Chapter 31: The School's New Heartthrob 1

31 0 0
                                    

~Author's POV~

"And that's all for today. Class dismissed" anunsiyo ng professor nila Dara. Pagkasabi niyon ay agad siyang tumayo at kinuha ang kaniyang bag.

"Dina, punta tayong library." anito sa kaibigan.

"Tara. Hanapin na natin yung book na sinasabi ni sir Jhun at nang makagawa na tayo ng assignment." 

Pagkalabas nila ng silid-aralan ay nagsisilabasan na rin ang ibang estudyante mula sa kanilang sariling silid-aralan kaya naman matao ang corridor ng mga oras na iyon.

Tatlong linggo na ang nakakaraan ng magsimula ang klase.

"Alam mo ba, nung bakasyon pa 'to eh. May nakilala akong babae, ang ganda niya. Para siyang barbie. Sa kaniya nga galing 'tong iphone na gamit ko eh" 

"Ano 'yan, binigay niya sayo?"

"Parang ganoon na nga. Pamalit daw niya sa cellphone ko na nahulog sa man-made lake dito. Hindi ko nga tinatanggap kasi, hello, mamahalin kaya 'to. Eh tanggapin ko daw. At grabe! Nosebleed ako doon, english spokening dollar ang peg teh!"

"Wow ah! Eh nasaan na yun ngayon?"

"Yun na nga. Tatlong linggo na tayo dito, ni hindi ko pa nakikita yun." 

"Baka naman nandiyan lang yun sa tabi-tabi. Ang laki kaya ng campus na 'to saka hindi mo din alam kung anong course niya. Himala na lang kapag nakasalubong mo siya diyan sa tabi-tabi"

"Ay ewan." 

Pagkadating nila sa library ay iniwan nila ang gamit nila sa counter at umakyat na papunta sa seksyon kung saan nila hahanapin ang librong kailangan nila. 

May nakuha na siyang libro at kasalukuyang naka-upo sa isa sa mga pwesto doon habang abala naman si Dina sa paghahanap ng libro. 

"Nakita mo na yung guwapong guy na architecture student? Grabe! Kahit batiin niya lang ako ng hello, pwede na akong pumunta ng heaven!" bagamat nasa library ay rinig na rinig ang tinig na iyon ng babae na nakaupo sa upuan sa likuran ni Dara. Binalewala niya iyon pero talagang ang ingay ng dalawang babae na naroon. Rinig na rinig niya ang mga pinagsasabi ng mga ito.

"Oo nga. Ay grabe! Kahit ngiti lang masaya na ako" sagot naman ng isa.

"Tingin lang, huling hirit, tingin lang" muling sabi ng unang nagsalita.

Napailing na lamang siya ng sawayin ito ng librarian. Ibang klase pala kahit sa kolehiyo. Parang high school din kapag kinikilig. Mas maingay nga lang sa high school.

"Ang hirap namang hanapin ng librong 'to" reklamo ni Dina na ngayon ay umupo na sa bakanteng pwesto sa harap niya. 

"Baka nagiisa lang" tugon niya dito.

"Tama ka! Nagiisa lang talaga." sagot nito. Hindi niya na inalam kung anong libro iyon at nagpatuloy na lamang siya sa pagsasagot. "Teh, seryoso much?" bulong ni Dina.

"Syempre. Para petiks na lang mamaya" tugon niya naman dito.

"Uy Dina. Alam mo ba kung sino yung tinutukoy ng dalawang estudyante sa likod ko?"

"Bakit? Ano yun?"

"Guwapo daw galing sa College of Architecture. Alam mo ba kung sino?"

"Malay. Maraming guwapo doon eh. Isa na doon si Charles. Yung lalaking tinuro ko sayo dati nang nakasalubong natin yun?"

"Ah! Yung lalaking kulang na lang ipagsigawan mo sa mukha na gusto mo siya? Yung lantarang pagturo na kulang na lang talaga ay lumubog na ako sa lupa?"

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon