Chapter 40: Something New

36 1 0
                                    

~Dara's POV~

Nagising ako sa sakit ng ulo. Grabe! Hang over, saklap. 

"Aw...aw...aw..." okay, ako na mukhang aso. Ang sakit talaga! Wine lang yun, promise! Dagdag pa ang sakit ng leeg ko. Nice, may stiff neck pa ata. 

Habang hinihilot ko ang aking batok ay napatingin ako sa paligid. Ang dilim ata? Anong oras na ba? 

"Ang sakit talaga" bulong ko sa sarili. Nakita ko ang cake na ginawa ni Kenji kagabi at ang isang slice sa platito ko na hindi nagalaw. Natakam na naman ako at agad na kinuha ang tinidor at sumubo. 

Habang subo-subo ang tinidor ay napatingin ako sa tabi ko. Tulog pa rin sa Kenji, at nakaupo pa rin siya. Tatag naman ng isang ito. 

Dahan-dahan kong ibinaba ang tinidor sa platito upang hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Kumilos din ako ng dahan-dahan. Baka magising ko tong lalaking ito eh. Success! Hindi siya nagising, naayos ko pa ang upo ko upang mas lalo ko siyang mapagmasdan habang natutulog.

"Ang cute mo naman matulog" inayos ko ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha nito. Ang lambot pala ng buhok ng mokong na to kahit laging naka-gel? "Para ka namang angel matulog" hindi ko napigilan ang sariling i-trace ang ilong nito. Ang cute! "Cute din kaya ako kapag natutulog? Ay! Mukha siguro akong Diyosa!" sambit ko habang nasa labi na nito ang kamay ko. Ang kissable ng lips! Ang swerte naman ng makakahalik.

"Walang Diyosa na nakanganga kapag tulog" hala! Sumagot.

"Kenji, tulog ka na nga, ang sama mo pa rin" umangat ang sulok ng mga labi nito. Gising na! "Gising ka na?"

"Saang planeta ka ba galing?"

"Bakit nakapikit ka pa kung gising ka na?"

"Lahat ba ng gising, dapat, nakadilat ang mata?"

"Oo!" 

"Silly" sagot nito na ngumiti pa. Unfair! Parang walang pinagbago mapa-tulog o gising tong lalaking to! Gwapo pa rin.

"Ang bango naman ng hininga mo. Siguro, habang tulog, nagsi-sleep walk ka at nagtu-tooth brush no?"

"Napasukan ba ng hangin 'yang ulo mo ha?"

"Hindi. Pero masakit talaga ang ulo ko. Pati na din batok. Pahinging gamot."

"Tinatamad akong tumayo."

"Sige, mamaya na lang tayo tumayo" ipinatong kong muli ang ulo ko sa balikat nito. "Hindi ba sumakit ang balikat mo?"

"Syempre masakit. Ang bigat kaya ng ulo mo"

"Ang sama mo!" ang lakas ng tawa ng unggoy. Parang music lang. Ang unfair talaga! Guwapo, maganda boses, mayaman, matalino, lahat na! Perfect na!

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

"Gandang tanong. Okay lang naman maliban sa headache at stiff neck. Ang ganda ng panaginip ko!"

"Ano namang napanaginipan mo?"

"Hmmm. Ako daw si sleeping beauty tapos hinalikan ako ng prince charming ko at nagising daw ako. Kaya lang, kapag gising ko, wala na siya. Hindi ko nakita yung prince charming ko."

"Bakit kailangan mo pang hanapin eh si Yves lang naman yun."

"Tama-tama. Ang sarap talaga nitong cake mo Kenji. Parang ganito din yung lasa nung kinain natin nung new year" sabi ko dito na muling sumubo ng cake. 

Hindi naman ito nagsalita at binalot lang kami ng katahimikan.

"Ano ba kasi ang feeling na mahalikan?" naitanong ko sa kawalan. Natawa naman ang lalaki sa katabi ko.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon