Chapter 34: Confession: Star, Moon, Sun and Kiss

46 1 1
                                    

A/N: PLEASE LISTEN TO THIS >> http://www.youtube.com/watch?v=9_9ADpx5FHE << PARA MAS RAMDAM NIYO ANG UPDATE NA TO OKAY? PAKI-RAPE NA LANG NG REPEAT BUTTON KAPAG NATAPOS NA YUNG SONG PERO DI PA KAYO TAPOS DITO :))

~Dara's POV~

Nandito ako sa may rooftop ng CBA, o College of Business Administration kasama si Yves. Alas kuwatro na ng hapon at kanina pang tanghali kami magkasama.

"Hindi ka ba papasok sa subject mo ngayon? Anong oras na ah" sabi ko dito habang nakatingin sa mga estudyanteng nadaan sa may ibaba. Hindi mainit sa pwesto namin kaya okay lang na tumambay doon. Medyo makulimlim nga eh.

"Tapos iwan ka dito? Okay lang. Sabado naman bukas eh, wala nang pasok" pagdadahilan naman nito. Ay ang sweet talaga! Pero hindi pwede.

"Iwan na lang kaya kita dito?"

"Uy! Bakit?"

"Mamili ka. Pupunta ka sa klase mo ngayon o iiwan kita dito, bahala ka na?" tanong ko dito. Ang klase kasi nito ngayong araw ay 1pm-4pm at 4pm-7pm. Grabe! Hanggang gabi pa sila!

"Pwede bang none of the above?"

"Hindi. Yun lang ang choices"

Bumuntong-hininga ito at ngumiti.

"Nananaginip lang ba ako o talagang girlfriend na kita?" tanong nito.

"Gusto mo ihulog kita simula dito ng malaman mo?" biro ko dito. Natawa naman ito. Napangiti ako ng haplusin nito ang pisngi ko. "Totoo 'to, ano ka ba? Hindi mo nga ako pinag-speech kanina eh" 

"May sasabihin ka pa ba?"

"Oo naman!"

"Ano?"

"Na boyfriend ko na si super crush"

"Ha?" naguguluhang sambit nito.

"Heh! Nag-loading na naman 'yang utak mo. Hala larga na! Baka malate ka pa!" pagtataboy ko dito. Kung tutuusin, gusto ko pa siyang makasama ngayong birthday ko para mas makumbinsi ko ang sarili ko na hindi talaga ako nananaginip kaya lang, may klase pa siya kaya hindi pwede. Next time na lang.

"Sige na nga" nagulat ako ng kintalan ako nito ng halik sa pisngi. "Ingat ka ah? See you" sabi nito bago umalis. Napahawak ako sa bahagi ng pisngi ko kung saan lumapat ang labi nito.

Napapikit ako habang naroroon pa rin ang kamay ko. Bakit parang iba? Iba yung feeling. 

Habang nakapikit ay mukha ni Kenji ang nakita ko, nung mga panahong natulog ako sa condo niya at kinintalan niya ako ng halik sa noo. Bakit ganoon? Iba eh. Pakiramdam ko, ginapangan ko ng kuryente ng mga oras na iyon. Pero...

Napasinghap ako! Si Kenji, hindi niya pa alam ang tungkol sa amin ni Yves!

~Author's POV~

Abot-tainga ang ngiti ni Yves habang bumababa ng hagdan. Hindi niya maiwasan ang mapalingon sa itaas kung saan siya nanggaling. Pinigilan niya ang sarili na pumihit at balikan si Dara. Alam niyang papaalisin lang siya nito dahil gusto nitong pumasok siya sa klase niya.

Napabuntong-hininga siya at kinurot ng madiin ang sarili.

"Aray!"

"Para ka namang babae. Gising ka, huwag mo nang kumpirmahin" nagulat siya nang may biglang nagsalita. Pamilyar ito sa kaniya. Ito si Kenji.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"None of your business" sagot naman nito. "Panaginip ba ang lahat?" tanong nito sa kaniya.

Pag-ibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon