Chapter 51: Danger and Savior

30 1 0
                                    

~Author's POV~

"Ano na naman bang kalokohan 'yan ha?" tanong ni Kenji kay Miaka. 

"Yun na lang gift mo sa akin."

"Bakit kita reregaluhan?"

"Dahil birthday ko."

"Nung May pa yun ah."

"Eh wala ka pang gift sa akin. So, kiss na lang, sa lips."

"Ewan ko sayo."

"Com'on Kenji-kun. Kiss lang naman."

Tumikhim si Dina. "Mawalang-galang na. Bawal ang PDA dito" anito sa dalawa.

"Dara-chan, nagkiss na ba kayo ni Yves-kun sa public?" walang ka-preno-prenong tanong ni Miaka kay Dara dahilan upang mapaubo siya ng malakas.

"Miaka naman. Anong---"

"Hindi pa sila nagki-kiss sa public. Mahiya naman sa iba di ba?" mataray na sagot ni Dina kay Miaka.

"Pero okay lang naman na i-kiss mo ako sa public Kenji-kun. Fiance naman kita."

"Ano ngayon? Kahit mag-asawa pa kayo, bawal ang PDA, pwede ba?" nabibwisit na sambit ni Dina. Alam iyon ni Dara dahil ganoon ang tono ng boses nito kapag nabibwisit ito.

Hinila ito ni Dara upang bulungan. "Bakit makapag-react ka, wagas? Type mo si Kenji ano?"

"Excuse me lang Dara Mae ah. Hindi ko type 'yang lalaking 'yan. Ayoko lang ng PDA masiyado. Tama na yung sa inyo ng boyfriend mo. Pero sa maarteng babaeng to, huwag na, sabunutan ko pa siya."

Kinurot niya ito sa may tagiliran at napa-aray naman ito. "Huwag ka ngang ganyan."

"Maka-chan, she's right. That's public display, nakakahiya sa mga tao." sang-ayon ni Takenaga kay Dina.

"Oh, tignan niyo. Pati tong supladong bwisit na hapon na 'to, sumasang-ayon. Kaya pwede ba..."

Tinignan ito ng masama ni Miaka. Ganoon din ang ginawa ni Dina dito. Mukhang hindi magkakasundo ang mga ito ah. 

Napatingin na lamang si Dara kay Kenji na natagpuan niyang nakatingin din sa kaniya. Nauna itong mag-iwas ng tingin bago tinanggal ang kamay ni Miaka na na nakalingkis sa braso nito. 

"Hindi ako basta-basta nanghahalik kaya tigilan mo ako Miaka" anito bago umalis doon.

"But..." hindi na ito napigilan pa ni Miaka.

"Ayan, napapala" bulong ni Dina. Siniko niya ito.

"Tumigil ka nga."

Napatingin na lamang siya sa papaalis na si Kenji.

"Hindi ako basta-basta nanghahalik..."

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang magiging reaksyon sa sinabi nitong iyon. Ibig sabihin, hindi pa nito nahahalikan si Miaka kahit na fiance nito, ito?

"Taka-chan! Follow him..." utos ni Miaka kay Takenaga. Akma namang tatayo si Takenaga upang sundin ito ngunit pinigilan ito ni Dina.

"Bakit niya naman susundan ang umalis na? Saka kung gusto mo siyang sundan, aba! Ikaw ang kumilos. May klase pa kami kaya hindi kami pwedeng sumunod sa taong nag-walk out na. Tara na Dara" ani Dina na hinila si Takenaga at nauna na ang mga itong maglakad.

"Sorry Miaka. Mauna na kami sa iyo" hinging paumanhin ni Dara kay Miaka. Ngumiti naman ito ng tipid sa kaniya bago niya ito tinalikuran at sumunod sa dalawang nauna nang naglakad paalis. 

Bagama't napapaisip pa rin si Dara kung babalik kay Miaka at sasamahan na lamang ito ay hindi niya maiwasang mapangiti sa dalawang pigurang nauuna nang maglakad kaysa sa kaniya.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon