Chapter 18: The Lost Ring

62 2 0
                                    

Author's POV

Pagkauwi ni Dara kinahapunan ay inilagay niya sa cabinet kung saan niya itinatago ang mga regalong natatanggap niya, mula sa simpleng papel, simpleng bagay at marami pang iba. 

Iniayos niya ang pagkakalagay ng mga bagong bigay sa kaniya. Magkatabi ang dalawang teddy na binigay sa kaniya, kasama ang smiley na keychain, ang picture nila ng apat na bata at ni Gerald at kinailangan niya pang lagyan ng pako doon para may pagsabitan naman siya ng kwintas na binigay sa kanya ng huli.

Nang mapatingin siya sa hugis pusong box na binigay sa kaniya ni Alissa ay napasigaw siya...

"WWWWWAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! DYLAN!!!!!!!!!!!!"

"Ano yun ate?! Nasan ang sunog?! Saan?!"

"Walang sunog! Hali ka nga dito!" lumapit naman dito si Dylan.

"Ano ba yun at kung makasigaw ka, para kang ewan?" tanong nito kay Dara.

"Tse! Nakita mo ba yung kapares nitong singsing na to?" tanong niya dito.

"Uy wow! Ang ganda niyan ah. Kanino galing?" tanong ni Dylan na hinawakan pa ang isang singsing.

"Heh! Sagutin mo na lang ang tanong ko! Pinakealaman mo ba yang gamit ko diyan?"

"Aba! Bakit ko naman papakialaman yan? Saka ngayon ko nga lang nakita na may sanctuary ka pala ng kung anu-ano mo eh. Bakit ba?"

"Nawawala yung kapares niyan!" naiiyak na sagot niya sa kaniyang kapatid.

"Hala?! Dalawa pala to? Asan yung isa?"

"Hindi ko nga alam!"

"Ewan ko nga sayo ate. Alalahanin mo kung saan mo nilagay yun! Bababa na ako. May basketball pa kami"

Yun lang at lumabas na ito. Napaupo siya sa kaniyang kama habang nakatingin sa singsing.

"Saan ko ba dinala yung kapares mo?" tanong niya sa singsing.

Ang naiwan sa kaniya ay ang singsing na kasiya lamang sa kaniya kaya nagtataka siya kung saan naman napunta ang kapares noon.

Tinanong niya ang kaniyang inay kung may nakita itong singsing ngunit wala ang sagot nito. Ganoon din ang kaniyang itay. Wala din daw itong nakita.

Nagbukas na lang siya ng computer kahit medyo nadedepress dahil sa pagkawala ng bagay na iyon.

Kahit na weird ang sinabi sa kaniya ni Alissa, di niya pa rin mapigilang paghinaan sa pagkawala ng kapares ng binigay nito.

kenji_cute: uy Dara! dapat tulog ka na ngayon ah?

pretty_dara: nadedepress ako

kenji_cute: bakit naman? ano nangyari?

pretty_dara: nawala ang isang importanteng bagay sa akin.

kenji_cute: ha?! wag mong sabihing ang puri mo?!

pretty_dara: sobra ka naman! puri agad?!

kenji_cute: first kiss?

pretty_dara: heh! 

kenji_cute: eh ano pala?

pretty_dara: ah basta! 

kenji_cute: ewan ko nga sayo! itulog mo na lang yan, baka bukas maalala mo

Nagsign out na nga si Dara at pinatay niya na din ang computer.

Nakahiga na siya sa kaniyang kama at nakatingin lamang sa kisame.

"Ang weird talaga ni Alissa. Sino naman ang pagbibigyan ko nito? Saka magkakasya kaya to doon sa pagbibigyan ko?" tanong ni Dara sa kaniyang sarili habang naglalakad sa parke kung saan kasalukuyang maraming tao. 

Napatingala siya sa langit at nagpalinga-linga sa paligid.

(A/N: Balikan ang eksena sa Chapter 16: A Sudden Surprise 2 kung saan nakita ni Dara si Kenji)

Three...

Two....

One...

"HAPPY NEW YEAR!!!!"

"Happy new year sayo Kenji" nakangiting bati dito ni Dara..

"Happy new year din sayo Dara" nakangiting bati naman ni Kenji dito.

Nagulat si Kenji ng bigla siyang yakapin ni Dara. Maya-maya lang ay niyakap niya na rin ito.

"Thank you" pagpapasalamat ni Dara..

"Oh my gosh!"

'Doon ko nahulog yun! Sa parke! Waaaaah! Bakit pa kasi ako nagtatalon eh. Kainis naman yung pagtumalon daw ng one hundred, tatangkad! Nahulog tuloy yung singsing! Tama! Nahulog iyon doon! Ang tanong, bakit ko ba dinala yun?! Waaaaaaaaahh!!'

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon