Chapter 10: The Song

96 1 0
                                    

Dara Mae's POV

Math Festival sa school namin ngayon. Mga piling year level at section lang ang excuse at isa kami sa mga iyon..mwhahahaha! Ngayon kasi ay kasali kami sa dance contest na isang linggo rin naming pinaghandaan. Sa first day ginanap ang dance contest na sasalihan namin. Dalawang araw kasi ang festival. 

Nauna kaming pumunta sa school library kung saan gaganapin ang nasabing contest. Andoon na ang ibang mga kalahok. Grabe! Halatang pinaghandaan ng mga ito ang contest. Kami din naman. Kaya nga lang, wow! Bongga ng mga costume nila samantalang sa amin, simple lang. At least buong section ang nagtulong-tulog para mabuo ang costume namin. Actually, girls lang ang kumilos, sa finance naman ang boys. 

"Rizal, dito kayo" narinig namin ang boses ni Cheska, isang taga-Mabini rin ito. Kapansin-pansin na close ang section namin di ba? Nagsimula lang yaan noong third year pa lang kami. Medyo nagkakahiyaan pa kasi noong mga unang taon namin sa high school.

Habang naghihintay ng number namin ay nagpicture-picture muna kami. 

Gusto ko pa ngang bigyan ng award ang sarili ko ng tabihan ko si Yves at nagsabing magpicture kaming dalawa. Buti at pumayag naman ito.

Tuwang-tuwa ako at marami ang nag-cheer sa amin ng kami na ang sumayaw. Kaya naman, lahat kami ay full energy talaga sa performance na pinakita namin.

Nang Mabini na ang nagperform ay todo suporta din ang ginawa namin tulad ng ginawa ng mga ito ng kami ang nagperform. Doon ko unang napanuod na magsayaw si Yves. Noong kasing unang contest na sinalihan namin, di ko naman siya nakitang sumayaw kasi kasali din naman ako sa sayaw. Ngayon ngang napanuod ko na siya ay masasabi kong magaling siyang sumayaw, hindi man kasing galing ni Gerald.

Kinongratulate namin ang bawat isa. Maya-maya ay may naramdaman akong tapik sa likod ko.

"Galing niyo!" iyon ay si Yves.

"Kayo din naman eh. Ngayon lang kita nakitang magsayaw. Ang galing mo pala"

"Salamat" 

Maaga kaming umuwi ng araw na iyon.

Paguwi ko sa bahay ay nagpalit ako ng damit. Doon ko nalaman na may nakadikit pala sa likod ko. Isang sticky note. 'Congrats! Ang galing niyo. For sure kayo ang first'

Iyon ang sabi sa note. Ng maalala kung sino ang nagdikit sa likod ko noon ay napangiti ako. Inupload ko agad ang mga pictures na nakuhanan ko kanina. Ang picture na kasama ko si Yves ay sinave ko sa computer namin. Ha! Remembrance din to!

Kinabukasan ay late na akong pumasok. Second day kasi ng math festival at puro activities lang naman ang gagawin. Tulad ng mga nakaraang math festival ay hindi ako sumasali sa mga activities na yun. Pumapasok lang ako para sa attendance.

Nasa labas ako ng room at nagbabasa ng nobelang nahiram ko kay Jolina ng lumapit sa akin si Rick hawak ang gitara nito. Kasama ko din ito sa organisasyon at magaling kumanta. Kasama nito si Yves. Kinakanta ni Rick ang kantang 'Walang Iba' na usung-uso ngayon sa radyon. Ang ganda talaga ng boses nito kaya maraming fans eh.

Maya-maya ay si Yves na ang may hawak ng gitara.

"This song is dedicated to Miss Dara Mae Perez dahil masiyado siyang busy sa kaniyang pagbabasa."

Tinutugtog na nito ang isang pamilyar na kanta. Pamilyar to sa akin dahil paborito ko ito!

"Wow! Nothing's gonna change my love for you! Paborito ko yan!"

"Talaga? Paborito ko din to eh. At ngayon ko pa lang tutugtugin simula ng mapagaralan ko ang chords"

"Ganoon? Sige nga! Pakinggan nga natin"

At kinanta na nga nito iyon. Ang galing din nitong kumanta. Hindi man kasing ganda ng boses ni Rick, may sarili naman itong istilo sa pagkanta. Ngayon ko lang nalaman na napaka-talented pala ni Yves Jake De Asis.

Pagkatapos ng kanta ay tinaas pa nito ang dalawang kamay at sabay sigaw ng "thank you".. Natawa na lamang ako dito.

Ng gabing iyon ay kinuwento ko ulit kay Kenji ang nangyari ng araw na iyon. Pansin ko ngang nagiging diary ko na ata si Kenji dahil lahat na lang ng pangyayari sa buhay ko ay kinukwento ko dito.

kenji_cute: ang baduy naman! Old style pala gusto mo

pretty_dara: tse! palibhasa kasi, di ka marunong kumanta!

kenji_cute: sino nagsabi sayong hindi ako marunong kumanta ha? baka ma-in love ka pag narinig mo akong kumanta! ha!

pretty_dara: sows! saka ka na magyabang pag narinig ko na ang boses mo habang nakanta.

kenji_cute: sige ba! basta wag kang maiinlove sakin pag narinig mo boses ko. ha! sinasabi ko sayo hija, baka malimutan mo ang Yves na yan.

pretty_dara: toinks! yabang!

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon