Chapter 36: First Official Date, A Double Date? Part 2

30 0 0
                                    

~Author's POV~

"Ang ganda ng movie na yun! How touching" sambit ni Miaka ng makalabas na silang apat sa sinehan. Naka-pulupot ang kamay nito sa braso ni Kenji kagaya nang makita ito ni Dara kaninang nasa Tokyo-tokyo sila ni Yves.

"Oo nga. Naiyak talaga ako doon" sagot naman ni Dara.

"Same here Dara-chan!" segunda ni Miaka dito habang nananatiling tahimik lamang ang dalawang lalaki. Nakatingin lamang si Yves kay Kenji na nakatingin naman sa ibang direksyon. Nagtaka siya nang bahagya itong yumuko at ngumiti. Bakit kaya?

"So, Yves-kun, since pareho naman tayong nasa date, can we just make this as a double date para masaya?" narinig niyang tawag sa kaniya ni Miaka. Nakangiti nitong hinihintay ang kaniyang sagot. 

Tumingin siya kay Dara. Parang hinihintay lang din nitong sumagot siya. "So?" untag sa kaniya ni Miaka.

"Uhm. Okay." naisagot na lamang niya.

Nauna nang maglakad ang dalawa habang nakatingin lamang siya kay Dara na tumingin din sa kaniya at ngumiti. "Mag-enjoy na lang tayo, okay?" sabi nito sa kaniya.

Ngumiti siya at inilahad dito ang kamay. "Can I?" Napatingin ito sa kaniyang kamay at nakangiting tumingala sa kaniya. Tumango ito at tinanggap ang kaniyang kamay gamit ang kanang kamay nito. 

Magkahawak-kamay na sumunod na sila sa dalawa. 

"Ang cute nun oh" turo ni Dara sa isang asul na teddy bear. "Kamukha ni Kera" sabi nito.

"Sino naman si Kera?" tanong niya dito.

"Yun? Teddy bear ko. Color pink siya at lagi ko siyang katabi kapag natutulog ako. Nasa kama ko lang siya nakatambay. Basta kamukha niya 'yon" muling turo nito sa teddy bear.

"Yves-kun! Dara-chan!" tawag sa kanila ni Miaka. Kumakaway ito sa kanila nang tumingin sila dito. 

"Tara na" hinila siya ni Dara papunta sa mga ito. 

Kasalukuyan silang nasa tapat ng Quantum kung saan marami silang pwedeng mapaglaruan. "Let's have some games, for fun."

"Games?" tanong ni Dara kay Miaka.

"Yes. Kayong dalawa ni Yves against me and Kenji."

"Sige ba!"

Pumasok na sila sa loob at bumili ng mga token. Una nilang nilaro ang basketball. 

"Marunong ka bang maglaro?" tanong ni Yves kay Dara.

"Medyo. Bakit?"

"Good. Dahil tayong dalawa ang maglalaro."

"Talaga? Yey!"

"Hindi ako marunong maglaro eh kaya ikaw na lang Kenji" narinig niyang sambit ni Miaka.

"Okay lang. Hindi ka naman required" sagot dito ni Kenji.

Nagsimula na silang maglaro. Tawa ng tawa sina Dara at Yves kapag sumasablay sila sa pag-shoot ng bola samantalang cheer naman nang cheer si Miaka kay Kenji. Sa huli, sina Kenji ang nanalo dahil hindi makapaglaro ng maayos sina Dara at Yves sa kakatawa.

"Ang sweet niyo naman" ani Miaka sa kanilang dalawa. Napangiti na lamang siya bilang tugon.

"Next! Doon tayo sa may dance something" yaya sa kanila ni Dara. Naglakad na sila papunta doon. 

Unang naglaban ay sina Miaka at Dara. Sa huli ay si Dara ang nanalo. Nang sina Kenji at Yves naman ang maglaban ay si Kenji ang nanalo kaya lamang pa rin sina Miaka.

Sa huli ay nauwi din sila sa pagkanta. Tanging sina Miaka, Dara at Yves lamang ang nakanta habang si Kenji naman ay nanatili lamang na nakaupo doon.

"Kenji-kun, come on, sing for us. Last song na naman eh."

"Ayoko."

"Sige na, isa lang" pamimilit dito ni Miaka.

Nanatili lamang itong nakaupo doon at hindi na nagsalita. 

"Ako na lang muna ang kakanta Miaka-chan" pagboboluntaryo ni Yves. Nginitian naman ito ni Miaka. Habang kumakanta ito ay lumabas saglit si Miaka upang sagutin ang tawag.

Naupo sa tabi ni Kenji si Dara.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kenji dito.

"Isang song lang" hirit dito ni Dara.

"Ayoko."

"Sige na! Huwag ka nang KJ. Pauwi na naman eh."

Bumuntong-hininga ito.

"Okay na ah? Gusto ko yung now and forever. Yung kinanta mo dati sa park. Favorite ko yun" nakangiting sabi nito kay Kenji at medyo lumayo na sa kaniya. Saktong tapos nang kumanta si Yves at bumalik na si Miaka.

"Ang galing!" sabi ni Dara kay Yves na pumalakpak pa. Nginitian naman siya nito.

"Tumawag na yung butler ko. Sige na Ke-"

"Oo na, oo na" tumayo ito at nagtipa ng numero. Nagulat si Dara dahil alam nito ang number ng kantang sinabi niyang kantahin nito.

Ang ganda talaga ng boses nito. Tumingin ito sa kaniya habang kumakanta. 

Sometimes I just hold you

Too caught up in me to see

I'm holding a fortune that heaven has given to me

I'll try to show you each and every way I can

Now and forever I will be your man

Nang matapos na ang kanta ay lumabas na sila doon. Pagkalabas nila ng mall ay naroroon na ang sundo ni Miaka.

"Thanks for today Dara-chan and Yves-kun. And to you, Kenji-kun, belated happy birthday." Lumapit si Miaka kay Kenji at kinintalan ito ng halik sa pisngi.Kumaway ito sa kanila bago sumakay sa sasakyan nito. Muli itong kumaway bago tuluyang umalis ang sasakyan.

"Hatid na kita Da-" nag-ring ang cellphone ni Yves dahilan upang mapatigil ito sa sasabihin nito. "Wait lang Dara ah. Natawag si mama"

Lumayo ito ng kaunti at kinausap ang nasa kabilang linya. Nang bumalik ito ay malungkot ang ekspresyon ng mukha nito. Parang nag-sosorry ito sa kaniya. "Dara, si mama iyong tumawag." anito. Nakita niyang naglakad na papunta sa motor nito si Kenji. "Sabi niya, sunduin ko daw muna siya dahil overtime ngayon sa trabaho niya si papa. Okay lang ba sayo na hindi kita ihatid?"

"Okay lang. Puntahan mo na lang si tita. Gabi na oh."

"Sorry talaga."

"Okay lang" lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi. Ngumiti siya dito at ganoon din ito sa kaniya. Unti-unti ay lumapit ang mukha nito sa kaniya, na para bang hahalikan siya nito, hindi sa pisngi, kundi sa labi. Dahan-dahan niyang ipinipikit ang kaniyang mga mata. At naghihintay sa mga susunod na mangyayari...

"Ehem. Ako na lang ang maghahatid kay Dara" nagulat silang pareho nang marinig nila ang boses ni Kenji. 

"O-okay. Sige na Yves, sunduin mo na si tita" aniya dito. Tumango lamang ito at hinalikan na lamang siya sa pisngi.

"Ikaw na ang bahala kay Dara. Ingatan mo siya" tango lamang ang sinagot dito ni Kenji.

Tumalikod na ito at naglakad patungo sa sasakyan nito. Siya naman ay sumabay na kay Kenji.

"Naistorbo na naman kita."

"Buti alam mo. Dapat sa kaniya ka pa rin nagpapahatid kahit na idaan ka lang niya sa inyo. Boyfriend mo naman siya."

"Sorry talaga. Istorbo talaga ko lagi sayo"

"Kung 'yan ang iniisip mo, edi magpahatid ka na lang sa Yves na yun"

Yumuko siya at napatingin sa kaniyang kamay. "Nahihiya ako."

"Tapos sakin, hindi ka nahiya? Boyfriend mo na naman yun."

"Eeeeeh! Basta nahihiya ako"

Bumuntong-hininga ito. "Lapit" lumapit naman siya dito. Isinuot nito sa kaniya ang kaniyang helmet. "Sakay na" utos nito. Pumwesto na siya sa likod nito. "Kamay." kinuha nito ang kaniyang kamay at ipinaikot sa baywang nito. "Kumapit ka nang mahigpit."

"Opo."

"Good girl."

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon