Six

4.8K 102 22
                                    

 * WARNING: This chapter contains a love scene. Reader's discretion is advised. Thank you.

* ACKNOWLEDGEMENT: The Indoc training scene was inspired by [take note, INSPIRED by, not COPIED from] the book Warrior Elite by Dick Couch.as well as various documentary videos on Navy SEALs. According to Captain Couch's book, which is one of the many reference materials I use when writing about SEALs, these things really happen during BUD/S training. 

No copyright infringement intended.

--- 

 “FEET!”

Agad na tumayo si Bryce mula sa kinauupuan sa conference room na temporary nilang classroom nang sabihin iyon ng class leader nila na si Lt. Derrick Trinidad.

Nasa pagitan siya nito at ng isa pa nilang kaklaseng si Apollo na kanina lang ang kakuwentuhan at katawanan niya. Wala na silang imik ngayon.

Nakababa ang mga braso niya at nasa gilid ng kanyang mga hita ang mga palad. Nakataas ang kanyang baba at derecho sa dry erase board ang mga mata.

Noong unang araw ng Indoctrination na pakiramdam niya ay nangyari two thousand years ago, hindi siya kaagad tumayo nang marinig ang salitang iyon pagpasok na pagpasok ni Russel Manalo sa kanilang classroom. At dahil siya ang nahuling tumindig, agad siyang napuna ng lalaki.

Lumapit ito sa kanya at isang minuto yata siyang pinatayo, upo, tayo, upo hanggang sa makuntento ito na natutunan na niya ang leksyon. Pagkatapos, pinag-push up silang anim ng lalaki.

Ikinuwento noon ni Edward Cabrera na berdugo ng mga kadete si Cadet First Class Russel Manalo pagdating sa field training sa PMA. The reputation was well-deserved.

“I take responsibility for my lapse, Instructor Manalo,” sabi niya noon nang sabihin ni Russ na mag-drop silang lahat at mag-push up. Lumapit ito sa kanyang muli at halos pinagdikit ang kanilang mga ilong.

“Of course, you do, O’Connor, and of course, you will. But in my class, no one makes a mistake without everyone paying for it. So, drop,” mariin nitong utos.

“Drop!” sabi nilang anim. And they all dropped to the floor in the classic push-up position na naka-usli ang mga braso at nakalapat sa sahig ang mga palad.

“Give me fifty,” sabi ng sadistang instructor.

“Push-ups!” sabi ni Derrick.

“Down!”

“One!”

“Down!”

“Two!”

“Down!”

Hanggang sa nabigyan nila si Manalo ng five sets of ten push-ups.

“Recover,” sabi lang nito.

Agad silang tumayo.

Hindi umiyak si Bryce noon. Hindi siya bumigay. Ni hindi sumama ang loob niya kay Russel. Kailangan niya ang ginagawa nito.

Nakasuot si Bryce ngayon ng simpleng puting t-shirt, jungle pattern camouflage pants at combat boots. Mahigpit ang pagkaka-French braid ng buhok niya at sinisiguro niyang hindi natatakpan ang batok niya. Malinis ang mukha niya. Wala siyang makeup at walang suot na pabango.

Hindi kumilos ang mga mata niya nang pumasok sa silid si Mac. Hindi niya ito tiningnan. Sa classroom na iyon— heck, sa buong training—he wasn’t even Mac. He was Instructor Herrera.

“Instructor Herrera!” tawag ni Derrick.

At dahil based sa Navy SEAL training ang training nila, terminolohiya ng mga nasa BUD/S training ang mga sagot nila sa classroom. “Hooyah, Instructor Herrera!”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon