Thirty-Four

3.4K 97 20
                                    

IT WAS already Wednesday nang pumasok sina Mac at Bryce sa opisina. Dumating sila ng Pilipinas nang Tuesday morning at dumaan lamang sa office para magpamudmod ng mga pasalubong. Halos gumapang sila pauwi para mag-collapse sa kama at matulog nang twenty-four hours straight para 1) makabawi ng tulog at 2) para makapag-adjust. Kahit kaya ni Mac ang minimal na oras ng tulog, hindi naman siya magpupuyat kung hindi kailangan.

So Wednesday, sabay silang pumasok sa office. May sarili nang mesa si Bryce kasama ng ibang mga specialists at dahil wala pa naman itong assignment, hinayaan muna nila itong mag-organize ng mga personal nitong files as well as review previous case notes para makapag-“aral”. Sa mga batchmates nito, may assignment na raw si Baste na ipinadala sa Cebu para mag-imbestiga ng kaso ng attempted piracy. Ng barko ha, hindi ng mga DVD.

Si Apollo naman ang naatasang maging supplies officer habang wala pa itong assignment. Tulad ni Bryce, nag-a-aral din sina Gage at Mal. At dahil active duty si Derrick, bumalik ito nang pansamantala sa ISAFP at sa weekends lang muna papasok sa opisina nila.

The rest already had their own assignments. May mga tumatatrabaho sa kaso ng mga sibilyan para mapanatili ang cover ng kompanya bilang privately -owned security company habang may mga undercover namang Sentinels na tumutulong sa ilang high-profile military missions.

So far, so good.

Kinusot ni Mac ang mga mata habang nakatingin sa monitor niya. Dalawang araw lang siyang hindi nag-check ng email, mukha na namang post office ang inbox niya sa dami ng unread messages. He could get an assistant. He could! But then they had to have the same level of security he had, and the Navy won’t just give that clearance to anyone.

Hmm... si Bryce na lang kaya? But then again, kung ito ang gawin niyang assistant, para na rin niyang inalisan ang fiancée ng pagkakataong maging tunay na Sentinel. Being his assistant would be a full-time job and she won’t have the time to go on missions. Para saan pang nag-train ito nang gan’un? At sigurado niyang hindi ‘yun magugustuhan ni Bryce.

Inisa-isa niya ang mga email at napatingin sa pinto nang may kumatok. “Come in!” he said.

Bumukas iyon at sumilip si Cameron. His cousin was wearing a black shirt, jeans and sneakers, and his usual stubby ponytail. He looked relaxed and tanned. Nag-beach kasi ito sa Cebu nang dalhin nito roon si Mallory, sa ancestral house ng mga Herrera sa Mactan.

“You busy?” tanong nito.

“I have time,” sagot niya, iniikot ang upuan para harapin ang pinsan.

Isinara ni Cam ang pinto, lumapit sa mesa ni Mac at ipinatong doon ang isang file folder bago naupo. Hinila palapit ni Mac ang folder at binuksan ang file. Bumungad sa kanya ang larawan ng isang teenager na nakatayo sa tabi ng isang kulay pulang Ferrari 458 Spider. Nakapatong ang braso nito sa retractable hard top ng sasakyan at nakaismid sa camera.

“The kid’s name was Larry Carbonel,” sabi ni Cam nang iangat ni Mac ang larawan. “He was killed last week in an attempted carnapping.”

Kumunot ang noo ni Mac. “He couldn’t me more than 17.”

“Eighteen, actually,” buntong-hininga ni Cam. “First year college, anak-mayaman, got himself involved in illegal street racing.”

Kumabog ang dibdib ni Mac nang marinig ang huling tatlong salita.

“His half-brother is a Formula One racer based in Europe. The guy came home to be with their mother and he came to me last Monday, asking for help. Gusto niyang ma-infiltrate ‘yung racing circuit na sinalihan ng kapatid niya.”

Nag-angat ng mga mata si Mac sa pinsan. “You didn’t come to me because you need my help, did you?” he asked quietly.

Mabagal na umiling si Cameron. “I came to you because I’m assigning that case to Bryce.  I wanted to see if you were okay with it.”

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon