A/N: Flashback scene kung paano unang nagkakilala sina Mac at Mallory. Pasensya na po sa mga new readers,
---
KINABUKASAN, parehong maagang nagising sina Mac at Bryce. Magpupunta kasi sina Mac at Mallory sa Cavite nang araw na iyon para tingnan ang mga apartment na uupahan nila kunyari bilang mag-asawa.
Pinag-usapan nila ang mga iyon habang nag-di-dinner kagabi. Nag-take out na lang sila imbis na kumain sa High Street. Sa bahay na lang sila kumain para malaya silang makapag-usap.
Saglit na ni-wish ni Bryce na sana siya na lang ang binigyan ng assignment ng ate niya pero naisip niyang mas bagay si Mallory sa isang serial rapist case. She was looking forward to hearing how her ate castrated the bastard kapag mahuli na ito ni Mallory.
"Baka gabihin kami ni Mal kung matagalan kami pero uuwi rin kami. Titingnan lang namin 'yung mga bahay. Kung sakaling may makita kami, baka sa weekend kami lumipat," sabi ni Mac habang pinapanood niya itong magbihis. "May lakad ka ba ngayon?"
Tiningnan siya nito habang nakadapa siya sa kama, nakapangalumbaba habang nakatingin dito. "Wala pang sinasabi si Lord High and Mighty Ulbrecht pero I'm going to have to move out of the base soon, too."
It was something she wasn't very comfortable about, 'yung kailangan niyang tumira kila Nick dahil magpapanggap siyang girlfriend nitong galing America. She was going to miss sleeping with Mac, waking beside him, having him near. Lalo pa't sa Cavite ito mananatili habang hindi pa tapos ang sarili nitong assignment. Ayaw pa naman niya ng long-distance relationship.
Naupo si Mac sa kama at tiningala niya ito. He stroked her hair away from her face. "Magiging problema ba ang mga kasong 'to sa 'ting dalawa?" he asked with genuine concern on his face.
Nahiga si Bryce para matingnan niya nang maayos si Mac. "Anong klaseng problema?"
He shrugged. "Okay ka lang na magkasama kami ni Mallory sa isang bahay? Na magpapanggap kaming mag-asawa?"
She smiled. "Oo naman," aniya. "May tiwala naman ako sa inyo ni Ate Mal. Hindi ko maisip na itu-two time n'yo kaming dalawa ni Kuya Cam."
Natawa si Mac. "Takot ko lang."
"Papatayin ka n'un!" biro niya.
"Actually, mas takot ako sa 'yo."
Si Bryce naman ang tumawa. Inangat niya ang sarili at hinalikan ang mga labi ng fiancé. "Eh ikaw? Will this be a problem for you?"
He looked at her for a moment before he shook his head. "May tiwala rin ako sa 'yo. This isn't going to be a problem for me."
"Good," she told him and pulled him down to kiss him again.
---
PUMASOK sila sa office at nakitang naroon na sina Ate Mallory at Kuya Cam. Ngumisi si Mal.
"Hi!" bati nito sa kanila. "Hi, new hubby!"
Kumunot lalo ang noo ni Kuya Cam at nagkunwaring nagtatago sa likod ni Bryce si Mac. "Gusto mo ba 'kong mamatay nang maaga?"
Tumawa silang tatlo pero nanatiling naniningkit si Cam. Nawala lang ang madilim nitong ekspresyon nang halikan ito ni Mallory sa pisngi. "Ang baby ko. So possessive."
Malakas na bumulong si Mac sa kanya. "Baby? Mas makapal pa ang balbas sa 'kin eh baby raw?"
Bumubungisngis niyang siniko ang lalaki. "May death wish ka talaga."
Hinatid nila ni Kuya Cam ang dalawa sa garahe. After a last kiss sa kani-kanilang mga fiancé/fiancée, sumakay na sa isa sa mga kotse ng ahensiya sina Mac at Mal at nagmaneho na palabas ng garahe si Mac.
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...