Fifteen

4K 95 21
                                    

MADILIM pa nang magmulat ng mga mata si Bryce kinabukasan. Ang maririnig lang sa madilim nilang silid ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang malalim na paghinga ni Mac sa tabi niya.

Marahan niya itong nilingon para hindi magising ang lalaki. Nakadapa ito, nakabaling sa kanya ang ulo, nakabaon sa kutson ang kalahati ng mukha. Nakapatong na parang troso sa dibdib niya ang isa nitong maskuladong bisig.

Sa malamlam na ilaw mula sa bintana, pinag-aralan ni Bryce ang mga kurba at anggulo ng malaki nitong katawan. Hubad ang likod ni Mac na nagpapakita ng malapad na mga balikat. Malalim ang guhit na naghahati sa magkabilang banda ng maskulado nitong likod hanggang sa kurba ng pang-upo nitong litaw mula sa kumot na tumatakip sa mga hita nito. Nakabitin sa gilid ng kama ang kabila nitong braso.

Binawi nila kagabi ang buong araw na frustration. Natatawa pa rin siya sa kung paano ipinagtabuyan ni Mac ang mga teammates bago nito isinara at ini-lock ang pinto. Bago siya nito hinatak, hinalikan, hinubaran at inangkin habang nakasandal doon.

They may have a little thing for doors.

Nang sa wakas ay maka-akyat sila sa silid, halos hindi na siya makalakad dahil sobrang relaxed ng kanyang katawan. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang para sa isa (o tatlo) pang beses bago sila tuluyang nakatulog.

Nakahiga sila ngayon sa kama, nasa paanan ang mga ulo at nasa sahig ang mga unan.

Hinalikan niya ang braso ni Mac bago niya iyon inangat at ipinatong sa kama. Narinig niyang bahagyang huminto ang paghinga nito bago ito marahang nagmulat.

Ngumiti siya. “Maaga pa, Commander,” bulong niya bago ito masuyong hinalikan sa mga labi.

Hinawakan nito ang kanyang batok. “Maaga pa pala eh. Huwag ka munang bumangon.”

Bumungisngis siya at muli itong hinalikan bago tumayo. “Training ako. 0600 ang muster.”

Tumihaya si Mac at tiningnan ang digital clock sa side table sa paanan nito. 0430 pa lang.

Huminga ito nang malalim bago tumayo. “Ipaghahanda kita ng breakfast.”

Napangiti si Bryce. Saan pa nga ba may lalaking ganito kaguwapo, ganito kabait, ganito kagaling sa kama, ganito katapang at nagluluto pa ng almusal?

“Oatmeal?” biro niya at tumawa ito.

“Something more than oatmeal.”

Lumapit siya rito at niyakap ito. “Love you.”

“Love you, too.”

Dinampot nito ang isang pares ng kulay puting boxer briefs at kagat-labi niya itong pinanood habang isinusuot iyon ni Mac. Nagtungo lang siya sa banyo para mag-shower nang makalabas ito ng silid.

Sinuot niya ang uniform nila ni Ate Mal sa lahat ng pool evolutions. Naka-swim trunks lang ang mga lalaki sa training (‘yung shorts, hindi ‘yung briefs... baka magkagulo), habang naka-shorts at long-sleeved swim shirt naman silang dalawang babae. Pinatungan niya iyon ng puting T-shirt pagkatapos ay nag-braid ng buhok.

May mahigit isang oras at kalahati pa siya para ibigay kay Mac ang Valentine’s gift niya rito.

Dala ang paper bag ng regalo, lumabas siya ng silid at bumaba ng hagdan. Bumagal ang hakbang niya hanggang sa napahinto na siya sa unang baitang ng hagdan nang makita ang mga bouquet ng kulay pink na rosas at kulay lavender na tulips na nakapatong sa mga flat surfaces ng ground floor.

Sa kusina, nakatayo sa may kalan si Mac, nagluluto ng bacon. Unfortunately, naka-T-shirt na rin ito.

May isang may kalakihang regalo na nakabalot ng lavender na gift wrapper sa counter, katabi ng isang paper bag na may logo ng isang lingerie shop.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon