Eight

4.2K 93 7
                                    

BRYCE had never been this exhausted, physically and emotionally, in all her life. Noong unang araw, nalaman niyang kulang na kulang pa ang physical training niya nang sumabak sila sa impiyernong PT. Nasigawan siya ng hindi kukulang sa tatlong instructors, kabilang na si Mac, dahil sa bagal niya at kakulangan niya ng pisikal na lakas.

Siya ang naging dahilan kung bakit madalas mapag-push ups ang mga kasama. Siya rin ang dahilan kung bakit napanatiling isang minutong naka-bitin sa parallel bars si Gage dahil nagboluntaryo itong tulungan siya. At siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang swim buddy niyang si Apollo sa timed run dahil hinintay siya nito.

“This is just the first day, O’Connor,” sigaw ni Riley sa kanya. Nanginginig ang mga braso niya habang nananatili siya sa push-up position gaya ng inutos nito. Nakatungo si Commander Riley, nakapatong sa mga tuhod ang mga palad at nakasilip sa mukha niya. “Isipin mo ‘yan. Araw-araw mas mahirap pa dito ang gagawin mo. Isipin mo kung gusto mo pa dahil sinisiguro ko sa ‘yo, madali pa itong ginagawa mo.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi hanggang sa dumugo na iyon pero nanatili siyang hindi kumikilos. At nang ipag-push-up siyang muli, sumunod siya at malakas na binilang ang mga nakumpleto niyang push-ups.

Sa lahat ng mga instructors na nanonood sa kanya, paulit-ulit niyang narinig mula sa lahat ng mga ito ang “isipin mo kung gusto mo pa”. Minsan niyang tinanong kay Mac kung paano nito nalampasan ang sarili nitong BUD/S. Ang sagot ng nobyo, “you gotta want it badly enough.”

And she did. So she stayed.

She ran when she was told to run, dropped when she was told to drop, lifted and carried things, dove into the pool, pushed herself to the limit.

Every day she struggled. Every day she fought. At gaya ng madalas sabihin ng mga Navy SEALs, the training proved that “the only easy day was yesterday”, dahil kahit maabot niya ang sukdulan ng makakaya sa araw na iyon, kulang na iyong muli kinabukasan.

Second week of training, bumiyahe sila patungo sa beach house ng mga Herrera sa Laiya, Batangas kung saan sila magsisimula ng surf training. Doon nalaman ni Bryce na mas madali nang di hamak ang tumakbo sa track o sa damuhan nang naka-combat boots kaysa sa buhangin.

Again, she barely passed the timed run, but she passed. She barely passed the timed swim but she passed. Pero kay Bryce, “barely” was not good enough.

Alas kuwatro ang simula ng daily PT. Alas tres pa lang gising na si Bryce at tumatakbo na sa buhangin. Nang lampasan niya ang marker na nagsasaad na naka-four miles na siya, nagpatuloy siya sa pagtakbo pero pinindot ang timer sa kanyang relo. Twenty-six minutes.

Bumagal siya, nag-cool down bago tuluyang huminto.

Marahas ang paghinga niya pero magaan ang pakiramdam niya. Napatunayan niyang kaya niya. Ngayon kailangan lang niyang ulitin iyon habang kasama ng team.

Naupo siya sa batuhan para hintayin ang simula ng bago na namang araw.

---

MASAKIT na naman ang sikmura ni Mac. Araw-araw siyang ganito mula pa nang magsimula ang training ni Bryce. Masakit ang sikmura niya sa pag-aalala, at sa sama ng loob at galit sa bawat trainer na naninigaw sa fiancée niya gayong minsan na rin niyang sinigawan si Bryce sa pagiging mabagal nito.

Hurt had flashed in her eyes for an instant and he wanted to throw up. But she immediately hid it and ran faster. At iyon ang dahilan kung bakit napigilan niya ang sarili at hindi ito hinila para yakapin at mag-sorry bago niya ito ibalot sa bulak at ilagay sa kristal na pedestal. His fiancée had the heart.

Akala nito hindi niya alam na napaka-aga nitong gumising para tumakbo sa beach. Pinanood niya ito, had timed her runs, and had grinned with fierce pride when she finished her 4 mile run at 30 minutes, at 28 minutes, at ngayon, at 26 minutes. She was a better swimmer now, too, at halatang inaalalayan pa nito ang swim buddy na si Apollo na noon pa lang natutong mag-combat swimming.

Immortal Beloved IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon