Chapter 35: First Official Date, A Double Date? Part 1

27 0 0
                                    

~Author's POV~

Napabalikwas ng bangon mula sa kama si Dara na hinihingal. Napatingin siya sa paligid. Nasa kama niya siya, habang maayos namang nakaayos ang kama ng kaniyang kapatid. Napatingin siya sa labas ng bintana. Umaga na.

"Panaginip..." naisambit niya ng mapatingin siya sa damit niya. Iyon pa rin ang suot niya. Tumingala siya upang tignan kung totoo ba o panaginip lang ang lahat.

Wala ang bituin at buwan na sa panaginip niya ay idinikit ni Kenji doon.

"Panaginip lang talaga..." muli niyang nasambit.

Dumako ang kaniyang kamay sa kaniyang mga labi. Pero bakit parang totoo? At bakit ba ganoon ang napanaginipan ko? Weird. Grabe!

Bumangon na siya mula sa kaniyang kama at inayos ang kaniyang kumot. Iniisip niya pa rin kung bakit ganoon ang nasa panaginip niya. Na imbes na si Yves ay si Kenji ang napanaginipan niyang humalik s a kaniya. Napailing siya upang itaboy ang isiping iyon at nagpatuloy sa pag-aayos ng kaniyang kama. 

Humarap siya sa salamin at nakitang medyo gulo ang kaniyang buhok. Inayos niya iyon gamit ang kaniyang kamay. Marahan niyang sinampal ang kaniyang magkabilang pisngi upang tuluyan na siyang magising nang biglang napansin niya ang isang bagay na nakakabit sa kaniyang kamay.

Bracelet? Nakita din niya ang kapirasong papel na nakapatong sa upuan na malapit sa kaniyang kama. Kinuha niya iyon.

"Ayan, suot mo na regalo ko. Ibang klase ka din ano? Nag-brown out lang, nakatulog ka na. Takot ka sa dilim ano? Hmmm. Pam-black mail din 'to. Haha. Happy birthday iyakin - K"

Napailing na lamang siya at ibinulsa ang papel. Tinitigan niya ang bracelet. Napangiti siya. Moon at star ang design noon bagamat iisa lang ang moon na siyang pinakamalaki doon.

Natagpuan ni Dara na nakaupo na ang kaniyang itay sa hapag-kainan at inihahanda naman ng kaniyang inay ang mga pagkain. Mayamaya lang ay dumating na ang kaniyang kapatid na pawis na pawis at nagpupunas gamit ang tuwalya. 

"Ang baho mo Dylano. Basketball na naman" pangiinis niya dito.

"At least nage-exercise ako hindi katulad ng isa diyan na tumataba na" ganti nito sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang katawan. Tumataba daw?

"Magsalamin ka na nga. Anong tumataba? Sexy kaya ako, di ba 'tay?"

"Oo naman anak. Mana ka sa nanay mo" sagot ng ama nila at napatingin siya sa kaniyang kapatid na may pagmamalaki sa mukha.

"At least parang ako si itay. Mahilig sa sports, guwapo pa" hindi papatalong sabi nito.

"Dylan anak, mahilig ka nga sa sports at guwapo din, pero hindi tulad ng itay mo na marami nang babaeng dumaan sa buhay nang nasa edad mo ako" pambubuska ng kaniyang ama dito. Natawa siya ng malakas maging ang kaniyang inay.

"Alam mo na ang gagawin Dylano. Papatalo ka ba kay itay eh di ba idol mo siya?" aniya sa kapatid na ikinatawa ng kanilang magulang.

"Heh! Ewan ko sa inyo" naiinis na sabi nito at naglagay na ng pagkain sa plato. Akmang susubo na ito ng tapikin ito ng malakas ng kanilang ina. "'Nay naman!"

"Anong 'nay naman? Magdasal muna tayo" tumahimik na lamang ito at nagdasal na sila sa pamumuno ng kanilang ama.

"Anak, boyfriend mo ba yung kasama mo kagabi? Ang bait ng batang iyon. Gaano na ba kayo katagal na magkakilala?"

"Hindi ko po siya boyfriend. Bestfriend ko po yun si Kenji at mahigit isang taon ko na din po siyang kilala"

"Ganoon ba? Gusto ko pa naman siya" sabi ng kaniyang ina. "Bagay kayo" 

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon