Two

6.7K 129 18
                                    

ALAM ni Mac na unti-unti nang nagshu-shutdown ang katawan niya. Hindi siya nakatulog sa flight mula Maynila hanggang mag-stopover iyon sa Japan bago dumerecho ng New York. Nang lumapag naman ang eroplano, nag-rent siya ng kotse at nagmaneho patungo sa Connecticut kung saan nakatira ang mga magulang ni Bryce. Hindi eksaherado si Ambassador O’Connor. Humigit-kumulang apat na oras talaga niyang kinausap ang dalawa bago siya napatawad ng lalaki sa pagpapa-iyak niya sa unica hija nito. Nang matapos iyon, saka lang siya muling nagbiyahe pabalik ng New York para magtungo sa apartment ni Bryce. Para lamang malamang wala roon ang dalaga.

Medyo natagalan siyang i-disarm ang lock ng apartment nito. Bryce, after all, was qualified to be a Sentinel. Muntik na niyang ma-trigger ang alarm kung hindi lang siya nag-check kung may secondary system ito. Kundi, imbes na sa apartment nito ang reunion nila, baka napapunta pa niya ito sa presinto para bayaran ang piyansa siya. He had been very proud of, and strangely aroused by, that fact.

Nang makapasok naman siya sa apartment, hindi naman siya mapakali sa paghihintay rito kung kaya’t hindi rin siya nakatulog. Kaya ngayon, matapos ang engagement dinner nila, nasa 3% na lang siguro ang battery niya kung cell phone siya.

Nang makarating sila sa apartment ni Bryce, dumerecho sila sa silid nito.

“Talagang apat na oras mong kinumbinsi si Dad na payagan kang pakasalan ako?” nakangiti nitong tanong habang nakatayo sa tapat ng vanity at inaalis ang suot nitong hikaw.

Inalis niya ang pagkakabutones ng suit jacket at hinubad iyon. “Oo,” sagot niya. “Gusto ko na nga sanang kantahan ng Marry Your Daughter kaya lang baka lalo akong tanggihan.”

Bumungisngis si Bryce. “Hindi ka naman sintunado.”

“Sa 'yo, kasi mahal mo ako,” biro niya. “Love is deaf.”

Tumatawa itong umiling bago muling humarap sa salamin. Hindi naman talaga siya sintunado pero hindi rin naman siya mapipili bilang contestant sa The Voice. Alam niya ang weakness at strengths niya. Hindi niya ipinipilit ang sarili. Pagsayawin na lang siya, huwag lang pakantahin nang hindi cadence. Hindi siya magaling magsayaw pero kahit paano alam niyang may rhythm naman siya.

Nanatili sa nobya ang kanyang mga mata. Ibinaba nito ang mga hikaw sa isang pilak na holder bago itinaas ang mga kamay sa buhok nito. Sinundan ng mga mata ni Mac ang graceful na kurba ng batok ni Bryce bago iyon natakpan ng malalambot na hibla ng buhok nang alisin ng dalaga ang pagkakapusod niyon.

Parang nagising yata ang katawan niya. Ibinaba ng binata ang jacket sa kama bago mabagal na naglakad palapit sa nobya. Pumalibot sa baywang nito ang kanyang mga braso bago ibinaon sa mabango nitong buhok ang kanyang mukha.

“I missed you,” bulong niya.

Itinaas ni Bryce ang isang kamay at hinaplos ang tainga niya. “I did, too,” tahimik nitong sagot. “Let’s not leave each other again, okay?”

Tumango siya at hinalikan ito sa batok. Then he lifted his head and his fingers found the clasp of her dress at the back of her neck. Hinila ni Bryce ang buhok sa ibabaw ng isang balikat para maalis niya ang pagkakasara ng damit. Pagkatapos, para i-torture ang sarili, mabagal niyang hinila pababa ang zipper niyon hanggang sa maghiwalay ang malabot na tela at lumitaw ang mas malabot na balat.

He traced the line of her bra on her back as Bryce pulled the dress off of her. It fell to the ground in one, soft heap and she turned towards him, looking up into his face with beautiful eyes and an enchanting smile.

His blood heated and simmered at the sight of her in her sexy lingerie set. Pumikit si Mac at idinikit ang noo sa noo ng dalaga. Nagtungo sa mga balakang nito ang kanyang mga palad at humaplos pataas-baba sa tagiliran nito habang yumayakap ito sa kanyang leeg.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon