa pickup na pinlano niyang nakawin. Wish niya may isang mabilis na sasakyang karapatdapat na matawag na getaway vehicle pero good luck naman di ba? Buti nga may pickup pa eh.
‘Yung isa kasi, puting unmarked van na madalas gamitin ng mga kidnappers sa mga pelikula. Mas malaki sana pero medyo mahirap kung gusto nilang bumaril. Walang mga bintana ang van at siksikan silang lahat sa loob.
Again, hindi na siya magrereklamo. Buti nga may pickup pa. Paano kung motor lang ang naroon? O kaya tricycle? Paano sila sasakay lahat d’un eh sampu sila? Not to mention na karamihan sa kanila ay 190 to 200 plus pounds ang timbang.
Kailangan nilang maibalik ang lahat ng mga ni-rescue nila sa base sa lalong madaling panahon at kasama sa instructions sa grupong ito ng mga sundalo ang habulin sila kung sakaling maitakas nila si Mac.
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...