Chapter 48: Pain, Times Two

32 1 0
                                    

~Author's POV~

Pagkadating nila Dara at Dina sa bungad ng gym ay naroroon na si Yves at naghihintay lamang sa kanila. Sinalubong sila nito. Niyakap siya nito at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Hi girlfriend. Hi ma'am Dina" bati nito sa kanilang dalawa.

"Hi fafa Yves" bati dito ni Dina.

"So, sinong kalaban niyo ngayon boyfriend? I'm sure, hindi na galing sa COE kasi tapos na iyon" aniya dito. Magkahawak-kamay na pumasok sila sa loob ng gym at natagpuan nila ang mga estudyante nakaupo sa bleachers at naghihintay lamang na magsimula na ang laro.

Inalalayan sila ni Yves na maupo sa isang bahagi ng gym kung saan kitang-kita nila ang dalawang panig. "Taga-COA ang kalaban namin ngayon" anito sa kaniya na ngumiti. "Okay na ba kayo dito? Baka kasi tamaan kayo ng bola doon sa baba kapag doon ko kayo pina-pwesto."

"Okay na okay na kami dito!" sagot niya naman dito. Ngumiti ulit ito sa kaniya.

"Wala ba akong good luck kiss girlfriend?" 

Natawa siya sa tanong nito. Pinalapit niya ito at humalik siya sa pisngi nito. "Okay na po ba 'yan?" tanong niya dito.

"Hmmm. Pwede na din." Sagot nito sa kaniya. "Ready na para sa gyera" anito na naginat pa sa harap nila.

"Fafa Yves, hindi 'yan gyera, basketball lang 'yan. Huwag kang O.A" sambit ni Dina dito na abala sa paglalaro sa cellphone nito na sa tingin niya ang kinaaadikan nito ngayon, temple run.

Natawa dito si Yves. "Gagalingan ko para sayo girlfriend."

"Alam kong magaling ka na boyfriend kaya go na" pagtataboy niya dito. Tumawa ito at humalik muli sa kaniyang pisngi. "Uber na!" aniya dito.

"Dara, nilalanggam ako."

"Maglaro ka na lang diyan Dina."

"Okay sa alright."

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at nagsimulang videohan ang mga naroroon. Una niyang vinideohan ang pwesto ng koponan nila Yves bago ang sa kabilang koponan at ang mga nasa bleachers. 

Nang tumapat sa nasa tabi niya ang video ay gumalaw ang nakaupo doon na nakatakip ang muka ng puting towel. Naka-itim itong uniporme na pang-basketball. Sa tingin niya ay mula ito sa kalabang koponan nila Yves dahil puti ang unipormeng suot nang huli. Bukod pa doon ay may nakasulat ding 'College of Engineering' sa uniporme ni Yves samantalang 'College of Architecture' naman ang sa lalaki.

Nagulat siya ng lumapit ito sa camera at tinanggal ang towel sa mukha nito. Si Kenji! Pawis na pawis ang mukha nito. Halos dalawang linggo niya din itong hindi nakita kaya marahil ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi niya kasi inaasahan na doon sila magkikita.

"Kung ako sa boyfriend mo, kulang pa yung kiss sa cheek para sa isang good luck charm" anito sa kaniya, or sa camera. Hindi niya alam. Alam ba nito na naka-video iyon? Hindi lamang iyon. Nagulat pa siya sa sinabi nito.

"Kenji!"

"Parang nagulat ka bestfriend. COA ako eh, kalaban namin ang COE kaya kami nandito. Minsan na din namin silang nakalaban, talo nga lang sila. Mukhang may balak bumawi, may round two na eh" anito na nakaharap sa pagdadausan ng laban. "Naka-picture ba yan, o video?" tanong nito sa kaniya. Bigla niya ulit itinapat dito ang cellphone niya.

"Uhm. Video?" sagot niya dito.

He smirked! Sa ngayon niya na lamang ulit ito nakitang ngumisi na mas nakadagdag pa sa imahe nito lalo pa at bumagay ang aura nito sa suot nitong itim na uniporme. 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon