Chapter 17: The Personalize Gift

67 2 0
                                    

Dara Mae's POV

Ang bilis namang matapos ng bakasyon!! Ibalik niyo ang December!! Ayoko pa mag-January..hay naku.

Bakit ayoko pa mag-January? Unang-una sa lahat, tapos na ang panandaliang bakasyon. Naku Dara Mae! Kaya nga panandaliang bakasyon kasi madali lang talaga. Halos dalawang linggo nga lang na walang pasok pero bakit parang pakiramdam ko, ang bilis lang talaga? 

At ang pangalawang rason kung bakit ayaw ko pang bumalik sa school, bigla ko kasing naalala na ang pagbabalik sa school ay ang pagharap kay Yves. Hay..

Pero hindi! Wala kang dapat ikatakot Dara Mae! Dapat nga matuwa ka dahil makikita mo na ulit yung crush mo. Si Gerald Macaraig! Mwhahahaha!

Oh ha? Pinanindigan ko na.. Crush ko di Gerald Macaraig, ang Presidente ng Performing Organization ng MAPEH..

"Uy classmates! Musta ang Christmas vacation niyo? Pati na rin New Year niyo? Ano ginawa niyo?" tanong ni Karen sa amin. "Eto si Dara, alam na namin ni Valerie kung ano ang ginawa niyan nung bakasyon. Di ba Val?"

"Oo nga! Tumatawag sa kaniya si Kenji!" pagsakay naman ni Valerie dito. Nakakainis naman! Mukhang mapagtitripan pa ako ah!

"Talaga? Share kayo dali" sabi naman ni Sheena.

At ang dalawa nga ay nagshare! Tandem pa sila! Wapak!

Napailing na lamang ako sa mga ito. Paano ba naman kasi, kuntodo ang kwento nung dalawa samantalang attentive naman na nakikinig iyong iba. Wow! Paano na kaya pag sinabi kong nakita ko na din si Kenji, baka mahimatay lahat ng mga to. Tapos pag nagising na, kawawa na naman ako. Tanong dito, tanong doon.

Napadako ang tingin ko kay Alissa na nahuli kong nakatingin sa akin sabay ngiti.. Creeeeeeeeepppppyyyyyyy!! Anong nangyayari sa mundo ngayon?

"Dara beybeh, may naghahanap sayo" narinig kong sabi ni Patrick na kakapasok lang ng classroom.

"Sino yan Patrick beybeh?" tanong ko dito at tumayo naman para makita kung sino ang tinutukoy nitong naghahanap sa akin. 

Pagtingin ko sa labas ay nagulat ako kung sino ang nandoon. "Gerald?" anong ginagawa nito dito??

"Uhm... Hi" bati nito.

"Hello. Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko dito.

"Ahhh.. May pinapabigay sayo yung apat" sabi nito.

"Sinong apat? Ah! Yung mga kambal! Ahahaha. Ano yun?" tanong ko dito. Doon ko lang napansin na may dala itong mga nakakahon.

"Ito" Inabot nito sa akin ang tatlong kahon. "Yung box na blue, gawa nina Jake at Trina. Yung box naman na pink ay gawa nina James at Trixie" pagpapaliwanag nito.

"Ah.." Inalog-alog ko ang dalawang box. "Hmm.. Pakisabi sa kanila, salamat ah. Naku! Wala akong regalo sa kanila!" sabi ko dito.

"Okay lang yan. Sige, aalis na ako" 

"Saglit lang!"

"Bakit?"

"Kanino naman galing tong nasa red na box?"

"Ah ayan ba? Ah basta. Alis na ako"

"Teka lang ulit! Paki-bigay naman nito doon sa apat" lumapit ako dito.

"Ano yu-" marahil ay nagulat to dahil bigla ko na lamang itong hinagkan sa pisngi ng apat na beses. Hindi naman ako naiilang kasi sanay ako ng ganoon.

"Ayan. Thank you ulit" ngiting-ngiti ako pagharap ko dito lalo na ng makita kong pulang-pula ang pisngi nito. Nakakatuwa naman siyang pagmasdan! 

"Ah. S-sige. B-bye" yun lang at umalis na ito.

Pumasok naman ako sa classroom at inilapag sa upuan ko ang tatlong kahon.

"Uy! Kanino galing yan?" tanong ng echoserang si Valerie.

"Dara beybeh! Pinagseselos mo talaga ako no?" paghihimutok ni Patrick.

"Ahahaha! Patrick beybeh, wag ka nang magtampo" sabi ko dito.

"Galing yan kay Gerald! Hindi niyo ba nakita na kakagaling lang niya dito at pulang-pula ang mukha ng umalis? Ahahahah!" sabi naman ni Karen.

"Kinilig masiyado!" sigaw ng lahat.

Halaaaaa! Mga issuesera talaga tong mga to.

Binuksan ko ang kulay asul na kahon. Isang kulay asul na panyo ang nakita ko doon at may teddy bear na may nakasulat na 'Smile' sa puso na nasa tiyan nito. Napangiti ako. Siguro ay naalala ni Jake yung pagiyak ko ng araw na iyon.

Sunod ko namang binuksan ang pink na kahon. Isang keychain naman na smiley, isang pink teddy bear na may 'Smile' din na nakasulat sa puso na nasa tiyan din niyon. Bawat kahon ay may nakalagay na sticky note na may sulat kamay na "Pasensya na sa gift namin ate Dara. Punta ka ulit dito ah. Laro ulit tayo. Smile palagi =D"

Ang mga bata talagang ito!

Huli kong binuksan ang pulang kahon. Isang kwintas ang nandoon na parang gawang-kamay. Ang cute ng mga disenyo ng kwintas. May puso, smiley, bear, star at kung anu-ano pa. May note din na nakalagay na "Thanks for playing with us. Laro ulit tayo sa susunod =) - Gerald" . Gerald! Kay Gerald pala galing yun! May picture din na kasama ang regalo nito. 

"Ito yung picture namin nun!" kuha iyon noong nasa playground kami. Nagpapicture kami noon bilang remembrance daw sabi ng mga bata. Hindi na halata ang pamumugto ng mata ko noon. Ang ku-cute ng mga bata. At sa picture..nakangiti din si Gerald. Himala!

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon