NAG-GROCERY sila after breakfast. Kung titingnan ang kilo-kilong karneng binili ni Mac, akala mo magpapakain ito ng isang batalyon.
“Trust me,” sabi ng fiancé nang punahin niya ang binili nito, “tama lang 'yan.”
Agad silang naghanda ng mga lulutuin pagkarating sa bahay. Nanood lang si Bryce habang naghahanda si Mac ng balde-balde yatang marinade dahil napuno ‘yung ibabaw ng island sa kusina. Nag-init lang siya ng tirang mac and cheese para sa lunch nila na kinain nilang dalawa sa kusina bago muling nagpatuloy si Mac sa paghahanda ng mga kakailanganin mamaya.
At three, dumating si Matt kasama ang isa sa SEALs na nakilala ni Bryce sa Japan. Nang yakapin siya ni Matt, akala mo sampung taon siya nitong hindi nakita. Binuhat siya nito at hindi binatawan hanggang sa batukan ito ni Mackenzie.
Mahiyain namang ngumiti ang lalaking kasama nito nang ipakilala ito ulit sa kanya.
“I hope you don’t mind me staying here, ma’am,” sabi ni Lt. Mikey McKendrick, ‘yung Filipino-Irish-American na newly promoted sa Alpha Squad ni Mac. Bitbit pa rin nito ang duffel bag na para bang nahihiya itong ibaba iyon sa sahig o sa kung saan.
“Of course not,” nakangiting sabi ni Bryce. Nasabihan naman na siya ni Mac. Alam niyang bukas ang bahay ng mga Herrera sa mga miyembro ng Alpha Squad kung walang bakante sa BOQ—Bachelor Officer Quarters—o sa BEQ—Bachelor Enlisted Quarters—sa base. Marami rin kasing SEALs ang hindi talaga taga-Coronado. May mga kumukuha ng apartment pero sayang lang ‘yun kung sandali lang naman silang mananatili sa California. Tulad nitong si Mikey na uuwi rin naman kaagad sa New York. Okay lang naman makitulog sa bahay nina Mac pero siyempre, hiyang-hiya naman ang mga ito..
“I’ve readied the guest bedroom for you,” sabi niya rito. “I’ve put out blankets and towels. If you need anything, you just let me know.”
“Thank you, ma’am.”
“Ako nang maghahatid sa kanya,” sabi ni Matt. “Then bababa na kami para tumulong sa kusina.” Binalingan nito si Mac. “Barbecue?”
“Steaks, ribs... lahat ng pwedeng iihaw.”
“Ayus.”
May mga dumating na ring mga bisita nang four PM, karamihan mga teammates ni Mac na kasama ang kani-kanilang mga asawa o girlfriends. Naroon daw sila para tumulong sa paghahanda. Kaya sa nasa labas ang mga lalaki, naglalabas ng mga mesa at upuan, habang nasa kusina naman ang mga babae, naghahanda ng mga pinggan at kubyertos o kaya ay nagluluto.
Likas na mahiyain si Bryce, aminado siya roon pero nang makita siya ng mga misis ng mga married teammates ni Mac at masaya at malugod siyang tinanggap ng mga ito, nadama niyang nag-relax siya hanggang sa naka-upo na siya sa kusina, tumutulong sa paggawa ng salad at nakikinig sa kuwento ng asawa ng isa sa mga chief petty officers ng SEAL Team One.
At six, marami nang tao sa bahay, malakas na ang music at kuwentuhan, mabango na ang hangin sa amoy ng iniihaw na steaks, at God, napapaligiran na si Bryce ng mga macho! Kahit saan siya lumingon, muscles, muscles, MUSCLES!
“Hey,” sabi ni Mac sa kanya nang lumapit siya sa kung saan ito naka-upo kasama nina Senior Chief Elliot, Mikey, Dave at Dan. Tumayo ito para kunin mula sa kanya ang dala niyang mga bowls ng potato chips.
“Hi,” sabi niya at binati rin siya ng ibang SEALs.
“How are you holding up, Bryce?” tanong ni Senior.
“Okay,” nakangiti niyang sagot. “Overwhelmed.”
Tumingin siya sa paligid. Muscles, muscles, MUSCLES!
“Masasanay ka rin,” sabi ni Matt mula sa grill na ni-comandeer nito kanina.
Tumawa siya at tiningnan ang mga iniinom ng mga lalaki. Lahat ng mga ito, kasama si Mac pero bukod kay Senior Chief, ay may hawak na bote ng beer.

BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...