NAPAKAHABA ng flight mula Japan hanggang New York at in-entertain ni Bryce ang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga e-mails kay Ate Mal at sa iba pang mga dog tag girls, sa pagbabasa ng mga libro sa tablet, at sa pangungulit kay Mac habang seryoso itong nagtatrabaho sa sarili nitong laptop.
For a military officer, napansin niyang panay paperwork na rin ang ginagawa nito. When she mentioned it, he said kasama iyon sa ranggo nito. Mula nang ma-promote itong commander, pinagsabihan na ito ng mga nakatataas na bawas-bawasan na ang pagsama sa field, isang bagay na dapat ay ginawa na nito mula pa noong naging lieutenant commander ito.
She knew Mac loved the field pero ipinapakita rin nitong kung hindi na ito sasama sa combat, he was also going to be exceptional at navigating the minefield of command.
She reached over to take his hand and sighed. She loved travelling first class pero ang kapalit ng komportableng leg room at lahat ng in-flight amenities ay may malalaking consoles sa pagitan ng mga upuan. She just wanted to cuddle with Mac. He glanced at her then lifted her hand to his mouth.
Bryce smiled. It was such a simple gesture pero gumuhit iyon sa puso niya. He had always made her feel loved. At bakit nga ba siya nagselos kay Xena, eh nakaraan na ‘yun ni Mac?
She, Bryce, was his present, his future, his forever.
At subukan lang talaga ng babaeng ‘yun na agawin si Mac kay Bryce, magiging forever din ‘yun, forever nang hindi hihinga.
“Bored?” tanong ni Mac.
Tumango siya. “Naubos ko na ang movies na gusto kong panoorin.”
“You can sleep,” anito. “Ten PM na sa body clock natin.”
Lumabi siya. “Gusto kong tabi tayo.”
Tumawa ang binata. “Next time, I’ll book a cabin or something kung merong flight na may gan’un. Or a private plane.”
“Mahal ‘yun,” tawa ni Bryce.
“You’re worth it.”
Aww.
Hindi niya napigilan ang ngiti at ngumisi ang lalaki. She stuck her tongue out at him and blushed. She moved as close to him as she could over the center console at lumapit din si Mac sa kanya. They kissed, a long, slow, gentle kiss, before they pulled back a bit.
Tahimik silang nagkuwentuhan tungkol sa mga balak nilang gawin pagdating ng New York. At gaya ng karamihan sa mga usapan nila, kung saan-saan napunta ang kuwentuhan. And when Bryce finally couldn’t keep her eyes open a few hours later, kinumutan siya ni Mac and kissed her good night before she fell asleep with her hand in his.
---
HALOS alas kuwatro na ng hapon sa New York nang lumapag sila pero sa katawan ni Bryce, it was only about 8 AM. Nakatulog siya nang ilang oras sa eroplano pero nang magising siya, gising pa rin si Mac, nagbabasa. She didn’t think he had slept at all.
“Kumuha na lang tayo ng rental,” sabi ni Bryce nang makuha nila ang mga bagahe. “I can drive.”
Binuksan ni Mac ang isang zippered pocket sa dala nitong bag para kumuha ng isang knitted cap. Isinuot nito iyon sa kanya at tinakpan ang mga tainga niya. It was probably 7 degrees Celsius out.
“May sundo tayo,” sabi ni Mac habang hinihila pataas ang zipper ng jacket na suot ni Bryce para isara iyon.
“Talaga? Sino?”
He smiled at her and kissed her nose. “You’ll see. Halika na.”
Kinuha ni Mac ang kamay niya habang itinutulak nito ang trolley kung saan nila inilagay ang mga dala nilang bags.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...