Chapter 22: Can I?

62 1 1
                                    

Dara Mae's POV

Ang weird talaga ni Yves noong isang linggo. Pero hindi na katulad noong huli naming paguusap ang mga nangyari noong mga sumunod na araw. Ganoon ulit ang pagiging magkaibigan namin. At syempre, super crush ko pa rin to..hehe

Syempre mahirap naman na ipagkailan na may gusto ka pa rin sa isang tao no. Pero hindi ko pa rin talaga nakakalimutan yung nakita ko. Nakakashock naman talaga iyon no? Ang inosente kong mata!

"Dara, kamusta na kayo ni Kenji ha?" tanong ni Valerie sa akin. Tong babaeng talagang to. Iniisip ko tuloy, baka crush nito si Kenji tapos kunwari pa. hmmm...

"Bakit ba tanong ka ng tanong tungkol kay Kenji ha? Crush mo siya no?" tanong ko naman dito.

"Eksmyuski Dara, sayo ko nga inaasar yun di ba?" depensa naman nito.

"Ewan ko nga sayo"

"Bakit ba tungkol ng tungkol kay Kenji ang tinatanong natin eh andyan naman si Yves. Uy Dara, pansin namin, close ulit kayo ni Yves ah. Anong nangyari ha?" tanong naman ni Jessica. Dakilang bruhang to na tanging naniniwala na may DaVes na love team, Yves and Dara pag pinagsama. Sabi naman ni Valerie, mas maganda daw kung KenDara. Mga lang hiya tong mga bruhang to eh. Ako lang talaga ng ako?

"Wala naman. Ganoon din naman kami dati pa ah?"

"Pero super crush mo pa rin siya di ba?"

"Oo naman!" shocks! "Charot lang yun"

"Naku! Nasabi mo na eh. Ipagkakaila pa. Saka okay lang yun. Super crush lang naman eh. Di mo naman inaagaw si Yves sa girlfriend niya eh." sabi ni Karen.

"Korak! Saka sa tingin talaga namin, mas bagay kayo ni Yves kesa sila noong second year na yun. Ewan ko ba kung ano ang nakita ni Yves sa babaeng yun. Malandi naman yun" sabi naman ni Meryl. 

Ha? Anong malandi ang pinagsasabi nito eh mabait kaya yung girlfriend ni Yves. Ah! Baka kaya lang nito nasasabi yun kasi dala ng emosyon. Mga loyal talaga to saking mga bruhang to.

Author's POV

Hapon na at ang ibang mga taga-Rizal ay nagsiuwian na. Si Dara naman ay nagpresentang siya na lamang ang magtatapon ng mga basura. Tutal, sila naman ang cleaners ng araw na iyon.

Matapos itapon ni Dara ay napadaan siya sa bagong gawang building sa school nila. Hindi ang building ang nakaagaw ng pansin niya kundi si Yves na nandoon at nakaupo. 

Dahan-dahan siyang lumapit dito ng walang ginagawang ingay. Napansin niyang parang sumisinghot ito. Umiiyak ba ito?

Naramdaman ni Yves na hindi lamang siya ang tao doon. Nagangat siya ng tingin at nakita niyang nakatayo sa kaniyang harapan si Dara. May pagtataka at pagaalala rin na nakarehistro sa mata nito.

"Naiyak ka ba?" tanong nito sa kaniya. Muli siyang yumuko upang punasan ang luha na nasa kaniyang pisngi.

"Naiyak ka nga!" sabi nito. Naramdaman niyang umupo ito sa kaniyang tabi at maya-maya lamang ay may nakalahad ng panyo na hawak nito.

Tinignan niya ito na may pagtataka.

"Sige lang. Iyak lang. Hindi ako magtatanong kung bakit basta ilabas mo lang yan. Mananahimik lang ako dito" sabi nito sa kaniya. Kinuha niya ang panyo na hawak nito at ipinunas sa luhang muling lumandas sa kaniyang mukha.

Napaisip tuloy siya ng dahilan ng kaniyang pagiyak. Pero wala siyang balak na sabihin dito kahit pa alam niyang makikinig ito sa kaniya. Parang ayaw niyang ibahagi sa iba ang pinoproblema niya. Yun ba talaga ang pinoproblema niya?

Pakiramdam niya nga ay kaya lamang siya naiyak dahil malaki ang naibigay niya sa bagay na iyon. 

"Kung ano man ang problema mo, masosolusyunan mo din yan. Pagisipan mo lang mabuti." tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Pwede mong ishare sa akin paghanda ka na" sabi nito na tumayo. "Paano yan, mauna na ako sayo. Baka ayaw mong may nakakakita sayong umiiyak. Wag kang magalala, kakalimutan ko ang nakita ko ngayon" yun lang at umalis na ito.

Napatulala na lamang siya sa paalis na pigura nito.

Pwede ba kitang mahalin?

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon