MAHABA, matagal at maingay ang celebration nila matapos makabalik sa base camp. Hinayaan na ni Senior Chief Elliot na huwag na muna silang mag-debrief. Masyado silang masaya para sa isang performance review sa ngayon kaya nagtungo na lang sila sa beach kung saan naghihintay ang isang celebratory buffet meal.
Maingay ang boodle fight. Kumain silang nakatayo at tumatawang nag-aagawan sa mga ulam at kanin, habang malakas at halos sabay-sabay na nagbibigay ng commentary tungkol sa mga misyong natapos, mga paborito nilang moments, mga dapat at hindi dapat ginawa, mga close encounters, etc.
Magkatabing nakatayo sina Mac at Bryce sa mesa at siniguro ni Mac na hindi nauubusan ng kanin ang babar. Lalo na’t si Apollo ang nasa kabila nito.
Nang matapos ang kainan, tumayo sa harapan nila si Senior Chief at si Mac para sa graduation ceremony. Malapit ang dalawa sa malaking bonfire at nakatalikod sa dagat. Naka-upo sa mga bangko at sa mismong mesa ang senior Sentinels at SEALs habang naka-upo sa isang mahabang bangko sa harapan nina Roarke at Mac ang anim na trainees.
Si Senior Chief ang unang nagsalita. “When I was young—”
“Naku, matagal na ‘yun!” hirit ni Matt at tumawa sila.
“Oo, naka-Pampers pa lang siguro si Bryce n’un,” tawa ni Senior. Joke lang ‘yun dahil ilang taon lang naman ang tanda nito kay Mac. “I was eighteen when I joined the Navy, twenty when I became a SEAL. So, bata pa talaga ako at nang maging Team guy ako, iniisip ko n’un na cool ang maging SEAL. You’re one of the biggest bad asses in a team of the biggest bad assess on the planet, so hey! Masaya lang.
“Then I went on my first mission and realized that I was a bad ass because I needed to be a bad ass in order for me to face everything a Navy SEAL is expected to face... and live through. Kasi kung wala kami, walang tatayo sa harapan ng mga taong walang kalaban-laban, mga walang kaalam-alam kung paano nila po-protektahan ang mga sarili nila. At kung hindi ako sinanay sa paraang kung paano ako sinanay, kung paano kayo sinanay, I would have been a danger to everyone. Doon ko na-realize kung gaano kahalaga ang training ko, n’ung unang beses na sumabak ako sa bakbakan para sumagip ng mga taong walang kalaban-laban. It’s probably the same with the rest of us, both SEALs and Sentinels.
“Alam kong magaling mamili sina Cameron at Mackenzie. They would have chosen only the best people, those who would never use their training against the people they will be asked to protect, those who would jump in front of a bullet to save an innocent life. And they asked us to train those people in order for them to know what to do para hindi nila kailangang tumalon sa harapan ng bala para makaligtas ng buhay.
“You have gone through that training. You have survived, and you have succeeded admirably. And I am proud to say that you’ve exceeded beyond even our highest expectations. And I will say this, and I don’t say this lightly, I will gladly go into battle with each and everyone of you now. Good job, everyone! And congratulations.”
Pumalakpak silang lahat, nag-cheer, at may sumipol. Ngumisi si Senior Chief. “Thank you at hindi nasayang ang practice ko sa speech na ‘yun kanina.”
Muli silang tumawa.
“Commander Herrera? Cameron? Do you want to say anything?”
“Si Cam na lang. Baka maiyak ako,” sabi ni Mac.
Nilingon ng mga baguhan si Cam na naka-upo sa isang mesa sa likuran.
Tumikhim ito bago nagsalita. “Ito, hindi ko pinractice ha. Nasabi na ni Senior,” sabi ni Cam. “Pinili namin kayo hindi lang dahil pinakamagaling kayo sa mga magagaling. This goes for you guys, too,” anito kina Jake, Edward, Francis at Russ. “Pinili kayo hindi lang dahil sa galing ninyo pero dahil sa kung ano’ng nandito,” tinapik ni Cam ang dibdib niya sa ibabaw ng puso. “At alam naming hindi pa kami nagkakamali ni Mac. Sabi nga ni Senior, I will gladly go into battle with each and everyone of you dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko kayong gagawin niyo ang tungkulin ninyo at sisiguruhin niyong iuuwi ninyo ang bawat miyembro ng team ninyo. Good job. Congratulations.”
![](https://img.wattpad.com/cover/11777046-288-k726615.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
Storie d'amoreON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...